Mga Saligan ng
Pananampalataya
HARVESTIME INTERNATIONAL INSTITUTE
Ang kursong ito ay bahagi ng Harvestime International Institute, isang programang inihanda upang mabigyang kakayahan ang mga mananampalataya tungo sa mabisang pagaaning espirituwal.
Ang batayang paksa ng pagsasanay na ito ay ituro ang mga itinuro ni Jesus, kung paanong ang mga mangingisda, kolektor ng buwis at iba pa, ay binago Niya at naging mga mabubungang Cristiano at ang mga ito ay naghatid ng ebanghelyo sa kanilang daigdig na may kapahayagan ng kapangyarihan.
Ang manwal na ito ay isang kurso na kabilang sa ilang mga modules ng kurikulum na gumagabay sa mga mananampalataya mula sa pagmamasid, tungo sa pagsasagawa, pagpaparami, at pagsasangkot upang maabot ang ebanghelisasyon.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa mga dagdag ng mga kurso, sumulat sa:
Harvestime International Institute
3092 Sultana Dr.
Madera, California 93637
U.S.A.
© Harvestime International Institute
NILALAMAN
Paano Gamitin ang
Manwal na ito . . . . . . . I
Mungkahi Para sa
Sama-samang Pag-aaral . . . . . . II
Pambungad
1
. . . . . . . . . .
Mga Layunin ng Kurso . . . . . . . . 3
1. Pundasyon . . . . . . . . . 4
2. Pagsisisi sa Mga
Patay na Mga Gawa- Unang Bahagi . . . . 15.
3. Pagsisisi sa Mga
Patay na Mga Gawa – Ikalawang Bahagi . . . 23. .
4. Pananampalataya
sa Dios . . . . . . . . 38
5.Doktrina ng
Bautismo- Unang Bahagi . . . . . . 55
6. Doktrina ng
Bautismo- Ikalawang Bahagi . . . . . . 68
7. Pagpapatong ng
Mga Kamay . . . . . . . 86
8. Muling Pagkabuhay
ng Mga Patay -Unang Bahagi . . . . 96
9. Muling Pagkabuhay
ng Mga Patay- Ikalawang Bahagi . . . . 107
10. Walang Hanggang
Paghuhukom . . . . . . . 125
11. Kasakdalan . . . . . . . . . 148
Apendise . . . . . . . . . . 166
Mga Sagot sa
Pansariling Pagsusulit . . . . . . . 169
PAANO GAMITIN ANG MANWAL NA ITO
PORMAT NG MANWAL
Mga Layunin: Ito ang mga layuning na dapat maabot sa pagaaral ng kabanata. Basahin muna ang mga ito bago simulan ang aralin.
Susing Talata: Ang talatang ito ang nagbibigay diin sa kaisipan ng kabanata. Isaulo ito.
Nilalaman ng Kabanata: Pagaralan ang bawat seksyon. Gamitin ang iyong Biblia sa pagtingin sa mga reperensya na hindi nalimbag sa manwal.
Pangsariling-Pagsusulit: Isagawa ang pagsusulit na ito pagkatapos pagaralan ang kabanata. Sikaping sagutin ang mga tanong na hindi ginagamit ang Biblia o ang manwal na ito. Pag natapos na ang Pangsariling-Pagsusulit, ihambing ang iyong mga sagot sa Seksyon ng mga Sagot sa dulo ng aklat.
Para sa Dagdag na Pag-aaral: Ang seksyon na ito ay tutulong sa iyo na ituloy ang iyong pagaaral ng Salita ng Diyos, palaguin ang iyong kakayahang magaral, at iangkop ang iyong natutuhan sa buhay at ministeryo.
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang pag-enrol mo sa kursong ito ay upang makaipon ng credits, kailangang kumuha ka ng Pangwakas na Pagsusulit para sa kursong ito. Sa pagtatapos ng kursong ito, kumpletohin mo ang pagsususlit at ibalik ito ayon sa tagubilin upang mabigyan ng grado
DAGDAG NA KAILANGANG GAMIT
Kakailanganin mo ang salin sa Tagalog- Ang Biblia
I
MGA MUNGKAHI PARA SA SAMA-SAMANG PAGAARAL
UNANG
PAGTITIPON
Pasimula: Magsimula sa panalangin at pagpapakilala. Magkilanlan at ilista ang mga magaaral
.
Ilatag ang mga Pamararaan sa Grupo: Tiyakin kung sino ang mangunguna sa mga pagtitipon, ang oras, ang lugar, at petsa para sa mga sesyon.
Praise and Worship: Anyayahan ang presensya ng Espiritu Santo sa inyong mga sesyon ng pagasasanay.
Ipamahagi ang mga Manwal sa mga Magaaral: Ipabatid ang paksa ng manwal, pormat, at mga layunin ng kurso na nakatala sa mga paunang pahina ng manwal na ito.
Ibigay ang Unang Takdang-Aralin: Babasahin ng mga magaaral ang mga itinakdang kabanata at gawin ang Pangsariling-Pagsusulit bago maganap ang unang pagtitipon. Ang bilang ng kabanata na masasakop kada pagtitipon ay naka depende sa haba, nilalaman ng mga kabanata at kakayahan ng grupo.
PANGALAWA AT MGA SUMUSUNOD
NA MGA PAGTITIPON
Pasimula: Manalagin. Tanggapin at irehistro ang sinumang bagong magaaral at bigyan sila ng manwal. Ilista ang mga present. Magdaos ng Praise and Worship.
Pagbabalik-Aral: Magbigay ng maikling kabuuan ng mga pinagaralan sa nakaraang pagtitipon.
Aralin: Talakayin ang bawat seksyon ng kabanata na ginagamit ang mga PAMAGAT NA NAKATITIK NG MALAKING MGA LETRA bilang balangkas ng pagtuturo. Hayaang magtanong o mag-komentaryo ang mga magaaral sa kanilang mga napagaralan na. Iangkop ang mga aralin sa buhay at mga ministeryo ng iyong mga magaaral.
Pangsariling-Pagsusulit: Balikan ang Pangsariling-Pagsusulit na natapos na ng mga magaaral. (Bigyang-pansin: Kung hindi mo nais na tingnan ng mga magaaral ang mga sagot sa Pangsariling-Pagsusulit, maaari mong alisin ang mga pahina ng mga sagot sa dulo ng manwal.)
Para sa Dagdag na Pagaaral: Maaari mong gawin nang sama-sama o isahan ang mga proyekto .
Pangwakas na Pagsusulit: Kung ang iyong grupo ay nag-patala para magkaroon ng credit, kailangan ang Pangwakas na Pagsusulit. Magpa-kopya para sa bawat magaaral at pangasiwaan ang pagsusulit sa pagtatapos ng kurso.
II
MODULE: PAGHIRANG
KURSO: Mga Saligan ng Pananampalataya
PAMBUNGAD
Ang
pangunahing doktrina ng Kristiyanong Pananampalataya ang paksa ng kursong ito.
Ang Doktrina ay mga koleksiyon ng mga aral o turo sa isang paksa. Ang
pangunahing doktrina ng Kristiyanong Pananampalataya ay mga turo ng Panginoong Jesu- Cristo na nasulat sa
Biblia.
Ang
mga doktrinang ito ay nasulat sa Biblia sa aklat ng Hebreo.
Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang
simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag
nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at
ng pananampalataya sa Diyos,
Ng aral na tungkol sa mga paglilinis at pagpapatong
ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na
walang hanggan.
At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Diyos.
(Hebreo 6:1-3)
Dalawang layuning
Espirituwal ang itinakda sa talatang ito.
Ang unang layunin ay ang pagpapalago
ng buhay Kristiyano sa tamang saligan. Ang saligan
na ito ay ang doktrina ni Jesus Christ.
Ang pangalawang layunin ay maihatid sa kaganapan. Ang ibig
sabihin ng kaganapan ay paglagong
espirituwal.
May dalawang kadahilanan kung bakit bigo sa pamumuhay ng matagumpay na
buhay Kristiyano.
Ang unang dahilan
ay, ang iba ay nagsisikap na mamuhay katulad ng isang Kristiyano subalit hindi pa sila Born Again. Hindi nila
nauunawan ang saligan ng doktrina ni Jesu- Cristo.
Dahil sa kakulangan ng pagkaunawa, sila ay bigo upang makatugon sa Diyos nang tama.
Ang pangalawang dahilan
sa kanilang pagkabigo ay wala silang paglagong espirituwal.
Ang unang layunin o hangarin ng kursong ito ay ilahad ang saligan ng Kristiyanong
pananampalataya na kinakailangan para
sa tamang pundasyong espirituwal.
Ang anim na saligan ng pananampalataya ayon sa Hebreo 6:1-3 ang
tatalakayin sa kursong ito
- Pagsisisi sa mga patay na gawa
-
Pananampalataya
sa Diyos
-
Ang Doktrina ng
Bautismo
-
Pagpapatong ng
mga Kamay
-
Muling
pagkabuhay ng mga patay
-
Walanghanggang
Paghuhukom
Matapos maitatag ang mga pundasyong
ito, ang pangalawang layunin o hangarin ay maakay ka sa
kaganapan…
“… At ating gagawin
ito, kung ipahihintulot ng Diyos ...”
MGA LAYUNIN NG KURSO
Pagkatapos pag-aralan ang kursong ito ikaw ay may kakayahang:
· Ipaliwanag ang anim na Saligan ng Pananampalataya na nakatala sa Hebreo 6:1-3
· Magtatag ng tamang pundasyong espirituwal para sa iyong sarili.
· Magpatuloy sa kaganapan.
Unang Kabanata
MGA SALIGAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito
ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Makita ang pagkakaiba ng tama at maling pundasyong espirituwal.
· Maipaliwanag ang kahalagahan ng pagtatatag sa tamang saligan ng pananampalataya.
· Kilalanin na si Jesu- Cristo ang tunay na saligan ng pananampalataya.
· Magtala ng tatlong hakbang tungo sa wastong saligan ng pananampalataya.
MGA SUSING TALATA:
Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang
simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag
nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at
ng pananampalataya sa Diyos,
Ng aral na tungkol sa mga paglilinis at pagpapatong
ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na
walang hanggan.
At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng
Diyos.(Hebreo 6:1-3)
PAMBUNGAD
Inihalintulad ng Biblia ang buhay ng isang mananampalataya sa pagtatayo ng isang gusali:
… Kayo
ang gusali ng Diyos… (I Corinto 3:9)
Ang bawat mananampalataya ay magkaisa kay Cristo kasama ang ibang Kristiyano upang mabuo ang Iglesya. Inihalintulad rin ng Biblia ang Iglesya sa isang gusali:
Na sa
kaniya’y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu.
( Efeso
2:22)
Sa tuwing ang tao ay magtatayo ng isang gusali dapat muna silang maglatag ng tamang pundasyon. Dahil ito ay natural na prinsipyo na nauunawaan ng lahat ng tao. Ginagamit ito ng Dios upang magturo ng dakilang katotohanang espirituwal.
Ang mananampalataya ay dapat magkaroon ng tamang pundasyon para magkaroon ng mabuting espirituwal na tahanan. Ang pundasyon ay dapat mailatag ayon sa nais o plano ng nagtatayo. Ang Biblia ang nagbibigay ng plano ng Maestro, Jesus Christ.
Ang kabanatang ito ang magpapaliwanag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pundasyong espirituwal. Ilalahad dito ang pinagbabatayan ng prinsipyo ng Biblia na itinuturo tungkol sa pundasyon.
ANG LAYUNIN NG PAGTATAYO
Ang layunin ng iyong
espirituwal na “pagtatayo” ay upang magkaroon ng lugar (tahanan) ang Diyos. Ang
Espiritu ay mananahan lang sa iyo kung ang iyong buhay ay natatag sa tamang
pundasyon. Si Pablo ay nagtanong:
Hindi
baga ninyo nalalaman na kayo’y templo ng Diyos at ang Espiritu ng Dios ay
nananahan sa inyo? (I Corinto 3:16)
Dahil
dito pinaaala-lahanan ka na magtayo ng tamang pamumuhay espirituwal:
Ngunit
ingatan ng bawat tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw na ito (I Corinto
3:10)
ANG SALIGAN
Ang saligang espirituwal
kung saan ang Salita ng Diyos ang nagsasabi:
AY BATAY SA SALITA NG DIOS:
Gayon
ma’y ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may tatak nito,
(II Timoteo 2:19)
AY MABUTING SALIGAN:
Na
mangagtipon sa kanilang sarili ng isang
mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, (I Timoteo 6:19)
AY BATAY SA
KATUWIRAN:
Ngunit ang matuwid ay
walang hanggang patibayan. (Kawikaan 10:25)
AY
PANGWALANGHANGGAN:
Na
mangagtipon sa kanilang sarili ng isang
mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, (I Timoteo 6:19)
AY NABABATAY SA
DALAWANG PANGUNAHING PRINSIPYO:
Gayon
ma’y ang matibay na pinagsasaligan ng Diyos ay nananatili na may tatak nito,
(II Timoteo 2:19)
Ang dalawang prinsipyo kung saan ang saligan ay naitatag ay:
1. Ang naligtas na tao --------à . Alam ng Diyos kung sino ang sa Kanya.
2. Ang manunubos ay buhay --------à Ang bawat tumawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan.
Ay Natatag sa Batong hindi Matitinag:
Siya’y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka’t natitirik na mabuti. (Lucas 6:48)
Si Jesus ang Batong Yaon:
May Diyos
baga liban sa akin? (Isaias 44:8)
Si Jesu- Cristo lang ang saligan para sa buhay espiritual.
Sapagkat sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang
pinagsasaligan, kundi ang nakalagay na, na ito’y si Cristo Jesus. ( I Corinto 3:11)
JESUS: ANG
SALIGAN/PUNDASYON
Ang Diyos ang pumili Kay Jesu-Cristo bilang saligan ng buhay espirituwal:
“...Narito aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay na patibayan… (Isaias 28:16)
Ang saligan ng buhay espirituwal ay hindi likha ng taong sumasampalataya, denominasyon, o seremonya ng isang relihiyon. Ang saligan ay Si Jesu –Cristo.
Marami sa nagkukunwaring mananampalataya ang sumusubok na magtayo ng dakilang espirituwal na istraktura ng Cristianismo sa kanilang buhay. Sila ay sumasali sa programa ng Iglesya at gumagawa ng mabuti. Ang panglabas na pagtatayo ng espirituwal na gusali ay maganda. Subalit bago magtagal ang kanilang espirituwal na gusali ay nagsisimulang lumubog at bumagsak. Sila ay pinanghihinaan ng loob, talunan, at nahuhulog sa kasalanan. Ito ay dahil sa pagsubok na magtayo sa maling pundasyon.
Kung paano kinakailangan ang tamang pagsuporta sa pagtatayo ng isang gusali, ang tamang pundasyong espirituwal ay kinakailangan upang suportahan ang pagtatayo mo ng iyong espirituwal na buhay:
Sapagkat
sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay
na, na ito’y si Cristo Jesus.
Datapuwa’t
kung ang sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak,
mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
Ang gawa
ng bawat isa ay mahahayag: sapagkat ang
araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at apoy rin
ang susubok sa gawa ng bawa’t isa kung ano yaon . (I Corinto 3:11-13)
Ang lahat na tinatawag na gawa ng “Kristiyano” ay susubukin ng Diyos. Ang istraktura ng iyong buhay espirituwal ay susuriin upang malaman kung ito ay itinatag sa tamang pundasyon. Ang nag-iisang pundayson sa buhay espirituwal na siyang mananatili ay iyon lamang itinayo Kay Jesu- Cristo.
ANG KAHALAGAHAN NG MGA PUNDASYON
Ang pundasyon ay napakahalaga. Napagtanto ito ng may akda ng Mga Awit nang itinanong niya:
Kung ang
mga patibayan ay masira, Anong magagawa ng matuwid? (Awit 11:3)
Sa natural, kung ang pundasyon ng gusali ay mali ang pagkalatag ang buong gusali ay maaaring bumagsak. Ganito rin sa espirituwal. Ang maling pundasyon ay magbubunga ng kapahamakan.
Ang natala sa aklat ng Haggai ay nagbibigay ng diin sa kahalagahan ng tamang espirituwal na mga pundasyon. Ang Israel ay nakakaranas ng mahinang ani sa natural. Sinabi ni Hagai na suriin ang kanilang mga pamamaraan.
Kayo’y nangaghasik ng marami,
at nagsisiani ng kaunti… Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. (Hagai 1:6,7,9)
Upang iwasto ang problema , Sinabi ni Hagai sa mga Israelita na dapat muling magtayo sa natural at espirituwal na mundo.
Kinakailangan na muling magtayo sa natural na mundo ang mga Israelita dahil kanilang ipinagpaliban ang pagtatayo ng tahanan ng Panginoon. Sila ay nagtayo ng kanilang mga tahanan at inuna nila ang kanilang naisin kaysa sa utos ng Diyos na itayong muli ang templo. Subalit higit sa lahat, ang pundasyong espirituwal ng kanilang buhay ay mali. Sila ay naghahandog
( mabubuting gawa) mula sa kamay na hindi banal.
…Gayon nga
ang bayang ito, at gayon ang bansang ito sa harap ko, sabi ng Panginoon ; at
gayon ang bawat gawa ng kanilang mga kamay; at ang kanilang inihahandog doon ay
marumi. (Hagai 2:14)
Ang tamang gawa na inihandog ng kamay na hindi banal ay hindi katanggaptanggap. Ang pundasyong espirituwal ng kanilang buhay ay mali kaya sila ay hindi pinagpala ng Diyos.
Sa natural na mundo sinabi ni Hagai sa anak ng Diyos na ang pundasyon ng templo ng Panginoon ay dapat muling ilatag. Sinabi niya na dapat nilang itatag ang espirituwal nilang buhay sa tamang pundasyon. Sa araw na ang Israel ay muling nagtatag sa tamang pundasyon, magsisimula na sila ay pagpalain ng Diyos:
Isinasamo
ko nga sa inyo, na kayo’y magdilidili mula sa araw na ito at sa nakaraan mula
nang ikadalawang pu’t apat na araw ng ikasiyam na buwan, mula na ang araw na
ang tatagang- baon ng templo ng Panginoon ay ilagay, gunitain ninyo.
May binhi pa baga sa kamalig? Oo, ang puno ng
ubas, at ang puno ng igos, at ang granada, at ang puno ng olibo ay hindi nagbunga;
mula sa araw na ito ay pagpapalain ko kayo. ( Hagai 2: 18-19 )
Sa simula na ikaw ay magtatag sa tamang mga pundasyong espirituwal, pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.
ANG DOKTRINA NI JESUS
Binigyan diin ni Jesus ang pangangailangan ng pagtatayo sa tamang pundasyong espirituwal. Kanyang inilarawan ito sa talinhaga ng dalawang tao na nagtayo ng bahay. Natala sa Biblia ang dalawang talinhagang ito. Ang isa ay sa Mateo 7:24-29 at ang isa naman ay sa Lucas 6: 47-49. Ang mga sipi nito ay isinulat upang maipaghambing .
Lucas Mateo
Ang bawa’t lumapit sa akin, at pinakikinggan Kaya’t ang bawat dumirinig ng aking mga
ang aking mga salita, at ginagawa, itinuturo salitang ito at ginaganap, ay matutulad sa
Ko sa inyo kung sino ang katulad: isang taong matalino,na itinayo ang kaniyang
bahay sa ibabaw ng bato:
Siya’y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay
humukay at pinakalalim, at inilagay ang pati- At lumagpak ang ulan at bumaha,at humihip
bayan sa bato; at nang dumating ang isang baha, ang mga hangin, at hinampas ang bahay na
ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at yaon; at hindi nabagsak; sapagkat natatayo
hindi nakilos; sapagkat natirik na mabuti. sa ibabaw ng bato.
Datapwa’t ang dumirinig, at hindi ginagawa, At ang bawat dumirinig ng aking mga salitang
ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa ito at hindi ginaganap,ay matutulad sa isang
lupa na walang patibayan; laban sa yaon ay taong mangmang, na itinayo ang kaniyang
hinampas ng agos, at pagdaka’y nagiba; at bahay sa buhanginan:
malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
(Lucas 6:47-49) At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip
Ang mga hangin,at hinampas ang bahay na
yaon; at nabagsak; at kakilakilabot ang kani-
yang pagkabagsak.
At nangyari, na nang matapos na ni Jesus ang
mga salitang ito, ay nangatilihan ang mga karamihan sa kaniyang aral.
Sapagka’t sila’y kaniyang tinuruan tulad sa may kapamahalaan, at hindi gaya ng kanilang mga eskriba. ( Mateo 7:24-29)
Ang mga ito ay ilan sa mga mahalagang prinsipyo:
DOKTRINA;
Ang unang prinsipyo sa pagtatayo ng tamang pundasyong espirituwal ay bahagi ng doktrina (katuruan) ni Jesus. Natala sa talatang ito na ang mga tao ay “ namangha sa Kanyang doktrina”. Bahagi ng doktrina ay ang istorya na Kanyang isinalaysay tungkol sa pagtatayo ng tamang pundasyon.
Binanggit ni Pablo na ang pagtatayo ng tamang pundasyon ay bahagi ng doktrina ni Jesus:
Kaya’t tayo’y tumigil na ng
pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo… na huwag nating ilagay na
muli ang kinasasaligan… (Hebreo 6:1)
Ipinagpatuloy ni Pablo ang nilalaman ng doktina ni Jesus.
ANG TAMANG PUNDASYON:
Ang mga hakbang ng pagtatayo ng tamang pundasyong espirituwal ay nasusulat sa Lucas 6: 47:
1. Ang bawat lumalapit sa akin…
2. Pinakikinggan ang aking mga salita…
3. Ginagawa…
Lahat ng tatlong hakbang na ito ay kailangan. Hindi sapat ang lumapit kay Jesus. Kailangan mong pakinggan ang kanyang sinasabi. Subalit ang paglapit at pakikinig ay hindi sapat. Kailangan mong may gawin. Ang isang tao ay maaring lumapit, makinig sa anumang sasabihin ni Jesus , subalit hindi tumugon:
At bakit tinatawag ninyo ako,
Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
(Lucas 6:46)
Maaari mong malaman ang Salita at hindi ka tumugon dito. Si Jesus ay hindi tunay na Panginoon ng iyong buhay hanggat hindi ka tumutugon sa Kanyang mga katuruan. Ang tamang pundasyon ay batay sa Salita ng Diyos. Ang taong lumapit kay Jesus, pinakinggan ang Kanyang Salita, at tumugon ay matatawag na matalino. Tiniyak ng taong ito na matatag ang kanyang pundasyong espirituwal. Siya ay “humukay ng malalim” inalis ang lahat ng nakakasagabal sa pagitan niya at ng Bato, na si Jesu-Cristo
Ang Salita ng Diyos ang plano kung saan natin makikita ang pagtatayo ng pundasyong espirituwal ng buhay. Ang Biblia ay dapat tanggapin na lubos na awtoridad at ang plano para sa iyong pundasyong espirituwal dahil…
… hindi sa kalooban ng tao
dumating ang hula kailanman: kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na
nangaudyokan ng Espiritu Santo.
(II Pedro 1:21)
Ang layunin ng kapahayagan ng Dios ay ibinigay sa II Timoteo 3:16
Ang lahat ng mga kasulatan na
kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa
pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran. (II Timoteo 3:16)
ANG MALING PUNDASYON:
Ang taong nagtayo sa maling pundasyon ay nakarinig ng Salita ng Dios subalit hindi tumugon
sa kanyang narinig. Siya ay tinawag na luku-luko at inihalintulad sa taong nagtayo ng walang pundasyon (Lucas 6:49). Ang kanyang bahay ay itinayo sa buhanginan sa halip na sa bato. (Mateo 7:27)
Ikaw ay nagtatayo sa buhanginang espirituwal kung nakasalig ang iyong buhay sa mga tradisyon o paniniwala ng relihiyon ng tao. Iniisip mo na espirituwal ka sa paggawa ng mabubuting gawa, pagdalo sa iglesya,o ibang seremonya ng relihiyon.
MGA BAGYO NG BUHAY:
Ang istorya ni Jesus tungkol sa dalawang nagtayo ng bahay ay nagpapakita ng dakilang katotohanan . Natural sa buhay ang bagyo. Ang mga pangyayari sa buhay ay resulta ng maraming personal na krisis. Kailangan mong harapin ang kamatayan, karamdaman, at sakuna. Kahit mananampalataya ay makakaharap ng suliranin. Pinaalalahanan tayo sa Gawa 14:22 “at sa pamamagitan ng maraming kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Diyos.”
Sinabi ni Jesus :
…Sa sanglibutan ay mayroon
kayong kapighatian: nguni’t laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang
sanglibutan. ( Juan 16:33)
Walang sinumang makaliligtas sa bagyo ng buhay. Ang mahirap na sitwasyon ng buhay ay nararanasan ng lahat ng tao sa lahat ng dako. Ang mga bagyo ng buhay ay pare-pareho, subalit iba’t iba ang pagtugon ng mga tao. Kung ang iyong buhay espirituwal ay walang tamang pundasyon babagsak ka. Katulad ng bahay na natayo sa buhanginan, ang pinsala ay grabe. Kung ang iyong buhay ay naitayo sa tamang pundasyon ni Jesu-Cristo at ng Kanyang Salita (doktrina), ang bagyo ng buhay ay hindi makakatinag sa iyo.
... Minsan pang yayanigin ko
, hindi lamang ang lupa , kundi pati ng langit .
At itong salita, Minsan pang
pinakakahulugan ang pagaalis niyaong mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang
mga hindi nayanig.
(Hebreo 12:26-27)
Sa pagdating ng mga pagsubok, ang mga hindi nayanig ay mananatili. Ang mga nanatiling nakatayo ay natatag sa tamang pundasyong espirituwal.
PUNDASYON:
KINAKAILANGAN
Ang tamang pundasyon ay kinakailangan para sa pagtatayo ng maayos na gusali sa natural na mundo. Ang kahulugan ng salitang “kinakailangan” ay “kailangan bago”. Ang tamang pundayson ay kailangan bago magtayo ng “higanteng gusali”. Ang “higanteng gusali” ay yaong naitayo sa tamang pundasyon.
Ang tamang pundasyong espirituwal ay kinakailangan sa paglagong espirituwal. Ayon sa Hebreo 6:1-3 hindi tayo mangagpapatuloy sa kasakdalan hanggat ang pundasyong espirituwal ay hindi nailalatag. Ang paglagong espirituwal ang higanteng gusali na nakaasa sa pundasyong espirituwal. Kung ang pundasyon ay mali, natural ang higanteng gusali ay hindi mananatiling nakatayo at hindi mo maaabot ang espirituwal na paglago.
Ang mga sumusunod na aralin ay magpapaliwanag ng mga bagay na dapat maging bahagi ng iyong pundasyong espirituwal. Subalit ayon sa talinhaga ng dalawang nagtayo ng bahay, ito ay nagpapakita na hindi sapat na malaman ang dalawang doktrinang ito. Dapat kang tumugon sa Salita ng Dios at isama ang mga katotohanang ito sa iyong pundasyong espirituwal.
Kung hindi ka tutugon sa Salita ng Dios, ilkaw ay tulad sa isang tao na inilarawan ni Apostol Santiago:
Datapuwa’t maging tagatupad
kayo ng salita , at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong
sarili.
Sapagka’t kung ang sinoman ay
tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na
tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin:
Sapagkat minamasdan niya ang
kaniyang sarili, at siya’y umaalis at pagdaka’y kaniyang nalilimutan kung ano
siya.
Ngunit ang nagsisiyasat ng
sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi
tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa ay pagpapalain ang taong
ito sa kaniyang ginagawa.
(Santiago 1:22-25)
Tandaan sa simula nang ikaw ay magpasya na magtayo ng iyong buhay espirituwal sa tamang pundasyon , ikaw ay pagpapalain ng Dios.
Ito ang mga prinsipyo na iyong pag-aaralan sa mga sumusunod na mga aralin:
- Pagsisisi sa mga patay na
gawa
-
Pananampalataya
sa Diyos
-
Ang Doktrina ng
Bautismo
-
Pagpapatong ng
mga Kamay
-
Muling
pagkabuhay ng mga patay
-
Walanghanggang
Paghuhukom
PANSARILING –PAGSUSULIT
1. Isulat ang susing talata mula sa memorya.
________________________________________
2.
Ano ang anim na saligan ng pananampalatya na nakasulat
na sa Hebreo 6:1-3
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
_________________________________ ________________________________
3. Paano ka nakapag-papatuloy sa espiriuwal na paglago?
________________________________________
4. Ano ang tatlong mga hakbang para sa pagtatayo ng tamang pundasyong espirituwal na ibiniigay sa Lucas 6:47?
________________________________________
5. Sino ang espirituwal na pundasyon na ibinigay ng Dios ?
________________________________________
(Ang
sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na
ito)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang Biblia ay naglalaman ng mga katuruan (doktrina) ni Jesu- Cristo at mga salita ng nag-iisang tunay at buhay na Dios. Nagpapaliwanag ito kung paano magtayo ng iyong buhay espirituwal sa tamang pundasyon.
ANG BIBLIA AY SALITA NG DIOS:
II Timoteo 3:11-17
II Pedro 1: 19-21
Hebreo 1:1
I Corinto 2:13
I Tesalonica 2:13
Juan 5:39
ANG BIBLIA AY
WALANGHANGGAN:
Mateo 24:35
Isaias 40:8
ANG BIBLIA AY ISANG PAMANTAYAN NA
MAPAGSASALIGAN NG BUHAY ESPIRITUWAL:
Awit 119:89
IKALAWANG KABANATA
PAGSISI SA PATAY NA MGA GAWA: I
BAHAGI
MGA
LAYUNIN:
Pagkatapos
pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Bigyang kahulugan ang “ pagsisisi sa patay na mga gawa.”
· Ipaliwanag ang pinagmulan ng kasalanan.
· Kilalanin ang iba’t ibang tawag sa kasalanan na ginamit sa Biblia.
SUSING TALATA:
Sapagka’t ang lahat ay
nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; (Roma 3:23)
PAMBUNGAD
Nakatala sa Hebreo 6:1-3 ang mga prinsipyo ng doktrina ni Jesu–Cristo kung saan ang mananampalataya ay dapat magtayo ng kanyang buhay espirituwal. Ang mga prinsipyong ito ay tinatawag na “ saligan” ng pananampalataya . Ito ang mga pangunahing doktrina kung saan naka batay ang pananampalatayang Kristiyano . Ang una sa mga prinsipyong ito ay “ pagsisisi sa patay na mga gawa”
PAGSISISI
Ang simpleng kahulugan ng salitang “pagsisisi” ay pagbabago ng isip na nagdudulot ng panglabas na pagbabago ng mga ginagawa.
Inuugnay ng ibang tao ang pagsisisi sa emosyon, katulad ng pagdaloy ng luha at makadama ng lungkot sa maling nagawa o naisip. Ang pagsisisi ay hindi emosyon. Ito ay desisyon. Kung minsan ang emosyon ay may kasamang tunay na pagsisisi. Subalit posible sa tao na makadama ng matinding emosyon at lumuha subalit hindi tunay na nagsisi.
Ang ibang tao naman ay iniuugnay ang pagsisisi sa paggawa ng mga tradisyon ng iglesya. Tinatawag ito na “paggawa ng penitensya”. Posible na magawa natin ang maraming tradisyon sa iglesya subalit hindi ito ang tunay na kahulugan ng maka -Bibliang pagsisisi.
Ang tunay na pagsisi ay pagbabago ng isip na nagdudulot ng pagbabago ng panglabas na ginagawa. Ang panglabas na pagbabago ay gawa ng pagtalikod mula sa kasalanan tungo sa Dios at katuwiran. Ang “pagtalikod” na ito ay nagpapakita ng pangloob na pagbabago ng isipan na nangyari.
Ang buod nito: Ang pagsisisi ayon sa Biblia ay pagbabago ng isip na nagdulot ng panglabas na pagtalikod mula sa kasalanaan tungo sa Dios at katuwiran.
WALANG
BISANG PAGSISISI
May mga ilang talata sa Biblia na ginamit ang salitang “pagsisis” sa ibang kaparaanan.
JUDAS:
Ayon sa Mateo 27:3-4 nalaman ni Judas Iscariote na si Jesus ay nahatulan na ng kamatayan. Pinagsisihan niya na ipinagkanulo niya si Cristo:
Nang magkagayo’y si Judas, na
nagkanulo sa kaniya, pagkakitang Siya’y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli
ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at matatanda,
Na sinabi, Nagkasala ako sa
aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan…(Mateo 27:3-4)
Ang Griegong salita na ginamit dito ay hindi katulad ng salitang ang ibig sabihin ay pagbabago. Ito ay salitang ginagamit ng tao na kalimitang may maling pakahulugan sa tunay na pagsisisi.
Sa maraming mga wika may mga salita na higit sa isa ang katuturan. Ito ay tutoo sa wika na kung saan ang Biblia ay nasulat. Mayroong higit sa isang pakahulugan ang salitang “pagsisisi” sa Biblia. Ang ibig sabihin ng salitang ginamit sa talatang ito tungkol kay Judas ay emosyon, lungkot, at mapighati.
Naranasan ni Judas ang malungkot sa kanyang ginawa subalit hindi niya naranasan ang tunay na pagsisisi ayon sa Bibliang katuturan. Hindi siya gumawa ng desisyon upang magdulot ng pagbabago ng kanyang mga gawa. Siya ay nagpatuloy sa kasalanan at sa wakas siya ay nagbigti.
ESAU:
Si Esau ang isang tao na gumawa ng kalunus-lunos na pagkakamali. Si Esau ay nagkasala nang ipinagpalit niya sa isang mangkok na sabaw ang kanyang karapatan bilang panganay na anak. Natala sa Biblia:
…Pagkatapos ay ninanasa
niyang magmana ng pagpapala, siya’y itinakwil; sapagka’t wala na siyang
nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kanyang ama, bagamat pinagsisikapan
niyang mapilit na lumuha.
(Hebreo 12:17)
Ipinagpalit ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na anak sa isang mangkok na sabaw. Dahil dito hindi niya tinanggap ang mga pagpapala at mga pangako ng Dios na kalakip ng karapatan ng panganay na anak.
Pagkatapos, nagsisi si Esau sa kanyang ginawa. Siya ay umiyak nang malakas at lumuha. Subalit ang sobrang emosyon ay hindi katunayan ng pagsisisi. Si Esau ay hindi tunay na nagsisi. Siya ay nanghinayan lamang sa karapatan ng panganay na anak at nais niya na makuha muli ito. Ang kanyang “pagsisisi” ay hindi katanggap-tanggap dahil mayroong pagkakaiba ang panghihinayang at tunay na pagsisisi.
PATAY
NA MGA GAWA
Kung lubos nating mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagsisisi, dapat nating maunawaan kung ano ang ating pinagsisisihan. Dapat nating maunawaan ang “ patay na mga gawa”. Ang “Patay na mga Gawa” ay buhay na hiwalay sa Dios. Ang mga gawang ito ay maaring maling gawain o mapagmapuring gawa.
Ang mga ito ay “kasalanan” ayon sa Biblia. Ang pangunahing bagay na sanhi ng kasalanan ay pagkamakasarili. Ito ay pagmamahal sa sarili salungat sa pagmamahal sa Dios. Ang pag-ibig sa sarili ay magdudulot sa tao na gawin ang “anumang nais niya”:
Tayong lahat na gaya ng mga
tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kanyang sariling daan… (Isaias 53:6)
Si Jesus ay namatay para sa kasalanaan ng tao para…
…ang nangabubuhay ay huwag
nang mabuhay pa sa kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at
muling nabuhay. (II Corinto 5:15)
Kapag ikaw ay nagsisi sa makasariling mga patay na gawa kinikilala mo ang pagkakaroon ng nag-iisang tunay na Dios, malaman mong ikaw ay makasalanan, humingi ng kapatawaran sa iyong kasalanan, at tanggapin ang plano ng Dios sa kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
ANG
PINAGMULAN NG KASALANAN
Nagkaroon ng kasamaan bago pa likhain ang tao. Ang kasalanan ay nagsimula kay Lucifer, kilala rin siyang si Satanas. Natala sa Biblia na nilikha ng Dios si Lucifer na espesyal na anghel at sakdal. Si Lucifer ay nagkasala nang nagtangka siyang magrebelde sa Dios. Dahil sa kasalanang ito, si Lucifer ay napaalis mula sa langit tungo sa lupa:
Ano’t nahulog ka mula sa
langit, oh tala sa umaga, anak ng umaga! Paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw
na siyang nagpahina sa mga bansa!
At sinabi mo sa iyong sarili,
ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga
bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang
bahagi ng hilagaan:
Ako’y sasampa sa itaas ng mga
kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng kataastaasan. (Isaias
14:12-14)
Ikaw ang pinahirang kerubin
na tumatakip: at itinatag kita, na anopa’t ikaw ay nasa ibabaw ng banal na
bundok ng Dios…
Ikaw ay sakdal sa iyong mga
lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan
sa iyo…. Kaya’t ihahagis kitang parang dumi mula sa bundok… (Ezekiel 28:14-16)
Sa lupa, si Lucifer (nakilala sa si Satanas) ay nagpatuloy sa pagrerebelde sa Dios. Nang likhain ng Dios ang unang lalaki at babae (Adam at Eva), inakay ni Satanas sina Adam at Eva na magkasala sa Dios. Kung minsan ang pagrerebeldeng ito ay tinatawag na “ Pagkahulog ng tao sa kasalanaan”, ang ibig sabihin ang tao ay nahulog mula sa katuwiran tungo sa kasalanan. Mababasa mo ito sa sa Genesis kabanata dalawa at tatlo.
Pinaalalahanan ng Dios si Adam at si Eva na ang mga kabayaran ng kasalanan ay kasama ang pisikal at espirituwal na kamatayan. Ang espirituwal na kamatayan ay pagkawala ng relasyon sa Dios. Ang pisikal na kamatayan ay pagkamatay ng aktuwal na pisikal na katawan. Dahil sa kasalanan nina Adam at Eva ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng tao:
Kaya, kung paano sa
pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang
kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan;
(Roma 5:12)
Dahil sa kasalanan ng unang lalaki at babae, ang kasalanan ay dumaloy sa sangkatauhan. Ang ibig sabihin lahat ng ipinanganak ay nakamana ng likas na kasalanan.
Kung paano ang pisikal na katangian ay namamana, ang espirituwal na katangian ng likas na kasalanan ay namamana rin. Ang bawat tao ay nagkasala at nahaharap sa kabayaran ng pisikal at espirituwal na kamatayan.
Si Satanas ang may reponsabilidad sa lahat ng kasamaan sa mundo. Ang kanyang rebelyon sa Dios ay nagpapatuloy habang kanyang tinutukso ang tao na magkasala. Mayroong patuloy na pagtatalo sa espirituwal na mundo sa puso, isipan at kaluluwa ng tao.
Ang bawat tao ay nakamana ng likas na kasalanan. Ang bawat tao ay indibiduwal na nagkasala kapag siya ay nadala ng likas na kasalanan upang magrebelde sa Dios:
Kundi ang bawa’t tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat. (Santiago 1:14-15)
Ang lahat ay nagkasala, subalilt naglaan ang Dios ng paraan para makaligtas sa kabayaran ng kasalanan. Sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga patay na gawa at pagtanggap Kay Jesu-Cristo bilang personal na Tagapagligtas ikaw ay “maliligtas” sa kabayaran ng kasalanan.
MGA
PANGALAN NG KASALANAN
Gumamit ang Biblia ng iba’t ibang pangalan ng kasalanan:
KASALANAN:
At siya’y nanganak ng isang
lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagkat ililigtas niya
ang kanyang bayan. (Mateo 1:21)
Ang aktuwal na ibig sabihin ng salitang “ kasalanan” ay hindi natamaan at nasa mali. Katulad ng pagtira ng isang sandata at hindi natamaan. Ang hindi pag-abot sa sakdal na plano ng Dios sa iyong buhay.
KASAMAAN:
Sapagkat mula sa loob, mula
sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pag-iisip… (Marcos 7:21)
Ang ibig sabihin ng kasamaan ay masama, walang halaga, bulok, napakasama, at imoral.
NAPAKASAMANG GAWAIN:
Ang ibig sabihin ng napakasamang gawain ay mayroong masamang isip upang gumawa ng kalokohan. Ito ay pagwawalang bahala sa katuwiran, katarungan, katotohanan, at kagandahang asal:
Gayon din ang mangyayari sa
katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at hihiwalay ang masasama sa
matutuwid. (Mateo 13:49)
PAGLABAG SA
BATAS:
Paglabag sa batas ang isang pangalan ng kasalanan. Katulad ng isang tao na lumampas sa linya na wala siyang karapatang tumapak doon, sumalakay sa ipinagbabawal na teritoryo., at pagtawid sa hangganan ng tama at mali:
Ano nga ba ang kabuluhan ng
kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang...(Galacia 3:19)
HINDI MAKATARUNGAN:
Ang ibig sabihin ng salitang ito ay kawalan ng katarungan, mali, labis na kawalang- katarungan, kamalian, mapanloko:
Lahat ng kalikuan ay kasalanan…(I Juan 5:17)
HINDI MAKA DIOS:
Ang ibig sabihin ng hindi maka-Dios ay hindi tapat, napakasamang gawain, buong pagwawalang bahala sa Dios. Pagtrato na parang hindi tutoo ang Dios. Ang hindi maka-Dios ay hindi katulad ng Ateismo na, naniniwala na walang Dios. Ang hindi maka-Dios ay naniniwala na may Dios subalit binabaliwala ang Dios at ang mga batas ng Dios.
Sapagka’t ang poot ng Dios ay
nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan… ( Roma 1:18)
LABIS
NA KAWALANG KATARUNGAN:
Ibig sabihin walang kinikilalang batas, maaaring walang batas o lumabag sa batas:
…Magsilayo kayo sa akin,
kayong maggagawa ng katampalasanan.
(Mateo 7:23)
DI-PAGSUNOD:
Ang di-pasunod ay kabaliktaran ng pagsunod. Ibig sabihin pag baliwala sa Dios at sa batas ng Dios:
Sapagka’t kung paanong sa
pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan…
(Roma 5:19)
MANGHIMASOK:
Ang ibig sabihin ng manghimasok ay umalis sa tamang daan at tumawid sa hangganan ng tama at mali. Katulad ng pagpunta sa lupa na pag-aari ng ibang tao na walang pahintulot:
At kayo’y binuhay niya, nang
kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan. (Efeso
2:1)
ISALANG
PANIMULA…
Ang kabanatang ito ay isa lang panimula para sa paksa ng pagsisisi sa patay na mga gawa. Iyong naunawaan ang kahulugan ng pagsisisi, ang mga pangalan at kahulugan ng kasalanan, at ang pinagmulan ng kasalanan.
Ipagpapatuloy sa susunod na kabanata ang pagtalakay sa unang prinsipyo ng Pananampalatayang Kristiyano, pagsisisi sa patay na mga gawa.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang susing talata mula sa memorya.
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng “ pagsisisi sa patay na mga gawa.”
________________________________________
3. Isulat ang siyam (9) na salita na ginamit sa Biblia para sa kasalanan.
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________
4. Ilan sa sangkatauhan ang makasalanan? Magbigay ng talata sa Biblia upang suportahan ang iyong sagot:
________________________________________
5. Ilarawan ang pinagmulan ng kasalanan.
________________________________________
6. Magbanggit ng dalawang tao sa Biblia na walang bisa ang pagsisisi.
___________________________ at ___________________________
(Ang sagot sa
pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Tinalakay sa kabanatang ito ang pinagmulan ng kasalanan at binigyang kahulugan ang mga pangalan nito ayon sa pakahulugan ng Biblia. Subalit ano ang itinuturing ng Dios na kasalanan? Ang kasalanan ay pagsuway sa kahit anong batas ng Dios.
Ang sinomang gumagawa ng
kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at ang kasalanan ay ang
pagsalanggang sa kautusan. (I Juan 3:4)
Ang batas ng Dios ay nakasulat sa Biblia. Karagdagan sa Kanyang mga batas, ang Dios ay nag- bigay ng mga listahan kung anong mga kasalanan ang dapat nating iwasan.
MGA
KASALANANG NAKALISTA SA BIBLIA
Ang Bagong Tipan ay naglista ng partikular na mga kasalanan, itinuro ang pinagmumulan ng mga kasalanang ito, at ipahayag ang mga kaparusahan para sa mga kasalanan. Kinilala ang isang daan at tatlong (103) mga kasalanan sa mga sumusunod na reperensya. Ang iba ay naulit mahigit sa isang listahan. Ang mga ito ay…
- Pito (7) ang mula sa puso at karumihan: Mateo 15:18-20
- Labing tatlo (13) ) ang mula sa puso at karumihan: Marcos 7:21-23
- Dalawangpu’t tatlo (23) ang nagdulot ng kaparusahan ng Dios: Roma 1:29-32
- Pito (7) ang hindi magagawa ng mananampalataya. Roma 13:13,14
- Anim (6) ang hindi dapat makihalubilo ang mananampalataya: I Corinto 5:9-11
- Sampu (10) ang nakahahadlang upang hindi makapasok sa Kaharian ng Dios:
I Corinto 6:9-10
- Karagdagang Labing pito (17) ang nakahahadlang upang hindi makapasok sa Kaharian ng Dios: Galacia 5:19-21
- Apat (4) ang nagdadala ng poot at nakahahadlang upang hindi makapasok sa Kaharian ng Dios: Efeso 5:5-6
- Labing isa (11) kung saan ang mananampalataya ay dapat tumalikod: II Corinto 12:20-21
- Siyam (9) kung saan ang hindi ligtas ay namumuhay at ang mananampalataya ay hindi dapat mamuhay: Efeso 4:17-19
- Anim (6) ang hindi dapat makita sa mananampalataya: Efeso 5:3-4
- Siyam (9) ang dapat alisin ng mananampalataya. Efeso 4: 25,28,29,31
- Anim (6) ang dapat layuan ng mananampalataya: Colosas 3:8,9
- Anim (6) ang dapat patayin at nagdudulot ng poot ng Dios: Colosas 3:5-6
- Labing apat (14) kung saan ang batas ay naibigay: I Timoteo 1:9-10
- Labing siyam (19) ) kung saan ang mananampalataya ay dapat tumalikod: II Timoteo 3:1-5
- Siyam (9) kung saan ang mananampalataya ay naligtas: Tito 3:3-5
- Lima (5) kung saan ang mananampalatataya ay dapat humiwalay: I Pedro 2:1
- Pito (7) ang mga kasalanan ng laman kung saan ang mananampalataya ay hindi na namumuhay: I Pedro 4:2-4
- Walo (8) ang nahusgahan sa daga’t-dagatang apoy: Apocalipsis 21:8
- Anim (6) ang hadlang para magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay at makapasok sa bayan : Apocalipsis 22:14
IKATLONG KABANATA
PAGSISISI SA MGA PATAY NA GAWA:
II BAHAGI
MGA
LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito
ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsisisi.
· Ipaliwanag ang sanhi ng pagsisisi ng tao.
· Magbanggit ng apat na bagay na may kaugnayan sa pagsisisi.
· Bigyang kahulugan ang pagkahikayat.
· Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkahikayat.
· Bigyang kahulugan ang pag-aaring ganap.
· Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng “maligtas.”
· Gamitin ang talinhaga ng alibughang anak upang ilarawan ang pagsisisi at pagkahikayat.
SUSING TALATA:
Hindi ako
pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.
(Lucas 5:32)
PAMBUNGAD
Binigyang kahulugan ng huling kabanata ang “pagsisisi sa patay na mga gawa” na siyang una sa pangunahing doktrina na nakasulat sa Hebreo 6:1-3. Ang “Patay na mga gawa” ay itinuring na kasalanan at ang pinagmulan ng kasalanan ay sinuri. Iyong natutuhan kung paanong ang unang kasalanan nina Adam at Eva ay sumira sa likas ng tao at kung paanong ang likas na kasalanan ay namana ng lahat ng tao. Natutuhan mo rin kung paanong ang sirang likas ay nagdulot sa lahat ng tao na patuloy na nagkakakasalang indibidual kapag sila ay nahihila ng likas na ito tungo sa aktuwal na kasalanan.
Ipagpapatuloy ng kabanatang ito ang unang prinsipyo ng pundasyong espirituwal - ang pagsisisi sa patay na mga gawa.
PAGSISISI
Ang pagsisisi sa patay na mga gawa ay binigyang kahulugan na “ pangloob na desisyon o pagbabago ng isip na nagdudulot ng panglabas na gawa tungo sa Dios mula sa kasalanan.” Ayon sa Mga Gawa 20:21 ito ay tinawag na “pagsisisi sa Dios.” Sa pamamagitan ng pagsisisi ikaw ay tumalikod sa patay na mga gawa tungo sa Dios. Ang pagsisisi ay personal na desisyon para talikuran ang kasalanan at pumasok sa pakikipagkaisa sa Dios. Ang kapangyarihan ng Dios ang tunay na nagdudulot ng pagbabago ng isip, puso at buhay ng isang makasalanan.
Kung gayo’y binigyan din
naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay. (Mga Gawa 11:18)
Ang pagsisisi ay kaloob mula sa Dios:
Siya’y pinadakila ng Dios ng
kaniyang kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng
pagsisisi… (Mga Gawa 5:31)
Bagaman ang emosyon ay maaaring may kinalaman sa pagsisisi, ang tunay na pagsisisi sa patay na mga gawa ay isang desisyon, hindi lang emosyon. Ayon sa iyong natutuhan, kalungkutan sa kasalanan, pagluha, at iba pa, ay hindi sapat. Ito ay dapat mayroong pangloob na desisyon na ang resulta ay panglabas na pagbabago.
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSISISI
May mga ilang kadahilanan kung bakit ang pagsisisi ay itinuring na katotohanang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano:
UTOS ITO NG DIOS:
…Ipinaguutos niya sa mga tao
na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako. (Mga Gawa 17:30)
ITO’Y
KINAKAILANGAN UPANG MAIWASAN ANG ESPIRITUWAL NA KAMATAYAN:
…malibang kayo’y mangagsisi,
ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan (Lucas 13:3)
ITO’Y
KINAKAILANGAN PARA SA BUHAY NA WALANGHANGGAN:
Sa pamamagitan ng pagsisisi ang kabayaran ng kasalanaan ay nawala at buhay na walang hanggan ay ipinagkaloob:
At nang marinig nila ang mga
bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung
gayo’y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay .
(Mga Gawa 11:18)
ITO’Y KINAKAILANGAN SA PAGPAPATAWAD:
Hindi mapapatawad ng Dios ang iyong mga kasalanan kung hindi ka magsisisi:
At sinabi sa kanila ni Pedro,
Magagsisi kayo, mangagbautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo
sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng
Espiritu Santo.
(Mga Gawa 2:38)
ITO’Y
KINAKAILANGAN SA PAGPASOK SA KAHARIAN NG DIOS:
Mula noon ay nagpasimulang
mangaral si Jesus , at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang
kaharian ng langit. (Mateo 4:17)
ITO
ANG NAIS NG DIOS PARA SA LAHAT:
Hindi nais ng Dios na ang sinoman ay maranasan ang kamatayang espirituwal at walanghanggang pagkahiwalay sa Dios sa Impiyerno.
Ang Panginoon… kundi
mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamaK, kundi ang
lahat ay magsipagsisi. (II Pedro 3:9)
ITO
ANG DAHILAN KUNG BAKIT SI JESUS AY PUMARITO SA MUNDO:
Hindi ako pumarito upang
tawagin ang matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi. (Lucas 5:32)
ANG MGA KRISTIYANO BA AY NAGSISISI?
Sa unang pagsisisi, ang makasalanang tao ay bumaling mula sa mali tungo sa tama, tinanggap ang mensahe ng Mabuting Balita, at naging tunay na mananampalataya ni Jesu-Cristo. Sa proseso ng pagtungo sa kasakdalan (kung saan pag-aaralan sa kursong ito) , kung minsan ang mananampalataya ay nahuhulog muli sa dating buhay na makasalanan. Ayon sa Biblia, sa tuwing ang mga mananampalataya ay nagkasala dapat muli silang magsisi.
ANG MGA TAGA
CORINTO:
Ang mga mananampalataya sa Corinto ay kinailangan na magsisi:
Ngayo’y nagagalak ako, hindi
dahil sa inyong pagkalumbay, kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na
ikapagsisisi… (II Corinto 7:9)
Natakot nga ako na baka sa
anomang paraan, kung ako’y dumating…at ako’y malulumbay dahil sa marami sa
nagkasalang una , at hindi nagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa
kalibugan na ginawa nila. (II Corinto 12:20-21)
ANG MGA TAGA
EFESO:
Ang mga mananampalataya sa Efeso ay sinabihan na magsisi:
Kaya’t alalahanin mo kung
saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa.
(Apocalipsis 2:5)
MGA
KRISTIYANO SA PERGAMO:
Sinabi ng Dios sa mga Kristiyano sa Pergamo:
Magsisi ka nga; o kung hindi
ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.
(Apocalipsis 2:16)
MGA
KRISTIYANO SA SARDIS:
Alalahanin mo nga kung paanong
iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. (Apocalipsis
3:3)
MGA
KRISTIYANO SA LAODICEA:
Ang lahat kong iniibig, ay
aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap at magsisi. (Apocalipsis
3:19)
Kung saan may kasalanan, dapat may pagsisisi:
Kung sinasabi nating tayo’y
walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay
wala sa atin.
Kung ipapahayag natin ang
ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y patatawarin sa ating mga
kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. ( I Juan 1:8-9)
ANG MENSAHE NG PAGSISISI
Dahil ang pagsisisi ay kinakailangan sa kaligtasan, ang Dios ay gumawa ng espesyal na plano para ang mensahe ng pagsisisi ay maabot ang bawat isa. Ang tawag ng pagsisisi ay nagsimula sa Bagong Tipan sa ministeryo ni Juan Bautista:
Ang tinig ng isang sumisigaw sa
ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang landas;
Dumating si Juan na
nagbabautismo, sa ilang at ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan. (Marcos 1:3-4)
Ang pagsisisi ay kinakailangan upang ang Mesias (Jesus) ay maipahayag. Hanggang ang Israel ay hindi pa natatawag tungo sa Dios sa pagsisi, si Jesus ay hindi pa maipapahayag. Ang pagsisisi ang unang mensahe na ipinahayag ni Jesus.
Pagkatapos ngang madakip si
Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios.
At sinabi, Naganap na ang
panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at
magsisampalataya sa evangelio. ( Marcos 1: 14-15)
Ang pagsisisi ay naipahayag ng mga mananamapalataya sa unang iglesya:
At sila’y nangagsialis,
nagsipangaral na magsisi ang mga tao. (Marcos 6:12)
Na sinaksihan ko sa mga Judio
at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios at ang pananampalataya sa
ating Panginoong Jesucristo.
(Mga Gawa 20:21)
Ngayon, ang mga mananampalataya ay patuloy na may responsabilidad na ipangaral ang mensahe ng pagsisisi sa buong daigdig. Nagbigay ng tagubilin ni Jesus sa kanyang mga tagasunod na …
At ipinangaral sa Kaniyang
pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa
magbuhat sa Jerusalem. (Lucas 24:47)
ANO ANG SANHI NG PAGSISISI NG TAO?
Dahil ang pagsisisi ay pundasyon kung saan ang pananampalatayang Kristiyano ay nakasalalay, dapat nating maunawaan kung ano ang sanhi ng pagsisisi ng tao. Kung ikaw ay may responsabilidad na ipangalat ang mensahe ng pagsisisi sa buong daigdig, dapat mong malaman kung paano ang tao ay mahihikayat na magsisi sa patay na mga gawa.
ANG KABUTIHAN NG
DIOS:
Ang pagpapala ng Dios sa buhay ng mga hindi maka-dios na mga tao ay hindi dapat ipagkamali na ang istilo ng buhay nila ay aprobado ng Dios. Ang kabutihan ng Dios ay isang paraan upang maging panawagan sa mga tao na lumapit sa Dios.
O hinahamak mo ang mga
kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo
nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi. (
Roma 2:4)
PANGANGARAL:
Ang pangangaral ng Salita ng Dios ay magdudulot ng magsisisi sa tao. Ang pagsisisi ng buong siyudad ng Ninive ay resulta ng pangangaral ni Jona:
Magsisitayo sa paghuhukom ang
mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito’y hahatulan: sapagka’t sila’y
nagsipagsisi sa pangangaral ni Jona.
( Mateo 12:41)
ANG
TAWAG NI CRISTO:
Habang ang Salita ng Dios ay ipinangangaral, nakikinig at tumutugon ang mga tao sa tawag ni Cristo na magdudulot ng pagsisisi.
… sapagka’t hindi ako naparito
upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan. (Mateo 9:13)
ANG
DIOS AMA:
Sinabi ni Jesus na walang makalalapit sa Kanya maliban na ang Ama ang maglapit sa kanya. Ang Dios ang naglalapit sa tao sa pagsisisi.
Walang taong makalalapit sa akin,
maliban na ang Amang nagsugo sa Akin
ang sa kaniya’y magdala sa Akin;… (Juan 6:44)
PAGSANSALA:
Ang pagsansala ay nagiging dahilan ng pagsisisi. Ang pagsansala ay pagtutuwid na sinabi mula sa Salita ng Dios:
… kung magkasala ang iyong
kapatid, sawayin mo siya; at kung siya ay magsisi, patawarin mo siya. (Lucas
17:3)
KALUMBAYAN
MULA SA DIOS:
Sapagka’t ang kalumbayang
mula sa Dios ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas… (II Corinto 7:10)
MGA BAGAY NA MAY KAUGNAYAN SA PAGSISISI
Kinilala ng Biblia ang mga bagay na may kaugnayan sa pagsisisi:
PANANAMPALATAYA:
Ang pananampalataya sa Dios ay may kaugnayan sa pagsisisi. Naka lista ito sa Hebreo 6 bilang pangalawang pundasyong espirituwal ng Kristiyanong pananampalataya. Ang pagsisisi sa patay na mga gawa at pananampalataya sa Dios ay dapat na magkasama:
… Kayo’y mangagsisi, at
magsisampalataya sa evangelio. (Marcos 1:15)
Na
sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios,
at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. (Gawa 20:21)
Marami pa ang iyong matututuhan sa “pananampalataya sa Dios” sa susunod na kabanata habang ikaw ay nag-aaral sa pangalawang pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya.
BAUTISMO:
Ang bautismo ay dapat kasama ng pagsisisi bilang panglabas na tanda sa pagbabagong nangyari sa kalooban.
Kaya nga mangagsisi kayo, at
mangagbalik-loob. ( Mga Gawa 3:19)
Ang doktrina ng bautismo ay matatalakay sa ibang bahagi ng kursong ito bilang bahagi ng pundasyon na nabanggit sa Hebreo 6.
MGA GAWA:
Ang mga gawa ng tao, na tinawag din ng Biblia na mga bunga, ay magpapatunay kung mayroon o walang tunay na pagsisisi na nangyari:
… at gayon din sa mga Gentil, na
sila’y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsisigawa ng mga gawang
karapatdapat sa pagsisisi.
(Mga Gawa 26:20)
Kayo nga’y mangagbunga ng
karapatdapat sa pagsisisi. (Mateo 3:8)
“Mga Gawa” at “mga bunga” ay parehong tumutukoy sa panglabas na ugali na dapat nabago pagkatapos ng tunay na pagsisisi.
PAGBABALIK-LOOB:
Kaya nga mangagsisi kayo, at
mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan. (Mga Gawa 3:19)
Dahil ang pagbabalik-loob ay may kaugnayan sa pagsisisi, kailangan mong maunawan ito.
PAGBABALIK-LOOB
Ang ibig sabihin ng pagbabalik-loob ay “ bumaling”. Kapag ito ay ginagamit sa Biblikal na pagsisisi, ang ibig sabihin ay “bumaling mula sa maling daan tungo sa tamang daan”
At marami sa anak ni Israel,
papagbabaliking–loob niya sa Panginoon na kanilang Dios. (Lucas 1:16)
At Siya’y nakita ng lahat ng
mga nangananahan sa Lidda at sa Sarona, at sila’y nangagbalik-loob sa
Panginoon. (Mga Gawa 9:35)
At sumasa kanila ang kamay ng Panginoon: at ang lubhang
marami sa nagsisampalataya ay nangagbalik-loob sa Panginoon. (Mga Gawa 11:21)
Ang pagbabalik-loob ay pagbaling mula sa kadiliman ng kasalanan tungo sa liwanag ng katuwiran ng Dios:
… upang sila’y mangagbalik sa
ilaw mula sa kadiliman… (Mga Gawa 26:18)
Ito ay pagbaling mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Dios:
…at mula sa kapangyarihan ni
Satanas hanggang sa Dios… (Mga Gawa 26:18)
Ito ay pagbaling mula sa mga makamundong bagay tungo sa espirituwal na mga bagay:
Upang mula sa mga bagay na
itong walang kabuluhan ay magsibali kayo sa Dios na buhay. (Mga Gawa 14:15)
Ito ay pagbaling mula sa maling mga dios tungo sa tunay at buhay na Dios:
…at kung paanong nangagbalik
kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at
tunay. (I Tesalonica 1:9)
ANG
KAHALAGAHAN NG PAGBABALIK-LOOB:
Ang pagbabalik-loob ay dapat kasama ng pagsisisi. Dapat kang bumaling mula sa mali tungo sa tama dahil…
KINAKAILANGAN ITO
PARA MAKAPASOK SA KAHARIAN NG DIOS:
Katotohanang sinasabi ko sa
inyo, Maliban kayo’y magsipanumbalik at maging tulad sa maliliit na bata, sa
anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit. (Mateo 18:3)
ITO AY
NAGLILIGATAS MULA SA KAMATAYANG ESPIRITUWAL:
Ay alamin nito na ang
nagpapabalik-loob ng isang makasalaan, mula sa kamalian ng lakad niya ay
magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang
kasalanan. (Santiago 5:20)
KINAKAILANGAN ITO
PARA MAALIS ANG KASALANAN:
Ang ating kasalanan ay nakasulat sa talaan ng Dios hanggat hindi tayo nagsisisi at hindi kombertido, kaya ito maalis:
Kaya nga mangagsisi kayo, at
mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan. (Mga Gawa 3:19)
ANG
ALIBUGHANG ANAK
Ang pagsisisi at pagbabalik-loob ay magandang nailarawan sa istorya na ikinuwento ni Jesus tungkol sa alibughang anak. Basahin ang istorya sa Lucas 15:11-24. Ang batang lalaking ito ay iniwan ang kanyang ama at tahanan, pumunta sa malayong lupain, at dahil sa kasalanan sinayang ang lahat niyang pag-aari.
Hindi nagtagal napagtanto ng batang lalaking ito ang kanyang kalagayan. Siya ay nagutom, nalungkot, naghirap, at pag-aalaga ng baboy ang kanyang trabaho. Gumawa siya ng mahalagang desisyon. Sabi niya,” Ako’y babangon at babalik sa aking ama.” Ang pangloob na desisyon na ito ay nagdulot ng pagbabago ng kanyang panglabas na gawa. Siya ay umuwi sa kanyang ama para humingi ng tawad.
PAGSISISI…
ANG PAGBABAGO NG KAISIPAN:
Basahin ang Lucas 15:17-19. Napagtanto ng batang lalaking ito ang kanyang makasalanang katayuan. Gumawa siya ng desisyon na umuwi sa kanyang ama at magsisi sa kanyang kasalanan. Ito ay isang halimbawa ng pagsisisi. Ang pangloob na desisyon na nagdulot ng panglabas na gawa.
PAGBABALIK-LOOB…
PAG-AKSYON SA DESISYON :
Nakasulat Sa Lucas 15:20 kung paanong ang batang lalaki ay tumayo at iniwan ang dating buhay at nagtungo sa kanyang ama para magsimula ng bagong buhay. Ito ang pagbabalik-loob.
ALIBUGHANG
LALAKI
Sa kanyang makasalanang katayuan, ang bawat tao ay tumalikod sa Dios bilang kanyang Ama at sa langit na kanyang tahanan. Ang bawat hakbang niya ay isang hakbang palayo sa Dios at isang hakbang palapit sa espirituwal na kamatayan na walanghanggang pagkahiwalay sa Dios.
Mayroong mahalagang desisyon na dapat niyang gawin. Dapat siyang “bumalik sa kanyang sarili” at mapagtanto ang kanyang espirituwal na katayuan. Dapat siyang gumawa ng desisiyon na magdudulot ng pagbabago ng espirituwal na direksyon. Ang pagbabagong espirituwal na direksyon ay magbabalik sa kanya mula sa kasalanan tungo sa Dios. Ito ang unang hakbang sa pagtatayo ng tamang pundasyong espirituwal.
PAG-AARING
GANAP AT KALIGTASAN
Mayroon pang dalawang termino na ginamit sa Biblia na may kaugnayan sa pagsisisi. Ang mga terminong ito ay “pag-aaring ganap “ at “kaligtasan”. Ang Dios ang hukom ng sangkatauhan. Kung ikaw ay nabubuhay sa “patay na mga gawa” (kasalanan) ikaw ay hinatulan na sa harapan Niya.
Ang sumampalataya sa Kaniya ay
hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi
siya sumasampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at
inibig pa ng mga tao ang kadiliman kaysa ilaw; masasama ang kanilang mga gawa.
(Juan 3:18-19)
Kapag ikaw ay nagsisi sa kasalanan at gumawa ng desisiyon na tumalikod sa masasamang gawa nagtatayo ka ng tamang relasyon sa Dios. Ang tamang relasyon o pagpapaging matuwid sa harapan ng Dios ay tinatawag na “pag-aaring ganap.”
Hindi
baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na
pinakaalipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima;
maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagigingmatuwid?
Datapuwa’y
salamat sa Dios, na bagama’t kayo’y naging mga alipin ng kasalanan, kayo’y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;
At
yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
(Roma
6:16-18)
Ang kabayaran sa kasalanan ay pisikal at espirituwal na kamatayan. Nang si Jesus ay namatay sa krus, binayaran niya ang kabayaran ng kasalanan ng buong sangkatauhan.
Yaong hindi nakakilala ng
kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa
kaniya’y katuwiran ng Dios. (II Corinto 5:21)
Kung ikaw ay naniniwala na si Jesus ay namatay sa iyong mga kasalanan, magsisi ka, at tanggapin mo siya bilang Tagapagligtas, dahil dito hindi mo mararanasan ang espirituwal na kamatayan at walanghanggang pagkahiwalay sa Dios at sa impiyerno. Kahit nga ang iyong pisikal na katawan ay mamatay. Ikaw ay babangon na muli sa walanghanggang buhay. Ito ay nangyari dahil sa kamatayan at pagkabuhay na muli ng ating Panginoong Jesus. Ikaw ay inaring ganap, o nagkaroon ng tamang relasyon sa Dios, sa pamamagitan ni Jesu- Cristo.
Palibhasa’y
inaring-ganap na walang bayad ng Kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na
nasa kay Cristo Jesus: (Roma 3:24)
Lubha
pa nga ngayong inaaring- ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay
mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya. (Roma 5:9)
Yaman
nga na inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
(Roma 5:1)
Kung ikaw ay inaring –ganap sa pamamagitan ng pagsisisi at pagtanggap kay Jesu- Cristo bilang Tagapagligtas ikaw ay naligtas mula sa buhay na makasalanan at kabayaran ng kasalanan:
Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig sa aking salita, at
sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan,
at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa
kamatayan. (Juan 5:24)
Ito ang ibig sabihin ng naligtas at kung ano ang sinasabi ng Biblia kapag ginagamit ang salitang “kaligtasan”.
Nais ng Dios na ang lahat ng tao ay magkaroon ng kaligtasan, sa halip na maranasan ang poot ng hatol ng Dios sa kasalanan:
Sapagka’t
tayo’y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo. Na namatay dahil sa atin… (I
Tesalonica 5:9-10a)
Sapagka’t
gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay Niya ang
kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng bauhay na walang hanggan.
Sapagka’t
hindi isinugo ng Dios ang Anak sa sanlinbutan upang hatulan ang sanlibutan;
kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. (Juan 3:16-17)
BUOD
Ang tsart sa susunod na pahina ay nagbibigay ng buod ng pangunahin konsepto na itinuro sa pangalawa at tatlong kabanata.
Mahalagang tandaan na ang bawat prinsipyo ng pundasyon ng Kristiyanong Pananampalataya ay magkakaugnay sa bawat isa. Halimbawa, ang pagsisisi sa patay na mga gawa ay hindi maaaring ihiwalay sa pananampalataya sa Dios na siyang paksa sa susunod na kabanata.
Pinagmulan ng Kasalanan: Lucifer (Satanas)
Nagrebelde sa Dios
Inakay niya ang tao na nagdulot ng
I
Pagkahulog ng Tao ( Adam at Eva)
I
Nagdulot ito ng
I
Ang lahat ng tao ay nakamana ng likas ng kasalanan at makagawa
ng inibiduwal na kasalanan dahil sa likas nito
I
Ang kasalanan ay nag-akay sa:
I
Kamatayang Espirituwal
Kamatayang Pisikal
I
Sa Krus , binayaran ni Jesus ang kabayaran ng kasalanan na
nagdulot ng pag-aaring ganap sa makasalang tao:
I
Pagsisisi sa Patay na mga Gawa (Pangloob na Pagpapasiya)
Na nag-akay sa
I
Pagbabalik-loob
( Ang panlabas na Pagbabago)
I
na nagdulot ng
I
Pagaaring –ganap ng Makasalanang tao sa
harapan ng Matuwid na Dios
at
Kaligtasan Mula Sa Buhay Na Makasalanan
At Kabayaran ng Kasalanan
PANSARILING –PAGSUSULIT
1. Ilista ang pitong mga dahilan bakit mahalaga at kinakailangan ang pagsisisi sa kaligtasan.
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________
2. Ilista ang anim na sanhi ng pagsisisi ng tao.
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
3. Ibigay ang kahulugan ng Pagbabalik-loob.
________________________________________
________________________________________
4. Gamitin ang istorya ng Alibughang anak, ilarawan ang pagsisisi at pagbabalik-loob.
________________________________________
________________________________________
5. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
6. Ilista ang apat na bagay na may kinaalaman sa pagsisisi ayon sa Biblia.
___________________________ __________________________
___________________________ __________________________
7. Ang Kristiyano ba ay nagsisisi? ___________
8. Magbigay ng tatlong halimbawa sa Biblia na ang Kristiyano ay kinakailangang magsisi.
________________________________________
________________________________________
________________________________________
9. Ibigay ang kahulugan ng pagaaring –ganap.
________________________________________
________________________________________
10. Ano ang ibig sabihin ng “maligtas”?
________________________________________
________________________________________
(Ang sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang pagsisisi, pagbabalik-loob, at pag-aaring ganap ay tinalakay sa kabanatang ito.
Gamitin ang mga sumusunod na talata para sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral sa mga mahahalagang termino.
PAGBABALIK-LOOB:
Mateo 18:3
Mga Gawa 3:19
Awit 19:7
PAGAARING-GANAP:
Mga Gawa 13:39
Roma 2:13; 3:4,20,24,28; 4:2,25; 5:1,16,18; 8:30
I Corinto 6:11
Galacia 2:16-17; 3:8,11,24
Tito 3:7
Santiago 2:21-25
PAGSISISI:
Mateo 3:2,8,11; 4:17; 9:13; 11:20-21; 12:41
Marcos 1:4,15; 2:17; 6:12
Lucas 3:3,8; 5: 32; 11:32; 13:3,5; 15:7,10; 17:3,4; 24:47
Mga Gawa 2:38; 3:19; 5:31; 8:22; 17:30; 26:20; 5:31; 11:18; 13:24; 19:4; 20:21
Roma 2:4
II Corinto 7:8-10
II Pedro 3: 9
Apocalipsis 2:5,16; 3:3,19
IKA- APAT NA KABANATA
PANANAMPALATAYA SA DIOS
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang susing Talata mula sa memorya.
· Isulat ang kahulugan ng pananampalataya.
· Kilalanin ang iba’t ibang uri ng pananampalataya.
· Isulat ang kahulugan ng terminong “pananampalataya sa Dios”
· Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang pananampalataya sa Dios.
· Ipaliwanag kung paano mapauunlad ang pananampalataya.
SUSING TALATA:
At kung walang pananampalataya ay
hindi maaaring maging kalugodlugod sa Kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios
ay dapat sumampalatayang may Dios, at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa
Kaniya’y nagsisihanap. (Hebreo 11:6)
PAMBUNGAD
Ang pangalawa sa pundasyon na mga doktrina ay “pananampalataya sa Dios.” “ Ang pananampalataya sa Dios ay ang iyong palagay sa Dios. Ang ibang tao ay galit at nag-rerebelde sa Dios. Ang iba naman ay takot sa Kanya. Ang dapat mong ugali ay magkaroon ka ng pananampalataya sa Dios.
Ang pananampalataya at pagsisisi ay parehong kailangan sa pagbabalok-loob. Ang pagbaling sa Dios na walang pagtalikod sa kasalanan ay hindi tunay na pagsisisi. Ang pagnanais na tumalikod sa kasalanan ng walang pagbaling sa Dios ay magtatapos sa pagkabigo. Ang ministeryo ni Pablo sa mga hindi pa ligtas ay:
Na sinasaksihan ko sa mga Judio
at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa
ating Panginoong Jesucristo.
(Mga Gawa 20:21)
Ang pagsisisi at pananampalataya sa Dios ay parehong kailangan sa kaligtasan.
KAHULUGAN
Ang pananampalataya ay paniniwala at mayroong kasiguruhan. Ang ibig sabihin ng sumampalataya ay mayroong pagtitiwala. Iisa ang ibig sabihin ng mga salitang “pananampalataya, sumampalataya, at pagtitiwala” kapag ito ay ginagamit patungkol sa Dios. Binigyang kahulugan sa Biblia ang pananampalataya na:
…siyang
kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi
nakikita. (Hebreo 11:1)
Ang pananampalataya ay nagbibigay kasiguruhan na ang mga bagay na ipinangako sa hinaharap ay tutoo, at ang mga hindi nakikitang mga bagay ay tunay.
PAG-ASA:
Ang pananampalataya ay iba sa pag-asa. Ang pag-asa ay pagnanais o ugali na naghihintay patungkol sa mga bagay na hinaharap. Ang pananampalataya ay pagtitiwala sa isang bagay na hindi mo nakikita subalit may kasiguruhan ka na nasa iyo na. Ang pag-asa ay nasa isip. Ang pananampalataya ay nasa puso:
Datapuwa’t
palibhasay mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo na isuot ang baluti ng
pananampalataya…at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. (I
Tesalonica 5:8)
Sa talatang ito ang pananampalataya ay inuugnay sa lugar ng puso ang baluti. Ang pag-asa ay turbante na inuugnay sa ulo.
Ang pag-asa ay pag-uugali ng isip na naghihintay sa panghinaharap. Ang pananampalataya ay kondisyon ng puso na nagbibigay ng paniniwala sa Dios:
Sapagka’t ang tao’y nanampalataya
ng puso sa ikatutuwid…( Roma 10:10)
Hindi sapat na tanggapin ang Ebanghelyo sa isip. Ito ay hindi totoong pananampalataya na naka batay sa Biblia at hindi magbubunga ng pagbabago sa iyong buhay. Ang tunay na pananampalataya na naka batay sa Biblia ay paniniwala sa puso na palaging nagdudulot ng pagbabago sa iyong buhay. Ang resulta ay isang bagay na nararanasan sa kasalukuyan, at isang bagay na inaasahan sa hinaharap.
ISIP ANG
NANGINGIBABAW SA LAHAT:
Ang pananampalata ay hindi katulad ng “mind over matter” na itinuturo ng ibang relihiyon. Itinuturo ng “mind over matter” na mapagtatagumpayan ng tao ang lahat ng suliranin sa tunay na mundo (mga bagay) sa pamamagitan ng kanyang isip, pangangatwiran, o “will power.” Ang katuruan na ito ay naka sentro sa tao. Umaasa sa sarili hindi sa Dios. Ang “mind over matter” ay hindi nakasalig sa Salita ng Dios. Ang pananampalataya ay naka sentro sa Dios. Ito ay kaloob ng Dios, hindi isang bagay na nanggagaling sa tao sa pamamagitan ng pagsisikap ng kanyang isip.
URI
NG PANANAMPALATAYA
May iba’t ibang uri ng pananampalataya.
LIKAS NA
PANANAMPALATAYA:
Ito ay likas na pagtitiwala sa isang bagay na napatunayan na matatag. Halimbawa, pananampalataya sa upuan kung saan ikaw ay maaalalayan nito. Ang pananampalataya na ito ay hindi “pananampalataya sa Dios.” Ito ay likas na pananampalataya sa isang bagay na nakapalibot sa iyo na natutunan mo sa pamamagitan ng karanasan. Ang mga sumusunod na uri ng pananampalataya ang ating sinasabi na “pananampalataya sa Dios”:
PAGBABANAL NA
PANANAMPALATAYA:
Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo;
at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang
buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya,
ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig at ibinigay
ang kaniyang sarili dahil sa akin. (Galacia 2:20)
Ang pagbabanal na pananampalataya ay nakakatulong sa mananampalataya upang makapamuhay ng banal pagkatapos ng pagbabagong buhay. Matututuhan mo pa ang ilang mga bagay tungkol sa pagbabanal sa huling kabanata ng pag-aaral na ito habang pinag-aaralan at tinatalakay ang patungo sa pagigingbanal.
Ang pagbabanal na pananampalataya na naniniwala na makapamumuhay ka nang banal ay kinakailangan sa pananampalataya sa Dios. Hindi mo ginagawa ito sa pamamagitan ng sariling lakas subalit sa kapangyarihan ng Dios na, nananahan sa iyo.
PANANGGALANG NA
PANANAMPALATAYA:
Ang pananampalataya ay isang sandata na pananggalang sa iyong espirituwal na kaaway, si Satanas:
Bukod
dito ay taglayin niyo ang kalasag ng pananampalataya na siyang ipapatay ninyo
sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. (Efeso 6:16)
Susubukan ka ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapadala ng “sibat” ng kawalan ng pananampalataya sa iyong isip. Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Dios ay magbibigay ng depensang espirituwal sa mga ganitong atake.
NAGLILIGTAS NA
PANANAMPALATAYA:
Yaman
nga na mga inaaring ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios
sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.
(Roma 5:1)
Ang nagliligtas na pananampalataya ay pananampalataya sa Dios kasama ang tunay na pagsisisi. Ang kaligtasan ay pagkaalam, paniniwala, at personal na pagtanggap sa mensahe ng Ebanghelyo. Kinakailangan ng nagliligtas na pananampalataya ang personal na pagtugon sa Dios. Walang sinoman ang makatutugon para sa iba. Ang bawa’t isa ay naligtas sa pamamagitan ng kanyang pagtugon sa Ebanghelyo.
Ang pananampalataya ay isang katotohanan. Ito ay kaloob ng Dios sa tao upang sila ay maligtas:
Sapagka’t
sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi
sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios… (Efeso 2:8)
Subalit ang pananampalataya ay isa ding pagsasagawa. Ang bawat tao ay dapat gumawa ayon sa pananampalataya na ibinigay sa kanya ng Dios. Ang pananampalataya sa Dios ang iyong tugon, ang iyong tugon sa pamamagitan ng pananampalataya sa Dios.
Matapos mong maranasan ang “ pananampalataya sa Dios” at maging mananampalataya, ang espirituwal na bunga ng pananampalataya at ang kaloob ng pananampalataya ay magpapalago sa iyong pananampalataya sa Dios. Ang kaloob at bunga ng pananampalataya ay tatalakayin ng detalye sa kursong “Ministeryo ng Banal na Espiritu” ng Harvestime International Institute.
ANG
WALA SA LUGAR NA PANANAMPALATAYA
Ang doktrina na iyong pinag-aaralan ay “ pananampalataya sa Dios.” Hindi ito basta pananampalataya sa kabuuan, ito ay may direksiyon na pananampalataya. Maaari kang magkaroon ng walang direksiyon na pananampalataya. Ang walang direksiyon na pananampalataya ay maaaring…
NATURAL NA
SANDATA:
Sapagkat
hindi ako titiwala sa aking busog. Ni iligtas man ako ng aking tabak. (Mga Awit
44:6)
MAKAPANGYARIHANG TAO:
Huwag
ninyong ilagak ang inyomg tiwala sa mga pangulo, Ni sa anak man ng tao, na
walang pagsaklolo. (Mga Awit 146:3)
SA SARILI:
Siyang
tumitiwala sa kaniyang sariling puso ay mangmang: Nguni’t ang lumakad na may
kapantasan, ay maliligtas. (Mga Kawikaan 28:26)
DIYUS-DIYOSAN:
Sila’y
mangapapaurong, sila’y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang
inanyuaan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo’y aming mga dios.
(Isaias 42:17)
BULAANG PROPETA:
Huwag
kayong mangagsitiwala sa mga kabulaanang salita…Narito, kayo’y nagsisitiwala sa
mga kabulaanang salita, na hindi mapapakinabangan. (Jeremias 7:4,8)
NATURAL NA
KAPANGYARIHAN:
Ang iba
ay tumitiwala sa mga karo at ang iba ay sa mga kabayo: Nguni’t babanggitin
namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
(Mga
Awit 20:7)
KAYAMANAN:
Narito,
ito ang tao na hindi ginawang kaniyang katibayan, ang Dios; Kundi tumiwala sa
kasaganaan ng kanyang mga kayamanan, at nagpakalakas sa kaniyang kasamaan. (Mga
Awit 52:7)
MGA KAIBIGAN:
Oo, ang
aking kasamasamang kaibigan, na ang aking tiniwalaan, na kumain ng aking
tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin. (Mga Awit 41:9)
Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay hindi sapat. Ang iyong pananampalataya ay maaring mawala sa lugar. Ang tunay na pananampalataya ay may direksiyon. Ito ay pananampalataya sa Dios.
ANG
KAHALAGAHAN NG PANANAMAPALATAYA
Mayroong dalawang dahilan kung bakit kinakailangan ang pananampalataya sa Dios.
ITO AY
KINAKAILANGAN SA KALIGTASAN:
Ang unang dahilan kung bakit importante ang pananampalataya sa Dios ay dahil hindi ka maliligtas kung wala ito:
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. (Marcos 16:16)
Sapagkat
sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya. (Efeso 2:8)
At ang
sa mga tabi ng daan ay ang nangakinig; kung magkagayo’y dumarating ang diablo,
at inalis ang salita sa kanilang puso, upang huwag silang magsisampalataya at
mangaligtas. (Lucas 8:12)
HINDI
MALULUGOD ANG DIOS SA IYO KUNG WALA KANG PANANAMPALATAYA:
Ang pangalawang dahilan kung bakit importante ang pananampalataya at dahil hindi malulugod ang Dios sa iyo kung wala ito.
At kung
walang pananampalataya ay hindi maaring maging kalugodlugod sa Kaniya;
sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay
dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay sa mga sa Kaniya’y
nagsisihanap.
(Hebreo 11:6)
MGA
ANTAS NG PANANAMPALATAYA
Inihahayag ng Biblia na mayroong iba’t ibang antas ng pananampalataya. Binanggit ni Jesus na may mga tao na hindi ginagamit ang kanilang pananampalataya at sila ay “ walang pananampalataya. ( Mateo 17:17). Binanggit niya ang mga mahihina ang pananampalataya.
( Mateo 6:30; 8:26; 14:31; Lucas 12:28) at ang mga dakila ang pananampalataya (Mateo 8:10; 15:28; Lucas 7:9).
Itinuturo ng Biblia na ang bawat tao ay mayroong kanikaniyang sukat ng pananampalataya na ibinigay sa kanya ng Dios bilang kaloob:
…ayon
sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawat isa. (Roma 12:3b)
Ang bawat mananampalataya ay may pananampalataya dahil sa pamamagitan ng pananampalataya kaya ka naligtas.
Sapagka’t
sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya… (Efeso 2:8)
PAANO
MAPALALAGO ANG PANANAMAPALATAYA
Ang pagbabanal na pananamapalataya ay magkapagdudulot sa iyo na makapamuhay ng banal. Ang malagong pananampalataya ay makatutulong sa iyo na magpatuloy sa pagiging ganap. Ang pananggalang na pananampalataya ay pansalag sa mga atake ng kaaway, si Satanas. Kung mapapalago mo ang iyong pananampalataya iyong mapapalago ang espirituwal na depensa. Sinasabi ng Biblia kung paano mapalalago ang pananampalataya:
Kaya
nga ang paniniwala’y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa
pamamagitan ng Salita ni Cristo. (Roma 10:17)
Lalago ang iyong pananampalataya sa pakikinig ng Salita ng Dios. Dapat mo munang marinig ang Salita ng Dios para magsisi sa kasalanan at tanggapin si Jesus bilang Tagapagligtas. Ang nakapagliligtas na pananampalataya ay galing sa pakikinig ng Salita ng Dios.
Matapos kang maligtas, ang pagtuturo ng Biblia at pangangaral ay makakatulong upang lumago ang iyong pananampalataya. Mas marami kang naririnig na Salita ng Dios, mas lalago ang iyong pananampalataya. Mas lumalago ang pananampalataya, mas madali na makapamuhay ng banal at sumangga sa espirituwal na atake ng kaaway.
Ang maliit na pananampalataya ay napaka makapangyarihan:
At
sinabi niya sa kanila…sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung
magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinlaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay
masasabi ninyo sa bundok na ito, lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito’y
lilipat; at sa inyo’y hindi may pangyayari. (Mateo 17:20)
Walang imposible kahit maliit ang iyong pananampalataya.
PANANAMPALATAYA
AT MGA GAWA
Ang pananampalataya ay kaloob ng Dios. Hindi ito lalago sa paggawa. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay “ ang iyong pinaniniwalaan.”. Ang ibig sabihin ng paggawa ay “ ang iyong ginawa.” Itinuturo ng Biblia:
Sapagka’t
sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya at ito’y hindi
sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios.
Hindi
sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri (Efeso 2:8-9)
Ang pananampalataya ay kaloob ng Dios upang ang sinoman ay maniwala. Hindi ibig sabihin nito na ang mga gawa (ang iyong ginagawa) ay hindi mahalaga. Pananampalataya muna, bilang kaloob ng Dios. Ang mga gawa (ang iyong mga ginagawa) ay pagsusulit kung ang iyong pananampalataya ay totoo o hindi. Isinulat ni Santiago:
Anong
pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may
pananampalataya ngunit walang mga gawa? Makapagliligtas baga sa kaniya ang
pananampalatayang iyan?
Kung
ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,
At ang
isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, Kayo’y mangagpainit at mangagpakabusog; at
gayo’y may hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng
katawan; anong mapapakinabang dito?
Gayon
din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kanyang sarili.
Oo,
sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako’y mayroong mga
gawa: ipakita mo sa akin ang inyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at
ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking
pananampalataya.
(Santiago
2:14-18)
Ang iyong mga gawa… kung paano ka mamuhay at tumugon sa mga pangangalilangan ng iba sa iyong paligid… ay mga pagsubok ng katotohanan ng iyong pananampalataya.
Sa kabuuan ipinakita ni Santiago ang kaugnayan ng pananampalataya at gawa sa pammagitan ng halimbawa ng relasyon ng katawan ng tao at espiritu. Itinuturo ng Biblia na kapag namatay ang tao, ang kanyang espiritu ay humihiwalay sa kanyang katawan. Sinabi ni Santiago na…
…kung
paanong ang katawan na walang espiritu ay patay, ay gayon din ang
pananampalataya na walang mga gawa ay patay. (Santiago 2:26)
Makikita sa iyong mga gawa ang pananampalataya na nasa iyo.
Ang
ganap ay mabubuhay sa pananampalataya. (Galacia 3:11)
ANG
HALIMBAWA NG PANANAMPALATAYA
Nakalista sa Hebreo 11 ang mga pangalan ng maraming tao na naging dakilang halimbawa ng pananampalataya. Subalit mayroong isang lalaki sa Biblia na tinawag na “ ang ama ng lahat ng sumampalataya” ( Roma 4:11). Ang kanyang pangalan ay Abraham.
Ang mga Kristiyano ay ang mga lumakad sa nilakaran ng tapat na si Abraham ( Roma 4:12) at tinawag na anak ni Abraham ( Galacia 3:7). Dahil sa kanayang pananampalataya sa Dios, siya ay inaring ganap:
At
natupad ang kasulatan na nagsasabi, At si Abraham ay sumampalataya sa Dios, at
yao’y ibinilang na katuwiran sa kanya. (Santiago 2:23)
Nang inilarawan ni Pablo ang pananampalataya sa Dios, ginamit niya ang halimbawa ni Abraham:
Ngayo’y
hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya’y ibinilang;
Kundi
dahil din naman sa atin, na ibibilang
sa ating mga nag- sisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga
patay, kay Jesus na ating Panginoon
Na
ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring ganap
natin. (Roma 4:23-25)
Sinabi ni Pablo na ang pananampalataya ni Abraham na nagdulot na ikinaaring ganap ay hindi lang para sa kanyang sarili. Ito ay natala, para sa atin na sumampalataya sa mensahe ng Ebanghelyo ay maari din na ariing ganap.
Ang mga dahilan kung bakit isang halimbawa ang pananampalataya ni Abraham ay ang mga sumusunod:
NARINIG NIYA ANG
SALITA:
Pinakinggan ni Abraham ang mga pangako ng Dios:
Sapagka’t
hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang
binhi na siyang magmamana ng sanglibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng
pananampalataya.
At
lubos na nananalig na ang Dios na nangako ay may Kapangyarihang makagawa noon.
(Roma 4:13,21)
SUMAMPALATAYA SIYA
SA SALITA:
Hindi lang niya narinig ang mga pangako ng Dios, sumampalataya siya.
Siya na
sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming
bansa ayon sa sabi, magiging gayon ang iyong binhi.
(Roma 4:18)
Na
hindi ninyo nakita ay inyong inibig; na bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya
nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak na totoo
na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
Na
inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong
mga kaluluwa. (I Pedro 1:8-9)
TUMALIKOD SIYA
MULA SA WALANG PAG-ASANG KALAGAYAN:
Ang resulta ng pagkarinig ng Salita ng Dios kay Abraham ay ang binagong buhay.
Siya na
sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa, upang maging ama ng maraming mga bansa
ayon sa sabi, magiging gayon ang iyong binhi.
At
hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad
sa patay na (gayon siya’y may mga isandaang taon na), at ang pagkabaog ng bahay
bata ni Sara; (Roma 4:18-19)
Kung paanong ang lalaki at babae ay nawala sa kasalanan, si Abraham ay naharap sa walang pag-asang kalagayan sa natural na mundo. Ang pangako na magiging ama ng maraming nasyon ay maari lamang mangyari sa pamamagitan ng Dios dahil si Abraham at Sarah ay lampas na edad ng pagkakaroon ng mga anak.
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ni Jesu-Cristo. Walang ibang daan upang matanggap mo ang pangako maliban sa pananampalataya sa plano ng Dios ng kaligtasan:
Na si
Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; (Efeso
3:17)
TINANGGAP NIYA ANG
PANGAKO BILANG KATOTOHANAN:
Kundi
sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng
di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya,
na niluluwalhati ang Dios. (Roma 4:20)
Ito ay pananampalataya sa Dios.
ISANG
HALIMBAWA PARA SA ATIN
Ang pananampalataya sa Dios ay pinatunayan ni Abraham bilang halimbawa para ating sundin: Kailangan mong:
- Pakinggan ang Salita ng Dios.
- Paniwalaan ang Salita ng Dios.
- Tumalikod mula sa iyong walang pag-asang katayuan (nabago sa pamamagitan ng pagsisisi sa mga patay na mga gawa).
-Tanggapin ang mga pangako ng Dios bilang katotohanan. Ang kanyang pangako ay inaring ganap ka, sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Dios sa pamamagitan ni Jesus.
PANSARILING PAG-SUSULIT
1. Ibigay ang kahulugan ng “pananampalataya”
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na uri ng pananampalataya:
Natural na pananampalataya:
________________________________________
Pagbabanal na pananampalataya:
________________________________________
Pananggalang na pananampalataya:
________________________________________
3. Magbigay ng dalawang pangunahing dahilan kung bakit ang pananmapalataya sa Dios ay kinakailangan.
______________________________ _____________________________
4. Paano mo mapapalago ang iyong pananampalataya sa Dios?
________________________________________
5. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
________________________________________
6. Isulat ang apat na dahilan kung bakit si Abraham ay magandang halimbawa ng pananampalataya.
________________________________________
7. Ano ang pagkakaiba ng pananampalataya sa pag-asa?
________________________________________ ________________________________________
8. Ano ang pagkakaiba ng pananampalataya sa “mind over matter”?
________________________________________
9. Ano ang pagkakaiba ng pananampalataya at gawa?
________________________________________
________________________________________
10. Ano ang ibig sabihin ng “pananampalataya sa Dios”?
________________________________________ ________________________________________
(Ang sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang “Pagtitiwala” ay isang salita na katumbas ng pananampalataya. Sumulat si David sa aklat ng Mga Awit ng maraming bagay patungkol sa pagtitiwala. Gamitin ang sumsusunod na mga leksyon upang magpatuloy sa pag-aaral tungkol sa pananampalataya sa Dios, na tinawag ni David na “pagtitiwala.”
PANANAMPALATAYANG
WALA SA LUGAR
Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensya. Isulat sa hanay na inilaan kung ano ang sinasabi ni David na HINDI dapat pagtiwalaan:
Reperensya
Huwag
Pagtiwalaan…
Mga Awit 20: 7 ________________________________________
Mga Awit 41: 9 ________________________________________
Mga Awit 44: 6 ________________________________________
Mga Awit 49: 6 ________________________________________
Mga Awit 52: 7 ________________________________________
Mga Awit 115: 8 ________________________________________
Mga Awit 118: 8-9 ________________________________________
Mga Awit 135: 17-18 ________________________________________
Mga Awit 146: 3 ________________________________________
TAMANG
PAGTIWALAAN
Sa buong aklat ng Mga awit, nanghihikayat si David na magtiwala sa Dios. Kanya ring hinihikayat na magtiwala sa mga bagay na may kaugnayan sa Dios. Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensya. Sa pangalawang hanay gumawa ng talaan ng mga sinabi ni David na pagtitiwalaan niya.
Reperensya
Magtiwala
sa …
Mga Awit 33:21 ________________________________________
Mga Awit 36:7 ________________________________________
Mga Awit 13:5 ________________________________________
Mga Awit 52: 8 ________________________________________
Mga Awit 57: 1 ________________________________________
Mga Awit 61: 4
Mga Awit 78: 22
Mga Awit 91: 4
Mga Awit 119: 42
Kailan
Magtitiwala…
Mga Awit 56: 3
Mga
Benepisyo ng Nagtitiwala
Maraming isinulat si David na mga benepisyo ng pagtitiwala o ng mayroong pananampalataya sa Dios. Pag-aralan ang mga sumusunod na reperensya. Sa hanay na inilaan itala ang mga benepisyo ng nagtitiwala sa Dios:
Reperensya
Mga
Benepisyo ng Nagtitiwala sa Dios…
Mga Awit 25: 2
Mga Awit 25: 20
Reperensya
Mga Benepisyo ng Nagtitiwala sa Dios…
Mga Awit 26: 1
Mga Awit 28: 7
Mga Awit 31 :1
Mga Awit 31: 6
Mga Awit 31: 19
Mga Awit 32: 10
Mga Awit 33: 21
Mga Awit 34: 8
Mga Awit 34: 22
Mga Awit 37: 5
Mga Awit 37: 40
Mga Awit 40: 3
Mga Awit 2: 12
Mga Awit 5: 11
Mga Awit 7: 1 _
Mga Awit 9:10 ________________________________________
Mga Awit 16:1 ________________________________________
Mga Awit 17:7 ________________________________________
Mga Awit 21:7 ________________________________________
Mga Awit 22:4 ________________________________________
Mga Awit 22:5 ________________________________________
Mga Awit 22:8 ________________________________________
Reperensya Mga Benepisyo
ng Nagtitiwala sa Dios…
Mga Awit 40:4 ________________________________________
Mga Awit 56:4 ________________________________________
Mga Awit 56:11 ________________________________________
Mga Awit 57:1 ________________________________________
Mga Awit 64:10 ________________________________________
Mga Awit 71:1 ________________________________________
Mga Awit 73:28 ________________________________________
Mga Awit 84:12 ________________________________________
Mga Awit 86:2 ________________________________________
Mga Awit 112:7 ________________________________________
Mga Awit 119:42 ________________________________________
Mga Awit 125:1 ________________________________________
Mga Awit 141:8 ________________________________________
Mga Awit 143:8 ________________________________________
Mga Awit 144:2 ________________________________________
MGA
RESULTA NG HINDI PAGTITIWALA SA DIOS
Itinuro ni David ang resulta ng hindi pagtitiwala sa Dios:
Reperensya
Resulta
ng Hindi Pagtitiwala sa Dios
Mga Awit 32:10 ________________________________________
Mga Awit 55:23 ________________________________________
Mga Awit 78:21-22 ________________________________________
ANG
KASAYSAYAN NG PAGTITIWALA NI DAVID
Sinabi ni David kung gaano siya katagal nagtiwala sa Dios:
Mga Awit 71:5 Simula ng aking “___________________”
KARAGDAGANG
REPERENSYA
Ang mga sumusunod na talata ay karagdagang reperensya kung saan si David ay nagtiwala sa Dios. Pag-aralan ang mga reperensya. Sa iyong salita, isulat sa maikling pananalita ang bawat talata sa hanay na inilaan.
Reperensya Kabuuran
Mga Awit 31:4 ________________________________________
Mga Awit 4:5 ________________________________________
Mga Awit 11:1 ________________________________________
IKA-LIMANG KABANATA
DOKTRINA NG BAUTISMO: I
BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng pag-aaral ng kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Kilalanin ang apat na bautismo na nabanggit sa Bagong Tipan.
· Bigyang kahulugan ang salitang “binyag”.
· Ipaliwanag ang kahalagahan ng bautismo ng Kristiyano.
· Ilista nag mga kinakailangan ng mga nagnanais ng Kristiyanong bautismo.
SUSING TALATA:
Sa katotohannan ay
binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang dumarating sa
hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat
magdala ng kaniyang pangyapak: Siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu
Santo at apoy. (Mateo 3:11)
PANIMULA
Ang pangatlong pundasyon na prinsipyong nakasulat sa Hebreo kabanata 6 ay ang doktrina ng bautismo.
Sa Hebreo 6:2 ang salitang “ bautismo” ay pangmaramihan. Ito “ang doktrina ng mga bautismo”
(pangmaramihan), hindi “ doktrina ng bautismo” ( pang-isahan). Ang ibig sabihin nito ang buong doktrina ng Kristiyanong pananampalataya ay sumasaklaw sa higit sa isang bautismo.
APAT
NA BAUTISMO
Binanggit ng Bagong Tipan ang apat na bautismo. Ito ay ang mga:
- Bautismo ng pagdurusa ni Cristo
- Ang bautismo ni Juan
- Kristiyanong Bautismo
- Bautismo ng Banal na Espiritu
Tinalakay sa kabanatang ito ang unang tatlong bautismo. Ang susunod na kabanata ay may kinalaman sa Bautismo ng Banal na Espiritu.
KAHULUGAN
Ang salitang “pagbabautismo” na ginamit sa Biblia ay nangangahulugan ng maglubog o palubugin sa isang bagay.
BAUTISMO
NG PAGDURUSA NI CRISTO
Mayroong isang bautismo sa Bagong Tipan na tinatawag na bautismo ng pagdurusa. Ang bautismong ito ay ipinihayag ni Jesus:
Datapuwa’t
ako’y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan
hanggang sa ito’y maganap? (Lucas 12:50)
Ang bautismong ito ay nabanggit din sa Mark 10: 38 kung saan ang mga anak ni Zebedee ay humiling na kung maari silang maupo sa kaliwa at kanang bahagi ni Cristo sa langit. Tumugon si Jesus: “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi: Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? O mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin ay babautismuhan kayo?” Tinutukoy ni Jesus ang pagdurusa na naghihintay sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan para sa kasalanan ng sangkatauhan. Kinakailangan na siya ay mailubog sa pagdurusa, mailibing sa puntod, at muling mabuhay sa bagong katawan.
ANG
BAUTISMO NI JUAN
Ang bautismo ni Juan Bautista ay bautismo sa tubig na may kaugnayan sa mensahe ng pagsisisi. Si Juan Bautista ay mahimalang ipinanganak kay Zacharias at Elizabeth ( Luke 1). Ang Dios ay may espesyal na plano sa kanyang buhay. Siya ang maglilingkod bilang “ tagapagbalita “ ni Jesu Cristo:
Oo at
ikaw, sanggol, tatawagin kang propeta ng kataastaasan; sapagka’t magpapauna ka
sa unahan ng mukha ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan;
Upang
maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, sa pagkapatawad ng kanilang mga
kasalanan. (Lucas 1:76-77)
Ang ibig sabihin ng salitang “tagapagbalita” ay isang tao na nagpapauna at naghahanda ng daan. Si Juan ay nagpahayag ng mensahe ng pagsisisi at bautismo sa Israel upang ihanda sila sa pagdating ng kanilang Mesias, si Jesu Cristo:
Sa
katotohannan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang
dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin…siya ang sa
inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy.
(Mateo 3:11)
Ang ministeryo ni Juan Bautista ay pasimula ng bagong espirituwal na antas:
Ang
kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo’y ang
evangelio ng Kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa’t tao ay pumapasok
doon na nagpipilit. (Lucas !6:16)
Bago ang panahon ni Juan ang mga tao ay nasa ilalim ng batas. Ang mga Propeta at Saserdote ang naglilingkod bilang espirituwal na tagapanguna at nagpapaliwanag ng batas. Ang saserdote lang ang daan sa presensya ng Dios sa templo. Sila ang naglilingkod bilang tagapamagitan sa pagitan ng tao at Dios at naghahandog ng hain para sa kasalanan kung paano ito iniutos ng Dios. Ang lahat ng ito ay nabago sa pagparito ni Jesu Cristo. Sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay. Naging posible na makalapit ang tao sa Dios sa pamamagitan ni Jesus. Ngayon si Jesus ay naglilingkod bilang tagapamagitan ng makasalanaan tao at sa makatuwirang Dios.
May dalawang kahilingan si Juan sa mga tao: Pagsisisi at publikong pag-amin ng mga kasalanan. Ang mga nagnanais na maabot ang ibinigay ng Dios na kahilingan ay binautismuhan sa ilog Jordan bilang publikong pagpapatotoo. Ito ay panglabas na tanda na sila ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan.
Nang ang ibang nangunguna sa relihiyon ay lumapit kay Juan upang magpabautismo, siya ay tumanggi na gawin ito. Hiniling niya na dapat magpakita sila ng ebidensya na tunay na nabago ang kanilang mga buhay bago sila mabautismuhan:
Datapuwa’t
nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa
kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, kayong lahi ng mga ulupong,
sino ang sa inyo’y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?
Kayo
nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi. (Mateo 3:7-8)
Ang pagsisisi at pagpapatawad ng kasalanan ay kinakailangan bago magbautismo si Juan. Ang mga salitang “bautismo ng pagsisisi at pagpapatawad sa mga kasalanan” ay hindi nangangahulugan na ang dalawang karanasang ito ay pinanunundan ng mabautismuhan sa tubig. Ang bautismo ay katunayan na nakikita na ang mga binabautismuhan ay nakaranas na ng pagsisi at kapatawaran.
KRISTIYANONG
BAUTISMO
Ang pinakamabuting talata upang magpakita ng tinatawag nating “ Kristiyanong Bautismo “ ay inilarawan ng Bautismo ni Jesus:
Nang
magkagayo’y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng
Jordan, upang siya’y bautismuhan niya.
Datapuwat
ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, kinakailangan ko na ako’y Iyong
bautismohan, at ikaw ang napaparito sa akin?
Ngunit
pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang
nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo’y pinayagan
niya Siya.
At nang
mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangagbukasan sa
kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad
sa isang kalapati, at lumapag sa Kaniya;
At
narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi ito ang sinisinta
Kong Anak, na siya Kong lubos na kinalulugdan.
(Mateo 3:13-17)
Si Jesus ay hindi binautismuhan ni Juan bilang ebidensya na Siya ay nagsisi sa kaniyang kasalanan dahil wala siyang kasalanan kung saan siya magsisisi. Si Jesus ay nabautismuhan
“ upang makumpleto ang lahat ng katuwiran.”. Siya ay nagbibigay ng makatuwirang halimbawa ng asal na nais Niya na panundan ng lahat ng mananampalataya.
BAUTISMO
NG MGA BATA
Si Jesus ay hindi nabautismuhan na isang sanggol. Nang siya ay sanggol dinala Siya ng kanyang mga magulang sa Jerusalem upang ihandog sa Panginoon, at hindi siya binautismuhan ( Luke 2:22). Si Jesus ay hindi binautismuhan hanggat alam Niya ang kanyang ginagawa at ang dahilan kung bakit Niya ito ginagawa.
Hindi dapat bautismuhan ang mga bata. Maaari na ang mga bata ay ihandog sa Panginoon para italaga at pagpalain sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay. Subalit hindi sila dapat bautismuhan hanggat hindi nila nauunawaan ang ibig sabihin at hindi pa naaabot ang hinihiling ng Biblia. Walang edad na tinutukoy kung kailan ito mauunawaan. Depende ito sa isip at espirituwal na pag-unlad ng bawat bata.
PAGWIWISIK
O PAGLUBOG?
Ang ibang iglesya ay nagbabautismo sa pamamagitan ng pagwiwisik ng tubig. Ang iba ay paglubog sa tubig. Nang Si Jesus ay binautismuhan Siya ay lumubog at lumabas mula sa tubig. Kung isasaalaalang natin ito at ang ibig sabihin ng salitang “bautismo” sa Biblia, ating ipapasya na Siya ay inilubog sa tubig ng Jordan.
Sa pagpahintulot sa kanyang sarili upang bautismuhan, ipinakita ni Jesus ang panglabas na pagsunod sa kalooban ng Dios. Sa pamamagitan ng pagsunod, kanyang tinupad ang plano ng Dios. Sa oras na ang mananampalataya ay nabautismuhan, ang panglabas na gawang ito ay sumasagisag ng panloob na katuwiran na kanilang tinanggap na may pananampalataya.
MGA
KINAKAILANGAN SA BAUTISMO
May mga espirituwal na kondisyon na dapat gawin para sa mga nagnanais ng bautismo ni Juan. Mayroon ding kinakailangan na dapat gawin para sa mga nagnanais ng Kristiyanong Bautismo.
KAUTUSAN:
Ang unang kinakailangan para sa bautismo ay ibinigay ni Jesus:
Dahil
dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyog mga alagad ang lahat ng mga bansa, na
sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
Na
ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko
sa inyo… (Mateo 28:19-20)
Dalawang beses iniutos ni Cristo na turuan ang bagong mananampalataya. Dapat silang maturuan bago at pagkatapos ng bautismo. Ang makasalanan ay dapat munang makarinig at tumanggap ng Mabuting Balita upang maging tunay na mananampalataya:
Yaon
ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan.
(Mga Gawa
2:41)
At nang
kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila… (Mga Gawa 19:5)
At
isang babaeng nagngangalang Lydia…ang umunawa sa mga bagay na sinalita ni
Pablo…at siya’y nabautismuhan. (Mga Gawa 16:14-15)
Bago mabautismuhan ang mga mananampalataya, dapat makatanggap ng sapat na katuruan upang maunawaan ang kahulugan nito. Pagkatapos ng bautismo, dapat silang magpatuloy na tumanggap ng turo upang maging matatag na Kristiyano. Tinawag ito ni Pablo na “ at tayo’t mangagpatuloy sa kasakdalan” ( Hebreo 6).
PAGSISISI:
Ang pangalawang kondisyon para sa bautismo ay pagsisisi mula sa kasalanan. Binigyan diin ito ni Pedro sa kanyang sermon sa araw ng Pentecost:
Nang
marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at
sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?
(Mga
Gawa 2:37)
At
sinabi sa kanila ni Pedro, mangagsisi kayo, at mangabautismo ang bawa’t isa sa
inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
(Mga Gawa 2:38)
Pansinin na ang kombiksyon sa mga kasalanan ay hindi sapat. Dapat umaksiyon. Ang dalawang utos na ibinigay ni Pedro ay mangagsisi at mangabautismo. Pagsisisi bago magbautismo.
PANINIWALA:
Ang pangatlong kondisyon para sa bautismo ay paniniwala (pananampalataya) :
At
sinabi Niya sa kanila, magsiyaon kayo sa boong sanlibutan, at inyong ipangaral
ang evangelio sa lahat ng kinapal.
`
Ang
sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi
sumasampalataya ay parurusahan. (Marcos 16:15-16)
Ang kinakailangan na paniniwalang ito ay ipinakita sa istorya ni Felipe at ng bating na natagpuan ni Felipe sa daan tungo sa Jerusalem tungo sa Gaza ( Mga Gawa 8). Narinig ni Felipe ang taga Etiopia na nagbabasa mula sa aklat ni Isaias. Sinamahan niya ito sa sasakyan at ipinaliwanag ang Mabuting Balita. Sa patuloy nilang paglalakbay nadaan sila sa tubig. Sa kahilingan ng bating at pagpapahayag ng kanyang kasalanan, binautismuhan siya ni Felipe:
At sa
pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng
bating, Narito ang tubig ano ang nakahahadlang upang ako’y mabautismuhan?
At
ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila’y kapuwa lumusong sa tubig, si
Felipe at ang bating, at kaniyang binautismuhan siya. (Mga Gawa 8:36-38)
Sinabi ni Felipe sa bating : “ Kung ikaw ay mananampalataya ng buong puso, maaari kang bautismuhan.” Tumugon ang bating: “ Naniniwala ako na si Jesu Cristo ay Anak ng Dios.” Ang tao na nagnanais ng Kristiyanong Bautismo ay dapat munang magpahayag ng pananampalataya kay Jesu Cristo bilang Anak ng Dios.
ANG MABUTING BUDHI
SA HARAP NG DIOS:
Ang pang-apat na kondisyon sa Kristiyanong Bautismo ay isang mabuting budhi sa harap ng Dios. Ikinumpara ni Pedro ang Kristiyanong Bautismo sa tubig sa karanasan ni Noe at ng kanyang pamilya na naligtas mula sa paghuhukom sa kanilang pagpasok sa arko.
Na ayon
sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi
sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi
sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo. (I Pedro 3:21)
Hindi sinasangayunan ni Pedro na ang layunin ng bautismo ay pisikal na paglilinis ng katawan. Sinabi niya na ang Kristiyanong bautismo ay pangloob na relasyon ng puso ng mananampalataya tungo sa Dios.. Tinawag niya itong “ mabuting budhi sa harap ng Dios.”
ANG
ORAS NG BAUTISMO
Para maging karapatdapat sa bautismo sa tubig ang isang tao ay dapat tumanggap ng tamang katuruan, magsisi, manampalataya at mayroong mabuting budhi sa harap ng Dios. Ang haba ng panahon upang makamit ang kinakailangang ito ay magkakaiba depende sa tao.
Sa ibang iglesya, kinakailangan na ang nagnanais ng bautismo ay magkaroon ng mahabang panahon ng pagtuturo, inaabot ng linggo o buwan. Subalit sinasabi sa Biblia sa araw ng Pentecostes tatlong libo ang nabautismuhan. Ilang oras bago, sila ay hindi mananampalataya na tumanggi kay Jesus bilang Mesias ng Israel o Anak ng Dios. Mula sa katapusan ng sermon ni Pedro at sa kanilang bautismo, ang kinakailangan na oras upang magbigay ng kinakailangan na katuruan ay hindi sosobra sa mga ilang oras:
Yaon
ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa
kanila ng araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. (Mga Gawa 2:41)
Binautismuhan ni Pedro ang bating sa parehong araw na ipinahayag niya ang Mabuting Balita sa kanya.
BILANG BUOD…
Ang ginagawa ng unang iglesya kaugnay sa bautismo ay ang mga sumusunod:
1. Bago ang bautismo kanilang tinuturuan ng pangunahing katotohanan tungkol sa Mabuting Balita na nakasentro sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.
2. Kanilang iniuugnay ang mga katotohanang ito sa gawa ng bautismo.
3. Kanilang sinisiyasat kung naunawaan, nagsisi, at ipinahayag ang pananampalataya ng bagong mananampalataya, pagkatapos nito kasunod kaagad ang bautismo sa tubig.
4. Pagkatapos ng bautismo ang bagong mananampalataya ay makatatanggap ng katuruan para sa espirituwal na paglago.
KAHALAGAHAN
NG KRISTIYANONG BAUTISMO
Ipinahayag ng mga sumusunod na talata ang kahalagahan ng Kristiyanong bautismo:
Ano nga
ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay
makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay sa pagkakasala, paano nga
tayong mabubuhay pa riyan?
O hindi
baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay
nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
Tayo
nga’y nangalibing ng kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na
kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong
buhay. (Roma 6:1-4)
Kapag ikaw ay nagsisi at tumanggap Kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas, ang kamatayan sa kasalanan at ang dating buhay ay nagaganap. May bagong buhay ng katuwiran ang nagaganap na ipinamumuhay para sa Dios:
Gayon
din naman kayo, ibilang ninyo kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, ngunit
mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.
Huwag
nang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y
magsisunod sa kaniyang mga pita…
Sapagka’t
ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t wala kayo sa ilalim ng
kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya. (Roma 6:11,12,14)
Ang Kristiyanong bautismo sa tubig ay simbolo ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ito ay sumasagisag ng kamatayan sa kasalanan habang ikaw ay inilulubog sa “puntod” ng tubig; at muling bumabangon sa bagong buhay na ipinamumuhay para sa Dios, habang ikaw ay lumalabas sa tubig.
Ang mananampalataya na ibinangon mula sa tubig upang mabuhay ng bagong buhay ay hindi makagagawa nito sa kanyang sariling kapangyarihan. Ang bagong buhay ay naipamumuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, yon ding kapangyarihan na nagbangon Kay Jesus mula sa puntod. (Matututunan mo pa ang tungkol sa pamumuhay ng bagong buhay sa Ika-Labingisang Kabanata.). Ang epekto ng bautismo sa tubig ay naka depende sa pagsisisi at pananampalataya ng isang nabautismuhan. Kung wala ito, walang halaga ang bautismo.
Ang ibig sabihin ng tunay na Kristiyanong bautismo, tayo ay nabautismuhan sa kay Jesus mismo, hindi sa partikular na iglesya o denominasyon:
Sapagka’t
ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis kay Cristo.
(Galacia 3:27)
BAUTISMO : ANG
PAGHAHAMBING
Ang bautismo ni Juan at Kristiyanong bautismo ay nangyayari sa paglubog sa tubig, subalit may pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Nang si Pablo ay bumisita sa siyudad ng Efeso kanyang
napag-alaman na may grupo ng mga tao na disipolo ni Juan Bautista doon. Kanilang narinig ang mensahe ni Juan sa pagsisisi at nabautismuhan, subalit walang narinig na Mabuting Balita Ni Jesus Cristo.
At
nangyari, na, samantalang si Apolos ay nasa Corinto, pagkatahak ni Pablo ng mga
lupaing matataas ay napasa Efeso, at nakasumpong ng ilang mga alagad: at sa
kanila’y sinabi niya, tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y
magsisampalataya?
At
sinabi nila sa kaniya, Hindi, hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na
Espiritu Santo.
At
sinabi niya, kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila sa bautismo
ni Juan.
At
sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa
bayan na sila’y magsisampalataya sa darating sa hulihan Niya, sa makatuwid
baga’y kay Jesus.
At nang
kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
(Mga Gawa 19:1-5)
Matapos maipaliwanag ni Pablo ang Mabuitng Balita, tinanggap ng mga taong ito at binautismuhan na muli. Sa pagkakataon na ito sila ay nabautismuhan sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ang halimbawang ito ay nagpapakita na ang bautismo ni Juan at ang Kristiyanong bautismo ay magkaiba. Ang bautismo ni Juan ay hindi na katanggap-tanggap matapos ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ang mga tumanggap ng bautismo ni Juan ay nabautismuhan muli ng Kristiyanong bautismo.
Ang mensahe ni Juan ay naghanda ng puso ng mga tao sa Israel para sa kapahayagan ng kanilang Mesias, si Jesu Cristo. Sa pamamagitan ng bautismo kanilang hayagang inamin at pinagsisihan ang kanilang mga kasalanan, at kanilang ipinahayag ang paniniwala sa darating na Mesias.
Pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ang mga tao ay binautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak , at ng Espiritu Santo. Sa paggawa nito kanilang hayagang ipinakita ang kanilang pagtanggap sa mensahe ng Mabuting Balita, at sa katunayan na nagbago ang kanilang mga buhay. Iniutos ni Jesus ang bautismong ito.
Dahil
dito magsiyaon nga kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na
sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
(Mateo 28:19)
Ang pagkakaiba sa pagitan ng Kristiyanong bautismo at bautismo ni Juan ay ang Kristiyanong bautismo ay ginawa sa buong kapangyarihan ng Dios Ama, Anak, at ng Banal na Espiritu.
Ang bautismo ni Juan ay hindi maaring magawa katulad ng kapangayarihang ito. Ito ay bautismo lang ng pagsisisi at pagamin ng paniniwala sa darating na Mesias. Ang Kristiyanong bautismo ay pagpapahayag ng pagtanggap sa buong plano ng Dios sa katubusan.
MGA
SALITANG SINABI SA BAUTISMO
Ating tinalakay ang mga kailangan bago ang bautismo at napatunayan na ito ay buong paglubog sa tubig. Isang tanong ang nanatili: Ano ang mga salita na dapat sabihin sa oras ng bautismo?
Sinabi Ni Jesus na magbautismo sa pangalan ng “Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu.” Maraming Pastor ang pumili na gumamit ng mga salitang ito sa pagbabautismo at ito ay katanggap-tanggap ayon sa Salita. Subalit katanggap-tanggap din na gamitin ang pangalan lamang ng Panginoong Jesus. Naitala sa Biblia na ito ay ginawa ng mga disipolo:
…sila’y
nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
(Mga
Gawa 8:16)
At nang
kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
(Mga Gawa 19:5)
Hindi iniutos ni Jesus sa mga disipolo na magbautismo sa mga pangalan ( pangmaramihan) ng Ama , Anak, at ng Banal na Espiritu, subalit sa “pangalan” ( pang-isahan) ng persona ng Kadiosan ng Dios.
Ang pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo ay ang pangalan ng “ Panginoong Jesu Cristo” dahil…
Sa
kaniya’y nananahan ang boong kapuspusan
ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman. (Colosas 2:9)
Itinuturo ng Biblia na tayo ay nabautismuhan Kay Cristo:
O hindi
baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay
nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? (Roma 6:3)
May mga denominasyon na masyadong maraming kontobersyal sa salita na ginagamit sa oras ng pagbabautismo. Kanilang sinasabi na ang isang salita ay tama at ang iba naman ay mali. Subalit ayon sa Biblia, ang bautismo sa “ pangalan ng Panginoong Jesu Cristo “ o sa “Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo ay parehong katanggap-tanggap na maaring sabihin sa oras ng Kristiyanong bautismo. Walang problema sa dalawang salita. Pareho itong tumutukoy sa Kadiosan ng Ama, Anak at Banal na Espiritu.
Alinsunod sa Biblia at sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa bahaging ito, ang mga sumusunod na salita ay inirerekomenda:
“ Ayon sa iyong pagpapahayag ng iyong pananampalataya, sa pangalan ng Dios Ama, Anak, at ng Banal na Espiritu, binabautismuhan kita sa Panginoong Jesu Cristo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang susing talata mula sa memorya.
________________________________________
2. Bigyang kahulugan ang salitng “ bautismo”.
________________________________________
3. Bakit mahalaga ang Kristiyanong Bautismo?
________________________________________
4. Ano ang apat na katangian na dapat magkaroon ang mga nagnanais ng Kristiyanong Bautismo?
_________________________________ ___________________________________
_________________________________ ___________________________________
5. Ano ang apat na klase ng bautismo na nabanggit sa Bagong Tipan?
_________________________________ ___________________________________
_________________________________ ___________________________________
6. Sa Bagong Tipan, gaano kadali na bautismuhan ang mga nagsisi, naniwala na makasalanan?
________________________________________
7. Ibigay ang reperensya sa Biblia na nagpapatunay na mayroong pagkakaiba ang bautismo ni Juan at ang Kristiyanong bautismo.
________________________________________
8. Dapat bang bautismuhan sa tubig ang mga sanggol?
________________________________________
9. Anong edad maaring hayaan ang bata na bautismuhan sa tubig?
________________________________________
10. Kung ang pangungusap ay TOTOO, isulat ang T sa puwang. Kung ang pangungusap ay MALI isulat ang letrang M sa puwang.
a. _______ Kung ikaw ay nabautismuhan lang sa pangalan ng Panginoong Jesu Cristo dapat kang bautismuhang muli sa pangalan ng Ama, Anak , at ng Banal na Espiritu.
b. _______ Ang Biblikal na salitang “bautismo” ay nangangahulugan ng paglubog sa halip na pagwisik ng tubig.
c. ______ Dapat mong maunawaan ang kahulugang ng bautismo bago ka mabautismuhan.
(Ang sagot sa mga pagsusulit ay nakasulat sa pangwakas ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay nagumpisa sa paksa ng doktrina na bautismo. Upang mapalawak ang iyong kaalaman sa paksang ito pag-aralan ang mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa bautismo.
Mateo 3:6,7,11-16; 11:11-12; 14:2; 16:4; 20:22-23; 21:25
Marcos 1:4,5,8,9; 10:38-39; 11:30; 16:16
Lucas 3:3,7,12,16,21; 7:29-30; 12:50; 20:4
Juan 1:25-28,33; 3:22-26; 4:1-2; 10:40
Mga Gawa 1:5,22; 2:38,41; 8:12,13,16,36,38; 9:18; 10:37,47-48; 11:16; 13:24; 18:8,25; 19:3,4,5; 22:16
Roma 6:3-4
I Corinto 1:13-16; 10:2; 12:13; 15:29
Galacia 3:27
Efeso 4:5
Colosas 2:12
I Pedro 3:21
Hebreo 6:2
IKA-ANIM NA
KABANATA
DOKTRINA NG MGA BAUTISMO:
II BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ipaliwanag ang ilan sa mga hangarin ng Banal na Espiritu.
· Ipaliwanag kung paano matatanggap ang bautismo ng Banal na Espiritu
· Masabi kung ano ang panglabas na palatandaan ng bautismo ng Banal na Espiritu
· Kilalanin ang tunay na ebidensya ng bautismo ng Bnaal na Espiritu.
· Alamin ang mga kaloob at bunga ng Banal na Espiritu.
SUSING TALATA:
Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang
kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga
saksi ko sa Jerusalem, at sa boong Judea at Samaria, at hanggang sa
kahulihulihang hangganan ng lupa.
(Mga Gawa 1:8)
PAMBUNGAD
Natutunan mo sa huling kabanata ang kahulugan ng salitang “bautismo” at napag-aralan ang tatlo sa apat na bautismo na nabanggit sa Bagong Tipan. Natutunan mo ang tungkol sa bautismo ng pagdurusa na naranasan ni Jesus, ang bautismo ni Juan Bautista, at ang Kristiyanong Bautismo sa tubig. Ang kabanatang ito ay nakatuon sa pang-apat na bautismo na bautismo ng Banal na Espiritu.*
PANGAKO
NG BANAL NA ESPIRITU
Pagkatapos ng muling pagkabuhay at bago sa Kanyang pagbalik sa Langit, nagbilin si Jesus sa Kanyang mga tagasunod:
At narito,
ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa’t magsipanatili kayo sa
bayan, hanggang sa kayo’y masangkapan ng kapangyarihan galing sa itaas. (Lucas
24:49)
* Ang
kabanatang ito ay nagsisilbing panimula lamang ng doktrina ng Banal na Espiritu.
Para sa detalyeng pag-aaral ng Banal na Espiritu, Harvestime Institute ay
nag-aalok ng hiwalay na kurso “ Ang Ministeryo ng Banal na Espiritu.”
Ang pangako na tinutukoy ni Jesus ay ang Banal na Espiritu. Nasabi na ito ni Jesus noon pa sa kanyang mga tagasunod:
At
ako’y dadalangin sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang
siyang sumainyo magpakailanman,
Sa
makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng
sanglibutan; sapagka’t hindi nito Siya nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y
nakikilala ninyo; sapagka’t Siya’y tumatahan, sa inyo at sasa inyo,
Hindi ko kayo iiwang magisa: ako’y
paririto sa inyo. (Juan 14:16-18)
HANGARIN
NG BANAL NA ESPIRITU
Ang isa sa mga pangunahing hangarin ng Banal na Espiritu ay nabanggit sa mga talatang nakasulat sa itaas: Para aliwin ang mga mananampalataya. Subalit marami pang hangarin ng Banal na Espiritu sa buhay ng mananampalataya ang nabanggit sa Biblia. Ang Banal na Espiritu ay:
- Magpuspos at bautismuhan sila: Mga Gawa 2:4
- Manahan sa kanila: I Corinto 6:9
- Pagisahin sa iisang espiritu sa Dios at ibang mananampalataya: I Corinto 6:17
- Manalangin para sa kanila: Roma 8:26
- Papatnubayan sila: Juan 16:13
- Ipakita ang pag-ibig Ni Cristo sa kanila sa pamamgitan Niya: Roma 5:5
- Nagbabago sa kanila upang maging katulad ni Cristo: II Corinto 3:18
- Nagsisiwalat ng katotohanan mula sa Biblia : I Corinto 2:10
- Nagtuturo sa kanila: Juan 14:26
- Nagbibigay sigla sa kanila upang tunay na sumamba: Juan 4:24
- Nagpapalakas sa kanila: Efeso 3:16
- Nagbibigay buhay sa kanila: Roma 8:11
- Nagpapabanal sa kanila: II Tesalonica 2:13-14
- Nagbabago sa kanila:Tito 3:5
- Naghahatol sa mga maling ginagawa nila : Juan 16:8-11
- Nagbibigay katiyakan sa kaligtasan: Roma 8:16
- Nagpapalaya sa kanila: Roma 8:2
- Nagsasalita sa pamamagitan nila: Marco 13:11
- Nagpapakita ng kapangyarihan ng Dios: I Corinto 2:4
- Nagbibigay ng kapangyarihang mag-ebanghelyo: Mga Gawa 1:8
ANG
EBIDENSIYA NG BANAL NA ESPIRITU
Maraming hangarin ang Banal na Espiritu sa buhay ng mananampalataya., subalit ang pinaka mahalaga at tunay na ebidensiya ng bautismo ng Banal na Espiritu ay para gawin ang mananampalataya na makapangyarihang saksi ng Ebanghelyo:
Datapuwa’t
tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at
kayo’y magiging mga saksi ko…sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa
1:8)
Ang ebidensiya ng bautismo ng Banal na Espiritu ay nakita kaagad sa buhay ni Apostol Pedro. Bago ang Araw ng Pentecostes may takot siya na itinatuwa niya na kilala niya si Jesus. Matapos siyang mabautismuhan ng Banal na Espiritu, si Pedro ay tumindig at nagbigay ng makapangyarihang saksi sa Ebanghelyo na naging resulta ang kaligtasan ng tatlong libong mga tao. Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa unang iglesya ang siyang naging resulta ng pagkalat ng ebanghelyo sa buong mundo. Sa aklat ng Mga Gawa naisulat ang makapangyarihang saksi na siyang naging ebidensiya ng Banal na Espiritu
BAUTISMO
NG BANAL NA ESPIRITU
May pitong talata sa Bagong Tipan na kung saan ang salitang “bautismo” ay ginamit na may kaugnayan sa Banal na Espiritu.
Sa
katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa’t ang
dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako
karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: Siya ang sa inyo’y magbabautismo sa
Espiritu Santo at apoy. (Mateo 3:11)
Binabautismuhan
ko kayo sa tubig; datapuwat’t kayo’y babautismuhan Niya sa Espiritu Santo.
(Marcos 1:8)
Ay
sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko
kayo ng tubig; datapuwa’t dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin;
ako’y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo’y
babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy: (Lucas 3:16)
At
Siya’y hindi ko nakilala; datapuwa’t ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa
tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at
manahan sa Kaniya, ay siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo. (Juan 1:33)
Nagbanggit din Si Jesus ng Bautismo ng Banal na Espritu:
Sapagka’t
tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa’t kayo’y babautismuhan sa
Espiritu Santo na di na malalaunan pa.(Mga Gawa 1:5)
Nang si Pedro ay nagsalita sa mga pangyayari sa tahanan ni Cornelius, ginamit niya ang salita ni Jesus
At
naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na si Juan
ay nagbautismo ng tubig; datapuwa’t kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo.
(Mga Gawa 11:16)
Ginamit din ni Pablo ang salitang “bautismo” kaugnay ng Banal na Espiritu.
Sapagka’t
sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging
tayo’y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay
pinainom sa isang Espiritu. (I Corinto 12:13)
Ang paggamit ng salitang “ bautismuhan sa “ Banal na Espiritu ay katulad sa paggamit ng inilarawan ng Kristiyanong bautismo sa tubig. Sa parehong pagkakataon ang bautismo ay panglabas na katunayan sa pangloob na espirituwal na kondisyon.
Ang Banal na Espiritu ay pumarito mula sa langit sa mga disipolo sa araw ng Pentecostes at buong inilubog (o bautismuhan) sa Banal na Espiritu. Sinabi ni Pedro na ang karanasan na ito ang siyang katuparan ng pangako ng Dios: “ At mangyayari pagkatapos… na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman.” Ang pangakong ito ay ibinigay sa Joel 2:28
ANG
PISIKAL NA PALATANDAAN
Ang Banal na Espiritu ay hindi nakikita sa natural na mata. Siya ay ikinumpara ni Jesus sa hangin:
Humihip
ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, ngunit
hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang
bawa’t ipinanganak ng Espiritu. (Juan 3:8)
Kahit ang hangin ay hindi nakikita, ang epekto na idinudulot nito ay nakikita at naririnig. Kapag ang hangin ay umihip ang alikabok ay lilipad mula sa lupa, ang mga puno ay bumabaling sa isang direksiyon, ang mga dahon ay kumakaluskos, ang alon ng dagat ay umuugong, ang alapaap ay kumikilos sa kabila ng langit. Ang lahat ng ito ay pisikal na palatandaan ng hangin. Katulad ng Banal na Espiritu. Kahit Siya ay hindi nakikita, ang epekto na idinudulot ng Banal na Espiritu ay makikita at naririnig.
May tatlong lugar sa Bagong Tipan na sinabi sa atin kung ano ang nangyari sa taong nabautismuhan ng Banal na Espiritu:
ARAW NG PENTECOSTES:
Sa mga Gawa 2: 2-4 nakatala kung ano ang nangyari sa araw ng Pentecostes:
At
biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na
hanging malakas, at pinuno ang boong bahay na kanilang kinauupuan.
At sa
kanila’y may napakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabahabahagi; at
dumapo sa bawa’t isa sa kanila.
At
silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng
iba’t ibang mga wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang salitain. (Mga Gawa 2:2-4)
TAHANAN NI
CORNELIO:
Sa Mga Gawa 10:44-46 natala ang nangyari nang si Pedro ay nagpahayag ng Ebanghelyo kay Cornelio at sa kanyang sambahayan:
Samantalang
nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo
sa lahat ng nangakikinig ng salita.
At
silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat sa nagsiparoong
kasama ni Pedro, sapagka’t ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na
Espiritu Santo.
Sapagka’t
nangarinig nilang nangagsasalita ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios… (Mga
Gawa 10:44-46)
MGA KOMBERTIDO SA
EFESO:
Sa Mga Gawa 19:6 inilarawan ang nangyari sa mga unang hikayat sa Efeso:
At nang
maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang
Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula. (Mga
Gawa 19:6)
Kung ating pagkukumparahin ang mga talatang ito mayroong isang pisikal na palatadandaan na siyang makikita sa tatlong pangyayari: Ang mga nakatanggap ng bautismo ng Banal na Espiritu ay nagsalita ng ibang wika. May ibang “supernatural” na palatandaan ng Banal na Espiritu na nabanggit, subalit hindi nanggyari sa lahat ng pagkakataon.
Sa araw ng Pentecostes mayroong tinig ng dumadagundong na hangin at nakikita na dila ng apoy. Ito ay hindi natala sa ibang pagkakataon.
Sa Efeso ang mga bagong kombertido ay nag propesiya. Subalit hindi ito nabanggit bilang nangyari sa araw ng Pentecostes o sa tahanan ni Cornelio.
Ang isang panglabas na palatandaan na obserbahan ng mga apostoles sa karanasan sa tahanan ni Cornelio at ng kanyang sambahayan ay nagsalita sila ng ibang wika. Ang pisikal na palatandaan na ito ay katunayan sa mga disipolo na sila ay nabautismuhan ng Banal na Espiritu.
Mula sa mga natalang ito sa Biblia ating ipinalagay na ang palatandaan ng pagsasalita ng ibang wika sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espritu ay nagpapatotoo na ang tao ay na bautismuhan ng Banal na Espiritu.
ANG
WIKA
Ang palatandaan ng “wika” ay maaring salita na alam ng tao. Ito ang nangyari sa araw ng Pentecostes:
At
silang lahat ay nangagtaka at nagsipanggilalas, na nangagsasabi Narito, hindi
baga mga Galileong lahat ang mga nagsisipagsalitang ito?
At
bakit nga naririnig ng bawa’t isa sa atin, ang ating sariling wikang
kinalimulatan? (Mga Gawa 2:7-8)
Ang wika ay maari din na salita na hindi alam ng tao. Ito ang tinatawag na hindi alam na wika:
Sapagka’t
ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita, kundi sa Dios;
sapagka’t walang nakauunawa sa kaniya; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga
hiwaga. (I Corinto 14:2)
MGA
HANGARIN NG WIKA
Ang “ibang wika” ay natatanggap sa pamamagitan ng bautismo ng Banal na Espiritu ay maraming hangarin sa buhay ng mananampalataya. Sa I Corinto kabanata 14 kinilala ang ilang mga hangarin ng kapahayagan ng wika:
- Manalangin sa Dios : talata 2
- Nagpapatibay sa sarili: upang magtatag ang paglagong espirituwal: talata 4
- Kapag ito ay binigyang kahulugan ang iglesya ay napapatibay: talata 12
- Tagapamagitan : talata 14 (tingnan din Roma 8:26-27)
- Palatandaan sa mananampalataya: talata 22
- Katuparan ng propesiya: talata 21 (tingnan din Isaiah 28:11-12)
- Pagpupuri : talata 15,17
PAGTUTOL
Ang ibang tao ay tumututol sa palatandaan ng pagsasalita ng ibang wika. Mayroong mga ilang pagtutol ang kanilang sinasabi:
NASA BAWAT
KRISTIYANO ANG BANAL NA ESPIRITU:
Ang isa sa madalas na pagtutol ay ang bawat Kristiyano ay tumanggap ng Banal na Espiritu nang siya ay makomberti at hindi na kinakailangan ng iba pang karanasan ng bautismo ng Banal na Espiritu.
Subalit alalahanin natin ang halimbawa ng mga tao sa Bagong Tipan na siyang tunay na mananampalataya.
Ang mga apostol ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan at sumampalataya na si Jesus ang Mesias. Kanilang personal na nasaksihan at tumanggap bilang tunay ang katotohanan ng pagkamatay, paglilibing, at muling pagkabuhay. Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga tagasunod:
At
narito, ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa’t magsipanatili
kayo sa bayan, hanggang sa kayo’ masangkapan ng kapangyarihan galing sa itaas.
(Lucas 24:49)
Kaniya ring sinabi:
Sapagka’t
tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa’t kayo’y babautismuhan sa
Espiritu Santo na di na malalaunan pa. (Mga Gawa 1:5)
Ang ipinangakong karanasan ng mabautismuhan ng Banal na Epsiritu ay dumating sa araw ng Pentecostes:
At
silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng
iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. (Mga
Gawa 2:4)
Kahit nga ang mga apostol ay tunay na mananampalataya na, hindi sila napuspos ( bautismuhan ng) Banal na Espiritu kundi nang Araw ng Pentecostes. Ang mga tao sa Samaria ay nakarinig ng mensahe ng Ebanghelyo. Sila ay sumampalataya at nabautismuhan. Subalit hindi pa nila natanggap ang Banal na Espiritu:
Nang
mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang
salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan:
Na nang
sila’y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang
Espiritu Santo.
Sapagka’t
ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila’y nangabautismuhan
lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
Nang
magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap
ang Espiritu Santo. (Mga Gawa 8:14-17)
Ang mga taga Samaria ay tumanggap ng kaligtasan sa ministeryo ni Felipe. Kanilang natanggap ang Banal na Espiritu sa ministeryo nina Pedro at Juan. Ang pagtanggap ng Banal na Espiritru ay hiwalay sa karanasan ng pagtanggap ng kaligtasan.
Sa Mga Gawa 19:1-6 inilarawan ni Pablo nang siya ay pumunta sa Efeso at nakatagpo ang mga tao, bilang “disipolo”. Ang unang itinanong ni Pablo ay, “ Tinanggap baga ninyo ang Espiritu Santo nang kayo‘y magsisampalataya? Kung ang mga tao ay tumanggap ng bautismo ng Espiritu Santo nang sila ay tumanggap ng kaligtasan, kalukohan na itanong ni Pablo ang ganitong tanong. Sa katunayan na siya ay nagtanong naging maliwanag na ang mga tao ay naging mananampalataya ni Cristo subalit hindi nakatanggap ng bautismo ng Espiritu Santo. Kahit ang tao ay tumanggap ng bautismo ng Espiritu Santo sa parehong panahon siya ay kombertido, ito ay ibang karanasan sa kaligtasan.
Ang ministeryo ng Espiritu Santo ay umiiral ng magpakailanman. Ang Lumang Tipan ay nagsasabi ng ang Espiritu Santo ay dumating sa espirituwal na tagapanguna ng Israel. Ang Espiritu Santo ay umiiral din sa buhay ng makasalanan upang dalhin sila kay Cristo.
Subalit ito ay kakaiba sa kapuspusan ng Espiritu Santo. Nilinaw ito Ni Jesus nang sinabi Niya:
Sa
makatuwid baga’y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng
sanlibutan; sapagka’t hindi nito Siya nakikita, ni nakikilala man Siya: Siya’y
nakikilala ninyo; sapagka’t Siya’y tumatahan sa inyo at sasa inyo.
(Juan 14:17)
Ang Espiritu Santo ay kasama ng mga disipolo ng panahon na iyon, subalilt hindi sa kanila. Sila ay napuspos (bautismuhan) ng Espiritu Santo sa Araw ng Pentecostes. Ang Espiritu Santo ay KASAMA ng mga makasalanan upang ilapit sila kay Jesu Cristo. Subalit hindi ito katulad ng NASA mananampalataya.
Ang Espiritu Santo ay kasama ng espirituwal na tagapanguna noong panahon ng Lumang Tipan. Subalit hindi Siya sumasakanila. Ito ang pagkakaiba ng Luma at Bagong Tipan ng ministeryo ng Espiritu Santo.
ANG LAHAT BA AY
NAGSASALITA NG IBANG WIKA?
Ang isa pang pagtutol sa pagsasalita ng ibang wika ay nanggaling sa hindi pagkakaunawaan ng tanong ni apostol Pablo sa I Corionto 12:30. Kanyang itinanong “ …nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika?” Ang tugon sa tanong na ito ay “Hindi, lahat ay nagsasalita ng ibang wika.”
Subalit hindi sinasabi ni Pablo dito ang karanasan ng bautismo ng Espiritu Santo. Ang talakayan ay patungkol sa kaloob ng Espiritu Santo na maaring magamit ng mananampalataya sa iglesya:
Kayo
nga ang katawan ni Cristo, at bawat isa’y samasamang mga sangkap Niya.
At ang
Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una’y mga apostol, ikalawa’y mga propeta,
ikatlo’y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga
pagtulong, mga pamamahala, at iba’t ibang mga wika.
(I Corinto 12:27-28)
Tinutukoy ni Pablo dito ang mga kaloob na maaring magamit ng mananampalataya sa iglesya. Ang isa sa mga kaloob ng Espiritu Santo ay “ pagkakaiba ng wika.” Ito ay kakayahan na magpahayag ng mensahe sa Iglesya sa pamamagitan ng wika sa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kahit ang bawat isa ay nakaranas ng palatandaan ng ibang wika ng nabautismuhan ng Espiritu Santo, hindi lahat ay nakatanggap ng natatanging kaloob ng pagkakaiba-iba ng mga wika.
TAKOT:
Ang ibang mananampalataya ay hindi naghahangad ng bautismo ng Espiritu Santo dahil sila ay natatakot na makatanggap ng karanasan na hindi galing sa Dios. Subalit sinasabi ng Biblia:
Magsihingi
kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong;
magsituktok kayo at kayo’y bubuksan:
Sapagka’t
ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang
tumutuktok ay binubuksan.
O anong
tao sa inyo, ang kung siya’y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang
ibibigay;
O kung
hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas?
Kung
kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa
inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng
mabubuting bagay na nagsisihingi sa kaniya? (Mateo 7:7-11)
Kung ang mananampalataya ay nagnanais ng kaloob, katulad ng mabuting ama sa lupa, hindi hahayaan ng Dios na makatanggap ng kahit ano na makasasakit sa kanya.
EMOSYONAL NA
KARANASAN:
Ang isa pang pagtutol sa pagsasalita ng ibang wika, ito ay emosyonal na karanasan. Marami sa mga nakatanggap ng bautismo ng Espritu Santo ay binibigyang halaga ang kanilang emosyonal na karanasan. Ang tao ay isang emosyonal na nilalang. Ang pagkahikayat ay hindi nagaalis ng emosyon ng tao. Siya ay makakaranas ng kasiyahan at kalungkutan.
Ang pagbabalik loob sa Dios ay nagpapalaya sa emosyon ng tao mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Ito ay nagbabaling ng emosyon na sumamba sa Dios. Ang salitang “ katuwaan” sa Biblia ay malapit na iniuugnay sa Espiritu Santo. Sa Mga Gawa 13: 52 ating mababasa “ At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.”
Matinding emosyon ang epekto ng kagalakan sa ibang tao na nakaranas ng bautismo ng Espiritu Santo dahil sila ay natural na mas emosyon kaysa sa iba. Maari silang sumigaw, tumawa o makaranas ng ibang pakiramdam sa kanilang pisikal na katawan. Subalit ang mga emosyonal na epekto ay hindi palatandaan ng bautismo ng Espritu Santo. Ang magpapatunay na palatandaan ay pagsasalita ng ibang wika.
Hindi kinakailangan na magpakita ng matinding emosyon katulad ng pagtawa, pagsigaw, pagsayaw, at iba pa, para mabautismuhan ng Espiritu Santo. Kung paano emosyonal na umepekto sa bawat isa ang kagalakan na dulot ng karanasan na ito ay may kaugnayan sa kanyang natural na emosyon.
Subalit hindi tayo dapat magpuna sa may emosyonal na kagalakan na epekto ng Espiritu Santo. Sinasabi ng Biblia na ang mayroong emosyonal na reaksiyon ay mga nakaranas ng makapangyarihang karanasan sa Dios. Ang mga tao ay nanginginig, nagpapatirapa sa lupa, sumisigaw, natutuwa at sumasayaw sa harapan ng Dios.
Nakakawili na obserbahan ang mga emosyonal na epketo sa mga tao sa ibat-ibang palakasan. Sila ay sisigaw, tatawa, tatalon, at magpapahayag ng matinding kagalakan sa isang pampalakasan na laro. Gaano tayo dapat maging matindi ang kagalakan sa kaloob na katulad ng Espiritu Santo na siyang gumaganap ng maraming hangarin sa ating buhay, nagdudulot ng matinding galak, at nagtuturo sa atin na may kapangyarihan na maabot ang mundo ng Ebanghelyo.
Ang Mangaawit na Si David ay sumasangayon. Kanyang ipinakita ang larawan ng masaya, malakas, emosyonal na pagsamba sa Dios.
Oh
magsiparito kayo, tayo’y magsiawit sa Panginoon: Tayo’y magkaingay na may
kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan.
Tayo’y
magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, Tayo’y magkaingay na may
kagalakan sa kaniya na may mga pag-aawitan.
Sapagka’t
ang Panginoon ay dakilang Dios, At dakilang Hari sa lahat ng mga dios. (Awit
95:1-3)
Purihin
ninyo Siya ng tunog ng pakakak: Purihin ninyo Siya ng salterio at alpa.
Purihin
ninyo Siya ng pandereta at sayaw: Purihin ninyo Siya ng mga panugtog ng kawad
at ng flauta.
Purihin
ninyo Siya ng mga matunog na simbalo. Purihin ninyo Siya sa pinaka matunog na
mga simbalo.
Purihin
ng bawa’t bagay na may hininga ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon.
(Awit 150:3-6)
Hindi ka dapat matakot na ang bautismo ng Espiritu Santo ay magiging sanhi ng paggawa ng isang bagay na hindi tama o mawalan ng pagpigil sa sarili. Sinasabi ng Biblia:
At ang
mga espiritu ng propeta ay nasasakupan ng mga propeta;
(I Corinto 14:32)
Ang ibig sabihin nito anumang kaloob na ibinigay ng Dios ay nasa ilalim ng marunong na pamamahala ng gumagamit. Hindi gagawa ang Dios ng hindi tama dahil…
…ang
Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan… (I Corinto 14:33)
MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO
Iniwan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod ng responsabilidad na ipangalat ang mensahe ng ebanghelyo sa dulo ng mundo . Ang kapangyarihan ng Espiritu Santo ay tutulong sa kanila upang matupad ang gawain . Bahagi ng “kapangyarihan” ng Espiritu Santo ay espesyal na kaloob na ibinigay nito sa mga mananampalataya upang ihanda sila sa epektibong ministeryo.
Ang espirituwal na kaloob na ito ay hindi katulad ng natural na mga talento. Ang natural na talento at kakayahan ay ibinigay sa oras ng pisikal na kapanganakan at /o pagpapaunlad sa pamamagitan ng natural na pagsisikap sa pagdaan ng panahon. Maaari silang gamitin na magministeryo sa iglesya, subalit kakaiba sa espirituwal na kaloob.
Ang Espirituwal na kaloob ay galing sa Espiritu Santo. Ang hangarin ay…
Sa
ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni
Cristo:
Hanggang
sa abutin nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya, at ang pagkakilala sa
Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng
pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:
Upang
tayo’y huwag nang maging mga bata pa, napapahapay dito’t doon at dinadala sa
magkabikabila ng lahat ng hangin ng aral…
Kundi
sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga
bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga’y si Cristo: (Efeso
4:12-15)
Ang mga talatang ito ay nagsisiwalat na ang espirituwal na kaloob ay para …
- Kaganapan ng mga banal.
- Magpaunlad ng gawa ng ministeryo.
- Magpalakas sa iglesya.
Ang huling layunin ng mga kaloob ay na tayo ay:
- Maging isa sa pananampalataya.
- Mapaunlad ang ating kaalaman Kay Cristo.
- Mapaunlad sa kaganapan, si Cristo bilang ating halimbawa.
- Maging matatag, hindi malinlang ng maling doktrina.
- Maabot ang kaganapang espirituwal kay Cristo.
Inaangkin ng ibang iglesya na ang kaloob ng Espiritu Santo ay hindi para sa makabagong mananampalataya. Kanilang itinuturo na ang ibang makapangyarihang kaloob na katulad ng mirakulo at pagsasalita ng ibang wika ay para lang sa unang iglesya.
Ang tugon sa kanilang pagtutol ay ito: Ang Panginoon ay nagbigay ng kaloob ng ministeryo upang magawa ay isang pagtikular na layunin sa iglesya. Hindi niya ipagkakait ang anumang kaloob ng hindi pa nagagawa ang dapat magawa. Ang lahat ba ng ating iglesya ay may pagkakaisa? Mayroon ba tayong buong kaalaman kay Cristo? Tayo bang lahat ay lumalakad sa kaganapan, katatagan, at kaganapan. Pumipigil ba tayo sa maling doktrina na pumapasok sa ating iglesya?
Ang sagot sa mga tanong na ito ay “hindi.” Ang lahat ng mga hangarin ng kaloob ng ministeryo ay hindi pa natutupad. Dahil dito, ang lahat ng kaloob na ibinigay ng Dios para matupad ang mga layunin na ito ay patuloy na umiiral hanggang ngayon. Sinasabi rin ng Biblia na ang
“ kaloob at pagtawag ng Dios ay walang pagsiisisi ” ( Roma 11:29). Ibig sabihin hindi magbabago ang isipan ng Dios at kukuning muli ang kaloob o tawag na ibinigay Niya.
Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa bawat mananampalataya ng mga kaloob, pinaka konti isang kaloob ( I Pedro 4:10; Efeso 4:7, I Corinto 12:7). Mahalaga na madiskubre natin at gamitin ang ating espirituwal na kaloob sa iglesya. Ang pangunahing mga talata na nagpapaliwanag na ang Espirituwal na kaloob ay magagamit ng mananampalataya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay Roma 12:1-8, I Corinto 12:1-31, Efeso 4:1-16 sat I Pedro 4:7-11.*
BUNGA
NG ESPIRITU SANTO
Binubuo ng Espiritu Santo sa buhay ng mananmpalataya ang katangian na tinatawag sa Biblia na “ espirituwal na bunga.” Ang bunga ng Espiritu Santo ay tumutukoy sa likas ng Espiritu Santo
na nakikita sa buhay ng mananampalataya. Nais ng Dios na ang lahat ng bunga ay makita sa buhay ng bawat Kristiyano:
Datapuwa’t
ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob,
kabutihan, pagtatapat,
Kaamuan,
pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. (Galacia 5:22-23)
Ang pag-unlad ng mga katangian na ito ay isa pang mahalagang gawain ng Espiritu Santo sa buhay ng mananampaltaya.
PAGTANGGAP
SA ESPIRITU SANTO
Ang mga sumusunod ay Biblikal na gabay para matanggap ang bautismo ng Espiritu Santo.
MAGSISI AT MAGPABAUTISMO:
Ito ay maghahanda sa espirituwal na pagtanggap:
At
sinabi sa kanila ni Pedro mangagsisi kayo, mangagbautismo ang bawa’t isa sa
inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob ng
Espiritu Santo.
(Mga Gawa 2:38)
MANAMPALATAYA NA
ITO AY PARA SA IYO:
Sapagka’t
sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo,
maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. (Mga Gawa 2:39)
NASAIN ITO:
…si
Jesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinomang tao’y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin at uminom.
Ang
sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay
aagos ang mga ilog ng tubig na buhay.
Ngunit
ito’y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng magsisisampalataya
sa Kaniya: sapagka’t hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu; sapagka’t si Jesus
ay hindi pa niluluwalhati. (Juan 7:37-39)
___________________________
* Ang Harvestime International Institute na
kurso, “ Ministeryo ng Espiritu Santo:, ay magpapaliwanag ng detalye ng mga
kaloob at bunga ng Espiritu Santo. Ito ay desenyo para tulungan ang
mananampalataya na malaman ang kanilang espirituwal na kaloob at mapaunlad ang
bunga ng Espiritu para maglingkod ng epektibo sa Katawan ni Cristo.
UNAWAIN NA ITO AY
KALOOB:
Ang Espiritu Santo ay naibigay na. Ito ay naibigay na sa Iglesya sa araw ng Pentecostes. Dahil ito ay kaloob, wala kang magagawa upang maging karapat-dapat ka:
…ang
kaloob ng Espiritu Santo. (MgaGawa 2:38)
Ito
lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa
pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng
tungkol sa pananampalataya?
Siya na
nangagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna
ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa
pakikinig ng tungkol sa pananampalataya.
Upang
sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang
sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu.
(Galacia 3:2,5,14,)
Magsimula kang magpuri at magpasalamat sa Dios para sa kaloob ng Espiritu Santo.
SUMUKO KA SA DIOS:
Huwag kang matakot na sabihin ang wika ng Espiritu Santo habang ikaw ay nagpupuri at sumasamba sa Dios. Habang Siya ay pinupuri mo nang naririnig mararanasan mong mautal ang labi. Ibigay mo sa Espiritu Santo ang iyong dila. At Siya ay magsasalita sa pamamagitan mo, salita na iba sa iyong nauunawaan. Ito ang tanda ng bautismo sa Espiritu Santo:
Hindi,
kundi sa pamamagitan ng mga taong may ibang
pangungusap at may iba’t ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.
(Isaias 28:11)
At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na kanilang salitain. (Mga Gawa 2:4)
HILINGIN ANG
PANALANGIN NG IBANG MANANAMPALATAYA:
Ang Espiritu Santo ay matatanggap sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ( Mga Gawa 8,9,19) o walang pagpapatong ng mga kamay ( Mga Gawa 2,4,10). Pag-aralan ang mga kabanatang ito na nagpapakita kung paanong ang mga mananampalatayang puspos ng Espiritu ay makatutulong sa iyo na maranasan ang bautismo ng Espiritu Santo.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Ano ang ilan sa mga hangarin ng Espiritu Santo sa buhay ng mga mananampalataya?
________________________________________
2. Magbigay ng anim na panuntunan para matanggap ang bautismo ng Espiritu Santo.
________________________________________
3. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
4. Ano ang panglabas na tanda at pisikal na ebidensiya ng bautismo ng Espiritu Santo?
________________________________________
5. Ano ang tunay na ebidensiya ng bautismo ng Espiritu Santo? Magbigay ng talata sa Biblia upang suportahan ang iyong sagot.
________________________________________
6. Ano ang ibig sabihin ng terminong “ bunga” ng Espiritu Santo?
________________________________________
7. Ilista ang siyam na bunga ng Espiritu Santo na dapat nasa buhay ng mananampalataya:
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
___________________________________
8. Ano ang ilan sa mga hangarin ng kaloob ng Espiritu Santo?
________________________________________
9. Bakit ang pangungusap na ito ay mali? “Hindi lahat ng kaloob ng Espiritu Santo ay para sa atin ngayon. Ang ilan sa mga ito ay para lang sa unang iglesya.”
________________________________________
10. Ano ang apat na pangunahing pagtutol ng ibang tao sa palatandaan ng ibang wika?
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
11. May katotohanan ba ang mga pagtutol na nabanggit ayon sa Biblia?
________________________________________
(Ang sagot sa pagsusulit ay nakasulat sa pagtatapos ng
huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay nagpasimula ng pag-aaral sa Espiritu Santo sa pamamagitan ng pagtalakay sa bautismo ng Espiritu Santo.
Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral sa Espiritu Santo sa mga susunod na balangkas.
ANG
LIKAS NG ESPIRITU SANTO
- Siya ay tinawag na Dios: Mga Gawa 5:3-4
- Nasa lahat ng dako: Siya ay nasa lahat ng dako: Mga Awit 139:7
- Nalalaman ang lahat: Alam niya ang lahat ng bagay: I Corinto 2:10-11
- Pinakamakapangyarihan: Nasa Kanya ang lahat
ng kapangyarihan: Mga Gawa 1:8
- Walanghanggan: Siya ay walang katapusan: Hebreo 9:14
- Kapantay ng Ama,at ng Anak: Mateo 3:16-17
ANG
PERSONALIDAD NG ESPIRITU SANTO
- Mayroong Siyang isip: Roma 8:27
- Ang isip na ito ay matalino: I Corinto 2:10-11
- Kanyang sinusuri ang isip ng tao: I Corinto 2:10
- Mayroong Siya kalooban: I Corinto 12:11
- Siya ay patnubay- nagpapahintulot o hindi Mga Gawa 16: 6-7,10
- Siya ay nangungusap: Mga Gawa 8:29
- Siya ay nagmamahal: Roma 15:30
- Siya ay napipighati: Efeso 4:30
- Siya ay tagapamagitan: Roma 8:26
ANG
SENSITIBONG LIKAS
Ang Espiritu Santo ay may sensitibong likas. Dapat tayong mag-ingat upang hindi tayo:
- Magsinungaling sa Espiritu Santo: Mga Gawa 5:3-4
- Tumanggi sa Espiritu: Mga Gawa 7:51
- Patayin ang Espiritu: I Tesalonica 5:19
- Pighatiin ang Espiritu: Mga Awit 78:40
- Insultuhin ang Espiritu Hebreo 6:4-6
- Maghimagsik sa Espiritu Santo Isaias 63:10
- Mamusong sa Espiritu Santo Mateo 12:31-32
MGA
PANGALAN AT TITULO NG ESPIRITU SANTO
Ang mga pangalan at titulo ng Espiritu Santo ay magbibigay ng higit na kaalaman sa likas at hangarin ng Espiritu Santo. Siya ay tinawag na:
- Ang Espiritu ng Dios: I Corinto 3:16
- Ang Espritu ni Cristo: Roma 8:9
- Ang Walanghanggang Espiritu: Hebreo 9:14
- Ang Espiritu ng Katotohanan: Juan 16:13; 14:26
- Ang Espiritu ng Biyaya: Hebreo 10:29
- Ang Espiritu ng Buhay: Roma 8:2
- Ang Espiritu ng Kaluwalhatian: I Pedro 4:14
- Ang Espiritu ng Karunungan at Pahayag: Efeso 1:17
- Ang Mangaaliw: Juan 14:26
- Ang Espiritu ng Pangako: Mga Gawa 1:4-5
- Ang Espiritu ng Kabanalan: Roma 1:4
- Ang Espiritu ng Pananampalataya: II Corinto 4:13
- Ang Espiritu ng Pagampon: Roma 8:15
MGA
SAGISAG NG ESPIRITU SANTO
Ang mga sumusunod na simbolo ay ginamit sa Biblia upang kumatawan sa Espiritu Santo:
- Ang Kalapati: Juan 1:32
- Langis: Lucas 4:18
- Tubig: Juan 7:37-39
- Selyo: Efeso 1:13
- Hangin: Juan 3:8
- Ilog: Juan 7:38-39
- Apoy: Sagisag ng:
- Presensiya ng Panginoon: Exodo 3:2
- Pag-sangayon: Levitico 9:24
- Pag-iingat: Exodo 13:21
- Paglilinis: Isaias 6:1-8
- Ang Kaloob ng Espiritu Santo: Mga Gawa 2:3
- Paghuhukom: Hebreo 12: 29
IKA-PITONG KABANATA
PAGPATONG NG MGA KAMAY
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang :
. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Bigyang kahulugan ang pagpapatong ng mga kamay.
· Kilalanin ang layunin ng pagpapatong ng mga kamay sa panahon ng Lumang Tipan.
· Kilalanin ang layunin ng pagpapatong ng mga kamay sa panahon ng Bagong Tipan.
· Itala ang mga kinakailangan para sa ministeryo ng pagpapatong ng mga kamay.
SUSING TALATA:
Nagsitira
nga sila doon nang mahabang panahon na nagsisipagsalita ng boong katapangan sa
Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na
gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan. (Mga Gawa 14:3)
PAMBUNGAD
Ang doktrina ng pagpapatong ng mga kamay ay pang-apat na prinsipyo sa pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya. Ang pagpapatong ng mga kamay ay isang gawain kung saan ang isang tao ay nagpapatong ng kaniyang kamay sa katawan ng ibang tao na may tiyak na espirituwal na hangarin. Itong pagpapatong ng mga kamay ay sinasamahan ng panalangin o propesiya.
ANG
TALAAN NG LUMANG TIPAN
Ang pagpapatong ng mga kamay ay ginamit sa Lumang Tipan sa mga sumusunod na layunin:
1. Paglilipat ng espirituwal na pagpapala o kapangyarihan.( Ang ibig sabihin ng paglilipat ay isang espirituwal na bagay na dumadaloy mula sa isang nagpapatong ng mga kamay tungo sa kanyang hinihipo.)
2. Pangpublikong pagpapatunay ng espirituwal na pagpapala o kapangyarihan na natanggap mula sa Dios.
3. Pagtatalaga sa Dios para sa natatanging ministeryo.
Tatlong halimbawa sa Lumang Tipan ang nagpakita ng mga layunin ng pagpapatong ng mga kamay:
ISRAEL:
Ang Genesis 48 ang unang natala ng pagpapatong ng mga kamay para sa espirituwal na benepisyo. Dinala ni Joseph ang kanyang dalawang anak, Si Ephriam at Manasseh, sa kanyang ama para pagpalain sila:
At
iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na
siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na
pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay;
sapagka’t si Manases ang panganay. (Genesis 48:14)
Ang pagpapala ni Jacob ay nailipat sa dalawang apo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa kanilang mga ulo.
MGA LEVITA:
Ang mga Levita ay naatasan ng Dios na maglingkod sa kapulungan ng Israel bilang espirituwal na mga tagapanguna. Sa ganitong posisyon kanilang kinatawan ang mga tao sa harap ng Dios. Ang pagpapatong ng mga kamay ay pagpapatunay sa mga tao ng kapamahalaan ng mga Levita sa harap ng Dios.
At
ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni
Israel ang kanilang mga kamay sa mga
Levita.
(Mga
Bilang 8:10)
MOISES:
Habang si Moises ay nalalapit sa pagtatapos ng kanyang ministeryo sa lupa, hiniling niya sa Panginoon na magtalaga ng bagong tagapanguna sa Israel.
At
sinabi ng Panginoon kay Moises, Ipagsama mo si Josue na anak ni Nun, isang
lalake na kinakasihan ng Espiritu, at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya;
At
iharap mo siya kay Eleazar na saserdote, at sa boong kapisanan; at pagbilinan
mo siya sa kanilang paningin.
At
lalagyan mo siya ng iyong karangalan upang sundin siya ng boong kapisanan ng
mga anak ni Israel.
At
ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya: at kaniyang ipinagsama
si Josue, at kaniyang iniharap kay Eleazar na saserdote, at sa boong kapisanan:
At
kaniyang ipinatong ang mga kamay niya sa kaniya, at pinagbilinan niya siya,
gaya ng sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
(Mga
Bilang 27:18-20,22-23)
Ang resulta ng pagpapatong ng kamay kay Josue ay natala sa Deuteronomio:
At si
Josue na anak ni Nun ay napuspos ng diwa ng karunungan: sapagka’t ipinatong ni
Moises ang kaniyang mga kamay sa kaniya; at dininig siya ng mga anak ni Israel,
at ginawa nila ang gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises. (Deuteronomio 34:9)
Ang pagpapatong ng kamay ni Moises kay Josue ay mahalaga kay Josue at sa buong kapulungan ng Israel. Dahil sa ginawang ito, isinalin ni Moises kay Josue ang karunungan at dangal na kanyang natanggap mula sa Dios. Pinatunayan ni Moises sa mga tao na si Josue ang pinili ng Dios bilang bagong tagapanguna.
ANG
TALAAN NG BAGONG TIPAN
Naitala ng Bagong Tipan ang limang karaniwang layunin ng pagpapatong ng mga kamay.
“SUPERNATURAL” NA
PALATANDAAN:
Ginagawa ni Jesus ang pagpapatong ng mga kamay sa kanyang ministeryo.
…ipinatong
Niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga may sakit, at pinagaling sila. (Marcos
6:5)
At nang
lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay
dinala sa Kaniya; at ipinatong Niya ang Kaniyang mga kamay sa bawa’t isa sa
kanila, at sila’y pinagaling. (Lucas 4:40)
At
ipinatong Niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya’y naunat, at
niluwalhati niya ang Dios. (Lucas 13:13)
Sa kanyang huling mensahe sa kanyang mga alagad sa pagtatapos ng Kanyang ministeryo sa lupa, nagtala si Jesus ng “supernatural” na palatandaan na sinamahan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo:
At
lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga
demonio sa Aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila’y
magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa
anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga
kamay sa mga may sakit at sila’y magsisigaling. (Marcos 16: 17-18)
Ang isa sa mga supernatural na palatandaan ng pagpapatong ng mga kamay ay upang ang Dios ay magkapagpagaling ng maysakit at gumawa ng ibat-ibang mga himala. Sa Marcos 16:17-18 ay nagpatunay na ang mga gawain na ito ay nagpapatuloy matapos ang pagtatapos ng ministeryo ni Crsito sa lupa.
Ang pagpapatong ng mga kamay sa pangalan ni Jesus ay ginagamit upang mapaglingkuran ng pisikal na kagalingan ang mga maysakit. Ang isang tao na nagpatong ng kamay sa may sakit ay naglilipat ng supernatural na kagalingan ng Dios. Pagminsan ang may sakit ay aktuwal na nadarama ang kapangyarihan ng Dios sa kanyang katawan. Kung minsan naman walang nararamdaman, subalit hindi ito nangangahulugan na walang kagalingan na nangyari. Ang pagpapatong ng mga kamay ay gawa ng pananampalataya at pagsunod sa Salita ng Dios. Ang epekto nito ay hindi nakadepende sa pakiramdam. Ang panahon ng paggaling ay nagbabago. Kung minsan lubos na kagalingan ay natatanggap sa simulang ipinatong ang kamay sa may sakit. Minsan ang kagalingan ay unti-unti ( Marcos 8:22-25). Mahalaga na turuan ang mga nagnanais ng kagalingan tungkol sa kahalagahan na panatilihin ang pananampalataya hanggang ang kagalingan ay malubos. ( Ibayong pagtuturo ay inilaan ng Harvestime International Institute sa kursong “ Pakikipaglaban sa Katawan.”)
Naitala sa aklat ng Mga Gawa kung paano ginamit ng Dios ang pagpapatong ng mga kamay ng mga mananampalataya na gumawa ng mahimalang kagalingan at ibang supernatural na palatandaan sa pagpapatunay ng Salita ng Dios:
Nagsitira
nga sila doon nang mahabang panahon na nagsisipagsalita ng boong katapangan sa
Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng Kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na
gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan. (Mga Gawa 14:3)
At sa
pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol ay ginawa ang maraming tanda at
kababalaghan sa gitna ng mga tao. (Mga Gawa 5:12)
At
umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa
kaniya na sinabi, kapatid na Saulo, ang Panginoon, sa makatuwid baga’y si
Jesus, na sa iyo’y napakita sa daan na iyong pinanggalingan, ay nagsugo sa
akin, upang tanggapin mo ang iyong paningin, at mapuspos ka ng Espiritu Santo.
(MgaGawa 9:17)
At
gumawa ang Dios ng mga tanging himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo.
(Mga Gawa 19:11)
At
nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may sakit na lagnat at iti: at pinasok
siya ni Pablo, at nanalangin, at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga
kamay ay siya’y pinagaling. (Mga Gawa 28:8)
BAUTISMO NG
ESPIRITU SANTO:
Isa pang layunin ng pagpapatong ng mga kamay ay para sa bautismo ng Espiritu Santo. May limang halimbawa na natala sa aklat ng Mga Gawa kung paanong ang mga tao ay nakatanggap ng bautismo ng Espiritu Santo. Ang unang halimbawa ay nang ang mga disipolo ay nasa Upper Room sa Jerusalem sa Araw ng Pentecostes. Mababasa mo ito sa Mga Gawa 8: 14-20; Si Saulo na taga Tarsus sa Mga Gawa 9:17; Cornelio at ang kanyang pamilya sa Mga Gawa 10:44-46; ang mga disipolo sa Efeso sa Mga Gawa 19:1-6.
Sa tatlong mga halimbawa sila na nagnanais ng bautismo ng Espiritu Santo ay napaglingkuran ng ibang mananampalataya sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay:
- Sa Mga Gawa 8:18 inihayag na “sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng apostol ang Espiritu Santo ay ibinigay.”
- Sa Damasco, ipinatong ni Ananias ang kanyang kamay kay Saulo upang matanggap niya ang kanyang paningin at mapuspos ng Espiritu Santo.
- Sa Efeso, ang mga disipolo na pinaglingkuran ni Pablo ay nakatanggap ng Espiritu Santo matapos na ipatong ni Pablo ang kanyang mga kamay.
Hindi lang sa pagpapatong ng mga kamay ang paraan upang ang mga tao ay makatanggap ng bautismo ng Espiritu Santo. Sa Upper Room sa Jerusalem at sa tahanan ni Cornelio ang mga tao ay nakatanggap ng karanasan ng walang nagpapatong ng mga kamay sa kanila. Subalit kung pagbabasihan natin ang mga halimbawang ito, ayon sa Biblia, ang mga nagnanais ng bautismo ng Espiritu Santo ay mapaglilingkuran sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
PAGBIBIGAY NG MGA ESPIRITUWAL NA KALOOB:
Ang isa pang layunin ng pagpapatong ng mga kamay ay para magbigay ng espirituwal na mga kaloob. Sumulat si Pablo kay Timoteo:
Huwag mong pabayaan ang kaloob na
nasa iyo, na sa iyo’y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng
mga presbitero. ( I Timoteo 4:14)
Tinukoy muli ni Pablo ang espirituwal na karanasan ni Timoteo:
Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa
iyo na paningasin mo ang kaloob ng
Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
(II
Timoteo 1:6)
Ang pagpapatong ng mga kamay ay kasama ng kaloob ng propesiya upang turuan, palakasin ang loob at pasiglahin si Timoteo upang matupad ang ibinigay ng Dios na ministeryo.
PAGSUGO SA MGA
KRISTIYANONG MANGGAGAWA:
Ang isa pang layunin ng pagpapatong ng mga kamay ay para isugo ang mga manggagawang Kristiyano. Ang ibig sabihin ng “ Komisyon” ay pahintulutan, ipadala, o ihayo sa misyon. Bilang espirituwal na tagapanguna naghihintay sila sa Panginoon sa Antioquia…
…sinabi
ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.
Nang
magkagayon, nang sila’y makapagayuno na
at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang
pinayaon sila.
Sila
nga palibhasa’y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa
Seleucia; at buhat doo’y nangaglayag hanggang sa Chipre. (Mga
Gawa 13:2-4)
Ipinakita ng Biblia na ang Dios ay pribadong nangusap na kina Pablo at Bernabe tungkol sa paglilingkod na nais Niyang gawin nila, bago pa mangusap ang Dios sa publiko sa mga tagapanguna ng iglesya. Ang pangpublikong kapahayagan ay nagpapatunay sa tawag na kanilang natanggap na.
Hindi ipinadala kaagad ng mga tagapanguna sina Pablo at Bernabe sa kanilang misyon. Nagbigay sila ng panahon sa pag-aayuno at pananalangin. Ang pagpapadala sa dalawang lalaking ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga tagapanguna ng iglesya.
Pinatungan din ng kamay ni Pablo si Timoteo para isugo sa kanyang ministeryo:
Dahil
dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo
sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.
(II Timoteo 1:6)
Ang praktis ng pagpapatong ng mga kamay upang isugo ang mga Kristiyanong manggagawa ay hindi lang ginagawa para sa mga misyonero at mga ministro. Ang pagtatalaga ng unang mga diyakono ( Mga Gawa 6:1-6) ay sinamahan ng pagpapatong ng mga kamay:
Na
siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila’y mangakapanalangin na, ay
ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon. (Mga Gawa 6:6)
Ang katungkulan kung saan ang mga taong ito ay itinalaga sa iglesya sa Jerusalem ay kinilalang “diyakono.” Ang pamamaraan ng pagtatalaga ng mga diyakono ay inihilera sa Mga Gawa 6:3-6. Binigyan ng mga Apostol ang mga tao ng responsabilidad na pumili ng mga tao na karapatdapat na punan ang katungkulan na ito.
Ang mga taong ito ay iniharap sa mga apostol na nagpatong ng mga kamay sa kanila at ipinanalangin . Sa ganitong paraan ipinakita ng mga apostol na kanilang tinatanggap bilang karapatdapat na manungkulan ang mga taong ito. Ipinagkatiwala nila sila sa Dios para sa tungkulin na kung saan sila napili, at mailipat sa kanila ang sukat ng kanilang karunungan na kinakailangan sa tungkulin na ito.
PAGTATALAGA NG MGA
SANGGOL:
Hindi naaayon sa Biblia ang pagbabautismo sa mga sanggol, sa dahilang hindi sila makapagsisisi o makakapanampalataya, na siyang kinakailangan sa bautismo. Subalit sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay, ang mga sanggol ay maaaring maitalaga at ihandog sa pag-iingat, pagpatnubay at pagpapala ng Dios:
At kinalong Niya sila, at sila’y pinagpala, na ipinapatong ang
Kaniyang mga kamay sa kanila. ( Marcos 10:16)
ANG
NATATANGING BABALA
Nagbigay ang Bagong Tipan ng babala tungkol sa pagpapatong ng mga kamay:
Huwag
mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man...
(I
Timoteo 5:22)
Sapagkat ang paglilipat ng kapangyarihang espirituwal ay nangyayari kapag ikaw ay nagpatong ng kamay sa iba o pinatungan ka ng kamay, kaya dapat na maingat ang paggamit ng ganitong praktis. Kung ang taong nagpatong ng kamay ay hindi espirituwal, ito ay hindi epektibo. Tinukoy ng Biblia kung sino ang karapatdapat na magpatong ng kamay sa iba upang magbigay ng espirituwal na benepisyo.
MANANAMPALATAYA:
Ang mga mananampalataya ay maaaring magpatong ng kamay sa iba:
At
kalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya:… ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at
sila’y magsisigaling.
(
Marcos 16:17-18)
Ang katangian ng mga tunay na mananampalataya ay tinalakay na sa nakaraaang kabanata sa katuruan ng mga prinsipyo ng pagsisisi mula sa mga patay na mga gawa at pananampalataya sa Dios.
MGA APOSTOL AT MGA
ALAGAD:
Nang
makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo…( Mga
Gawa 8:18)
At
umalis si Ananias at pumasok sa bahay; at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa
kaniya… at mapuspos ka ng Espiritu Santo. ( Mga Gawa 9:17)
Ang mga apostol at mga alagad ang mga tao na hinirang at pinahiran ng Dios. Sila ay ganap na mananampalataya at halimbawa ng may kakayahang mamuno.
MIYEMBRO NG
PRESBITERO:
…pagpapatong
ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero.
(I
Timoteo 4:14)
Ang mataas na pamantayan ng presbitero, na kinilala bilang nakatatanda, ay nakatala sa
I Timoteo 3:1-7 at Tito 1:6-9.
BUOD
Ang limang layunin ng pagpapatong ng mga kamay sa Bagong Tipan ay :
- Supernatural na palatandaan
- Bautismo ng Espiritu Santo
- Pagbibigay ng Espirituwal na Kaloob
- Pagsugo sa mga Kristiyanong Manggagawa
- Pagtatalaga ng mga Sanggol
Ang kaalaman sa paggamit ng pagpapatong ng mga kamay ay mahalaga dahil ito ay itinuro ni Jesus na ang praktis nito ay bahagi ng ministeryo ng Iglesya.
Ang pagpapatong ng mga kamay ay espirituwal na praktis na nawawala sa iglesya ngayon. Subalit…
- Tandaan ang epekto sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo kung ang bawat manamapalataya ay epektibo sa pagpapatong ng mga kamay para sa pagpapagaling at mga himala.
- Tandaan ang epekto ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo kung ang espirituwal na kaloob ay nailipat at ang manggagawang Kristiyano ay naikomisyon na palagian sa pamamanagitan ng pagpapatong ng mga kamay .
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Magbigay ng tatlong halimbawa sa Lumang Tipan ng pagpapatong ng mga kamay.
_______________________ _________________________ ______________________
2. Isulat ang limang layunin ng pagpapatong ng mga kamay na ipinahayag sa Bagong Tipan
______________ ______________ ______________ ______________ _____________
3. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
4. Magbigay ng reperensya sa Biblia na nagpapatunay na ang pagpapatong ng mga kamay ay nagpatuloy pagkatapos na si Jesus ay bumalik sa langit._________________________
5. Ibigay ang kahulugan ng “pagpapatong ng mga kamay”.
________________________________________
6. Sino ang tinutukoy sa Biblia na karapatdapat na magpatong ng mga kamay?
_________________, ___________________ at __________________ ______________
7. Kung ang pangungusap ay tama isulat ang T sa puwang. Kung ang pangungusap ay mali isulat ang M sa puwang:
a.______ Kung walang nararamdaman na kapangyarihan sa pagpapatong ng kamay hindi ito epektibo.
b.______ Ang pagpapatong ng mga kamay ay maaring gamitin sa pagsugo sa mga Kristiyanong manggagawa.
c.______ Itinuturo ng Biblia na kahit sino ay maaring magpatong ng mga kamay.
d.______ Ang pagpapatong lang ng mga kamay ang paraan upang ang tao ay mabautismuhan ng Espiritu Santo.
e.______ Ang espirituwal na kaloob ay maaring isalin sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay.
f.______ Ang pagpapatong ng mga kamay ay hindi maaring gamitin sa mga sanggol dahil hindi nila ito nauunawaan.
(Ang sagot sa pagsusulit ay naka sulat sa pagtatapos ng
huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pag-aralan ang mga ginawang himala ni Jesus sa kanyang ministeryo sa lupa. Obserbahan kung paano Niya ginamit ang pagpapatong ng mga kamay upang magbigay ng espirituwal na pagpapala.
BUMUHAY NG PATAY:
Anak na babae ni Jairus: Mateo 9:18-19, 23-25
Anak na lalaki ng Balo: Lucas 7:11-15
Lazaro: Juan 11:1-44
PAGPAPAGALING:
Ketongin: Mateo 8:2-3
Alipin ng Centurion: Mateo 8:5-13
Biyenan ni Pedro: Mateo 8:14-15
Gadareno: Mateo 8:28-34
Paralitiko Mateo 9:2-7
Babaeng dinudugo Mateo 9 20-22
Lalaking bulag Mateo 9 :27-31
Piping inaalihan ng demonyo Mateo 9:32- 33
Lalaking patay ang isang kamay Mateo 12:10-13
Bulag, pipi at inaalihan ng demonyo Mateo 12:22
Anak na babae ng Cananea Mateo 15:21-28
Batang may epilepsy Mateo 17:14-18
Dalawang bulag Mateo 20:29-34
Lalaking bingi at utal Marcos 7:31-37
Lalaking inaalihan ng masamang espiritu Marcos1:23-26
Bulag sa Betsaida Marcos 8:22-26
Babaing hukot Lucas 13:11-13
Lalaking namamanas Lucas 14:1-4
Sampung ketongin Lucas 17: 11-19
Tainga ni Malcus Lucas 22:50-51
Anak ng mataas na pinuno Juan 4:46-54
May sakit na lalaki sa Betesda Juan 5:1-9
Ipinanganak na bulag Juan 9
( Hindi gumamit si Jesus ng iisang paraan ng paggawa ng himala. Kumikilos ang Dios sa maraming kaparaanan upang gumawa ng mahimalang palatandaan para magpatunay sa Kanyang Salita. Ang pagpapatong ng mga kamay ay isa sa maraming pamamaraan na ginagamit ng Dios.)
IKA-WALONG KABANATA
MULING PAGKABUHAY NG MGA
PATAY: I BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “ muling pagkabuhay”.
· Kilalanin ang nakaraan, pangkasalukuyan, at panghinaharap na muling pagkabuhay.
· Ilarawan ang pangkasalukuyang espirituwal na muling pagkabuhay ng mananampalataya kay Jesu Cristo.
· Ilarawan ang nakaraan na muling pagkabuhay ni Jesus.
SUSING TALATA:
Sinabi sa
kaniya ni Jesus, Ako and pagkabuhay na
maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y
mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya;
At ang
sinomang nabubuhay at sumasampalataya
sa akin ay hindi mamamatay. (Juan 11:25-26)
PAMBUNGAD
Mayroon pang dalawang pundasyon ng doktrina ng Kristiyanong pananampalataya. Ito ang muling pagkabuhay ng mga patay at walanghanggang paghuhukom. Sa pag-aaral ng dalawang natitirang doktrina, dinala tayo ng Biblia sa kapahayagan sa kabila ng pangkasalukuyan, tungo sa panghinaharap na walang hanggan.
Mula sa paglikha, dinala ng Dios ang pangkasalukuyan na mundo mula sa kaayusan ng panahon kasama ang nakaraan , pangkasalukuyan at hinaharap (Genesisi 1). Isang araw tatapusin ng Dios ang pangkasalukuyang mundo na alam natin ngayon at ito ay magwawakas.
Ipinahayag ng Biblia, na para sa kabuuan ng mundo, ang katapusan ng mundo ay mangyayari sa espesyal na pagkakataon na itinakda ng Dios. Maraming mangyayari sa mundo sa mga huling araw. Ang Dios lang ang nakakaalam ng tumpak na panahon sa mga pangyayaring ito.
Bilang isang tao, isang pagkakataon ang nag-aantay sa bawat isa sa atin na “ ang panahon ay hindi na ganoon kahaba.” . Ito ang pagdating ng katapusan ng makalupang buhay at patungo sa walanghanggan. Para sa bawat tao, ang katapusan ng pisikal na buhay ay sa huling panahon.
May mga misteryo na bumabalot sa huling panahon at walanghanggan na binabanggit ang Biblia na hindi ipinaliwanag. Subalit ang doktrina ng “muling pagkabuhay ng mga patay” ay nagbibigay ng kaalaman sa mga huling araw at walanghanggan na susunod.
Ang kabanatang ito ay panimula ng doktrina ng muling pagkabuhay ng mga patay. Ang nakaraan, pangkasalukuyan at panghinaharap na muling pagkabuhay na sinasabi sa Bagong Tipan ay binigyang kahulugan, at ang nakaraan at pangkasalukuyan na muling pagkabuhay ang tinalakay. Ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga patay ay tinalakay sa mga sumsusunod na kabanata.
KAHULUGAN
Ang kahulugan ng salitang “ muling pagkabuhay” ay itayo o bumangon. Ang ibig sabihin ay magtindig o bumangon mula sa mga patay.
TATLONG
MULING PAGKABUHAY
Mayroong tatlong pagkabuhay na itinuro sa Bagong Tipan :
Nakaraan: Ang muling pagkabuhay ni Jesu Cristo mula sa patay.
Pangkasalukuyan: Ang espirituwal na muling pagkabuhay ng mga mananampalataya kay Jesu Cristo.
Panghinaharap: Ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga nasa libingan.
ANG
BUMUBUHAY NA MULI
Si Jesu Cristo ay bumangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios:
…sapagkat aming
sinasaksihan tungkol sa Dios, na Kaniyang muling binuhay si Cristo…( I Corinto
15:15)
Sa pamamagitan ni Jesus ang mga mananampalataya ay nakaranas ng pangkasalukuyang espirituwal na muling pagkabuhay. Sa pamamagitan Niya ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga patay mula sa libingan ay mangyayari.
Sinasangayunan ng Biblia na si Jesus ang bumubuhay na muli, ang magbabangon sa mga patay:
Sinabi sa
kaniya ni Jesus, Ako ang
pagkabuhay na maguli, at ang
kabuhayan: ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y
mamatay gayon ma’y mabubuhay siya; ( Juan 11:25)
Gayon din naman
nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam
ay naging espiritung nagbibigay buhay. (I Corinto 15:45)
Nguni’t ngayon
ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo
Jesus, na siyang nag-alis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng
walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio. (II Timoteo 1:10)
NAKARAAN:
MULING PAGKABUHAY NI JESU CRISTO
PROPESIYA NG LUMANG TIPAN:
Hinulaan sa Lumang Tipan ang kapanganakan ni Jesu Cristo , ang Kanyang kamatayann para sa mga kasalanan ng tao, at ng Kanyang muling pagkabuhay. Nabanggit ni David ang muling pagkabuhay ni Jesus:
Palibhasa nga’y
isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa Kaniya, na sa bunga ng Kaniyang baywang ay
iluluklok Niya ang isa sa Kaniyang luklukan;
Palibhasa’y
nakikita na Niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo…(
Mga Gawa 2:30-31 )
Maraming talata sa Biblia na pinatutunayan na Si Jesus ay muling nabuhay mula sa mga patay sa ikatlong araw matapos ang kanyang libing:
Datapuwa’t si
Cristo nga’y muling binuhay sa mga patay
na Siya ay naging
pangunahing bunga
ng nangatutulog. ( I Corinto 15:20 )
Nang magtatapos
ang araw ng Sabat, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo,
ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang
libingan…
At sumagot ang
anghel at sinabi sa mga babae, Huwag
kayong mangatakot;
sapagka’t
nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.
Siya’y wala
rito; sapagkat siya’y nagbangon, ayon
sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalalagyan ng
Panginoon.
At magsiyaon
kayong madali, at sa Kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya’y nagbangon sa
mga patay… ( Mateo 28:1, 5-7)
Para sa “karagdagang pag-aaral” na bahagi sa pagtatapos ng kabanatang ito ay nakatala ang marami pang ibang reperensya na nagpapatunay ng muling pagkabuhay ni Jesus.
PAGPAPAKITA:
Nakita ng maraming tao Si Jesus matapos ang Kanyang muling pagkabuhay:
Na sa kanila
nama’y napakita rin Siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan
pagkatapos na Siya’y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na
pung araw, at napahayag ng mga bagay tungkol sa Kaharian ng Dios. ( Mga Gawa 1:3)
Siya ay nakita
ni Cephas, pagkatapos ang labing dalawa;
Pagkatapos ay
napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa
mga ito’y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa’t ang mga iba’y nangatulog na.
Saka napakita
kay Santiago, at saka sa lahat ng mga apostol;
At sa
kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman Siya
sa akin. ( I Corinto 15:5-8)
ANG KANYANG MULING NABUHAY
NA KATAWAN:
Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, Siya ay maingat na nagbigay ng ebidensiya na Siya ay may tunay na katawan, at Siya rin yaong personang ipinako. Ang ebidensiya nito ay ang Kanyang mga kamay, mga paa at tagiliran na mayroon pang marka ng mga pako at ng sibat.
Sa ibang mga paraan ang Kanyang katawan ay nakaranas ng mahalagang pagbabago. Hindi na ito nasa ilalim ng limitasyon ng kamatayan ng katawan. Maaari Siyang magpakita o mawala kung nanaisin. Maaari Siyang makapasok sa saradong silid at maaari Siyang dumaan sa lupa at Langit. ( Juan 20:19).
Bago Siya namatay at muling nabuhay, sa isang pakikipag-usap Niya sa mga pinuno ng relihiyon ng Israel…
Sumagot si
Jesus at sa kanila’y sinabi, Igiba ninyo ang templong ito, at aking
itatayo sa tatlong araw.
Sinabi nga ng
mga Judio, Apat na pu’t anim na taon
ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?
Datapuwa’t
sinasalita Niya ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan. (Juan 2:19-21)
Hindi tinutukoy ni Jesus ang templo sa Jerusalem. Tinutukoy Niya ang Kanyang sariling katawan bilang isang templo. Pagkatapos ng kamatayan at libing ni Jesus, nang pumasok ang babae sa libingan upang pahiran ang Kanyang katawan, kanilang “ natagpuan hindi ang katawan ni Jesus Cristo” ( Lucas 23:55-24:3). Nang Si Jesus ay nagpakita sa Kanyang mga alagad hinayaan Niyang hipuin ang bakas ng pako at pilat mula sa sibat upang patunayan ang Kanyang pagkakakilanlan:
At samantalang
kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, Siya rin ay tumayo sa gitna nila,
at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo.
Datapuwa’t
sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng
isang espiritu.
At sinabi Niya
sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo
sa inyong puso?
Tingnan ninyo
ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang
isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa
akin.
At pagkasabi
Niya nito, ay ipinakita Niya sa kanila ang Kaniyang mga kamay at ang Kaniyang
mga paa. ( Lukas 24: 36-40)
Nang
magkagayo’y sinabi Niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan
mo ang Aking mga kamay; at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di
mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
Sumagot si Tomas, at sa Kaniya’y sinabi, Panginoon
ko at Dios ko.
( Juan 20: 27-28)
KAHALAGAHAN NG MULING
PAGKABUHAY:
Bakit mahalaga ang doktrina ng muling pagkabuhay mula sa mga patay ni Jesu Cristo sa Kristiyanong pananampalataya?
Datapuwa’t kung
walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si
Cristo.
At kung si
Cristo’y hindi muling binuhay, ay
walang kabuluhan nga ang aming
pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya. ( I
Corinto 15:13-14)
Ang paniniwala sa muling pagkabuhay ni Jesu Crsito ay kinakailangan para maging tunay na mananampalataya:
Sapagka’t kung
ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa
iyong puso na binuhay Siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka. (
Roma 10:9)
Inilahad ni Pablo na ang muling pagkabuhay ni Jesus ay bahagi ng mensahe ng Ebanghelyo:
Ngayo’y
ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking
ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong
pinananatilihan.
Sa pamamagitan
naman nito’y ligtas kayo kung matiyaga niyong iingatan ang salitang ipinangaral
ko sa inyo, maliban na kung kayo’y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
Sapagka’t
ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay
namatay dahil sa ating mga kasalanan ayon sa mga kasulatan.
At Siya’y
inilibing; at Siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. (
I Corinto 15:1-4)
Ang muling pagkabuhay ay nagpapatunay na Si Jesu Cristo ay Anak ng Dios:
Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Jesucristo na Panginoon natin. (Roma 1:4 )
Ang muling pagkabuhay ay nagpapatunay na si Jesus ay pinakadakila sa lahat ng nilikha:
Na kaniyang
ginawa kay Cristo, nang ito’y Kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo
sa Kaniyang kanan sa sangkalangitan,
Sa
kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at
pagkasakop, at sa bawa’t pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
At sa lahat ng
mga bagay ay pinasuko Niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at Siyang
pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia.
Na Siyang
katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa
Lahat. (Efeso 1:20-23 )
Ang muling pagkabuhay ay nagpapatunay na ang mga mananampalataya ay inaring –ganap:
Na ibinigay
dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin.
( Roma 4:25)
Ang ibig sabihin ng muling pagkabuhay ay ang kamatayan ay talunan na:
Dahil sa ang
mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo, Siya nama’y gayon ding nakabahagi
sa mga ito; upang sa pamamagitan ng
kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay
ang diablo. ( Hebreo 2:14)
Dahil sa muling pagkabuhay ni Jesus, ang mga mananampalataya ay muli ring mabubuhay at magkakaroon ng bagong katawan:
Narito,
sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog,
nguni’t tayong lahat ay babaguhin. Sa
isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak at ang mga
patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin. ( I Corinto 15:51-52)
Na siyang
magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng
Kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko Niya sa lahat ng mga
bagay sa kaniya. ( Filipos 3:21)
Marami pa tayong pag-aaralan tungkol dito sa muling pagkabuhay sa susunod na kabanata. Dahil sa muling pagkabuhay mayroong pinanggagalingan ang bagong buhay ng mananampalataya:
Purihin nawa
ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking
awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng
pagkabuhay na maguli ni Jesu-cristo sa mga patay. ( I Pedro 1:3)
PANGKASALUKUYAN:
MULING PAGKABUHAY NG MANANAMPALATAYA
Binabanggit ng Biblia ang pangkasalukuyan na muling pagkabuhay ng mananampalataya. Ang ibig sabihin nito ay ang dati na patay sa espiritu sa kasalanan ngayon ay buhay ang espiritu sa pamamagitan ni Jesus Cristo:
At kayo’y
binuhay Niya, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga
kasalanan.
Bagama’t tayo’y mga patay dahil sa ating mga
kasalanan, tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y
nangaligtas).
( Efeso 2:1,5 )
At nang kayo’y
mga patay dahil sa inyong mga kasalanan…
ay Kaniyang binuhay kayo na
kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan. (
Colosas 2:13)
Kaya’t kung ang
sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang ang mga dating bagay ay
nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago. (ICorinto 5: 17 )
ANG PANGLABAS NA
PALATANDAAN NG MULING PAGKABUHAY NA ITO:
Ang bautismo sa tubig ay panglabas na palatandaan ng pagkamatay ng lumang buhay sa kasalanan, at espirituwal na muling pagkabuhay ng mananampalataya kay Jesu Cristo. Subalit hindi lang ang bautismo sa tubig ang nagpapatotoo ng espirituwal na muling pagkabuhay ng mananampalataya. Ito ay ang bagong buhay na Kanyang ipinamumuhay:
Tayo nga’y
nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung
paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong
buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay
naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon
din naman tayo dahil sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli.
( Roma 6:4,5)
MGA EBIDENSYA NG MULING
PAGKABUHAY NA ITO:
Nagbigay Si Jesus ng maraming ebidensya ng Kanyang muling pagkabuhay. Kasama dito ang walang laman na libingan, ang mensahe ng mga anghel, at ang Kanyang pagpapakita pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Mayroon ding ebidensya ng katunayan na ang mga mananampalataya ay nabuhay din mula sa mga patay. Kanilang isinama ang mga sumusunod:
-
Pagkamatay sa Kasalanan na ang Resulta ay Bagong Buhay:
Ang resulta ng espirituwal na muling pagkabuhay ay kamatayan sa kasalanan. Ang mananampalataya ay hindi na namumuhay katulad ng dati. Siya ay patay na sa mga masasamang bagay ng mundo at buhay Kay Jesus:
Gayon din naman
kayo, ibilang ninyong kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga
buhay sa Dios kay Cristo Jesus. ( Roma
6:11)
-
May Bagong Panginoon:
Ang espirituwal na muling pagkabuhay ay si Jesus ang namamanginoon. Sa halip na mamuhay ka para sa iyong sarili, nabubuhay ka para maglingkod sa Kanya:
At siya’y
namatay dahil sa lahat, upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa
kanilang sarili, kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay. ( II
Corinto 5:15)
-
Ang Layunin ng Bagong Buhay:
Ang layunin ng bagong buhay ay resulta ng espirituwal na muling pagkabuhay. Sa halip na may malasakit sa pansamanatalang mga bagay ng mundo katulad ng materyal na kayamanan, ambisyon, at iba pa, ang pinag-uukulan ng mga manampalataya ay nakatuon sa pangwalanghanggang mga bagay:
Kung kayo nga’y
muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa
itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
Ilagak ninyo
ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na
nangasa ibabaw ng lupa. ( Colosas 3:1-2 )
BUOD
Ang nakaraan na muling pagkabuhay ni Jesus at ang pangkasalukuyang muling pagkabuhay ng mga mananampalataya ay dalawa sa tatlong muling pagkabuhay na nabanggit sa Bagong Tipan. Isa pa ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga patay mula sa libingan. Ito ay tatalakayin sa susunod na kabanata.
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
2. Ibigay ang kahulugan ng salitang “ muling pagkabuhay”.
________________________________________
3. Ano ang tatlong muling pagkabuhay na nakatala sa Bagong Tipan?
Nakaraan: ________________________________________
Pangkasalukuyan: ________________________________________
Panghinaharap: ________________________________________
4. Magbigay ng mga reperensiya sa Biblia na nagpapatunay sa mga sumusunod:
Na ang Lumang Tipan ay hinulaan ang muling pagkabuhay ni Jesus: __________
Na si Jesus ay bumangon mula sa mga patay: __________
Na Siya ay nagpakita sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay: __________
Na yaon din ang Kanyang katawan, subalit walang mga limitasyon tulad ng tao: __________
5. Bakit mahalaga ang paniniwala sa muling pagkabuhay ni Jesus Cristo?
________________________________________
6. Ano ang ibig sabihin ng “pangkasalukuyan na espirituwal na muling pagkabuhay ng mga mananampalataya?”________________________________________
7. Ano ang mga ebidensiya ng espirituwal na muling pagkabuhay ng mga mananampalataya na tinalakay sa kabanatang ito?
_____________________ _____________________ __________________________
8. Anong panglabas na gawain ang nagbibigay kahulugan sa espirituwal na muling pagkabuhay ng mga mananampalataya?_____________________
(Ang sagot sa pagsusulit ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata sa manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Pag-aralan ang mga sumusunod na mga reperensiya para mapalawak ang kaalaman sa muling pagkabuhay ni Jesus.
Ang apat na pangunahing
salaysay sa Kanyang muling pagkabuhay ay
ibinigay sa :
Mateo 28
Marcos 16
Lucas 24
Juan 20
Ang mga sumusunod na talata
ay nagbibigay din ng karagdagang impormasyon sa muling pagkabuhay ni Jesus:
Mga Gawa 1:22; 2:24,32; 3:15,26; 4:10,33; 5:30; 10:40,41; 13:30-33,34,37; 17:18,32
Roma 1:4; 4:24; 6:5; 8:11,34
I Corinto 6:14; 15:12-58
II Corinto 4:14
Galacia 1:1
Filipos 3:10
Efeso 1:20
I Tesalonica 1:10
II Timoteo 2:8
I Pedro 1:3
IKA-SIYAM NA KABANATA
MULING PAGKABUHAY NG MGA
PATAY: II BAHAGI
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ilarawan ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng mga patay.
· Kilalanin ang muling pagkabuhay ng mga matuwid at hindi matuwid.
· Ipaliwanag kung paano ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay naka apekto sa kahihinatnan ng kaluluwa ng tao.
SUSING TALATA:
Sapagka’t ang Panginoon din ang
bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng ark-angel at may
pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung
magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga
alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon
tayo magpakailan man. ( I Tesalonica 4:16-17)
PAMBUNGAD
Sa nakaraang kabanata ang termino na “ muling pagkabuhay” ay binigyang kahulugan at tatlong muling pagkabuhay ang nabanggit sa Bagong Tipan na itinuro. Ang nakaraang muling pagkabuhay ni Jesus at ang pangkasalukuyang muling pagkabuhay ng mga mananampalataya kay Jesus ay tinalakay ng detalyado.
Ang kabanatang ito ay magpapaliwanag ng panghinaharap na muling pagkabuhay ng lahat ng mga nasa libingan. Sa totoo ang panghinaharap na muling pagkabuhay ay may dalawang magkaibang muling pagkabuhay, ang isa ay sa mga matuwid at ang isa ay sa mga hindi matuwid. Ipaliliwanag din sa kabanatang ito kung paanong ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay naka apekto sa kahihinatnan ng kaluluwa ng tao.
Dahil ang kabanatang ito ay nakatuon sa panghinaharap na mga pangyayari, ito ay nagbibigay pansin sa propesiya tungkol sa mga huling araw at pangwalanghanggan. Kung hindi ka pamilyar sa mga propesiya ng Biblia dapat mong pagbalik-aralan ang “ Para sa Dagdag na Pag-aaral” na bahagi ng kabanatang ito. Ito ay nagbibigay ng kabuuang balangkas ng panghinaharap na mga pangyayari na ipinahayag sa Salita ng Dios.
PANGHINAHARAP
: MULING PAGKABUHAY NG MGA NASA LIBINGAN
Ang Biblia ay nagpapahayag ng dalawang bagay tungkol sa lahat ng tao:
1. Lahat ay makararanas ng muling pagkabuhay ng mga patay.
2. Lahat ay makararanas ng walanghanggang paghuhukom.
Ang sinabi ni Jesus tungkol sa panghinaharap na muling pagkabuhay:
Huwag, ninyong ipanggilalas
ito: sapagka’t dumarating ang oras na
ang lahat ng nangasalibingan ay makaririnig ng kaniyang tinig.
At
magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay;
at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.( Juan
5:28-29)
Si Apostol Pablo ay nagsulat din tungkol sa muling pagkabuhay na ito:
Sapagka’t kung paanong kay Adam
ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.(
I Corinto 15:22)
Dahil sa orihinal na kasalanan ni Adam, ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng tao. Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ang lahat ng tao ay pisikal na mamamatay at pagkatapos ay muling mabubuhay.
HINDI
KASAMA SA MULING PAGKABUHAY
Ang mga hindi namatay ay hindi nakinakailangan na muling mabuhay mula sa mga patay.
Isinulat ni Pablo:
Narito, sinasaysay ko sa inyo ang
isang hiwaga hindi tayong lahat ay mangatutulog, ngunit’t tayong lahat ay
babaguhin.
Sa isang
sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ang mga
patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.
Sapagka’t
kinakailangan na itong may kasiraaan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong
may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
(I Corinto
15:51-53)
Nang sinabi ni Pablo “ hindi tayo LAHAT matutulog” ibig niyang sabihin ang lahat ng tunay na mananampalataya na buhay sa oras ng pagbabalik ni Cristo para sa Iglesya.
Ang mga mananampalatayang ito ay hindi makararanas ng kamatayan. Sila ay dadagitin para salubungin si Jesus at makasama ang mga Kristiyanong muling nabuhay mula sa mga patay.
KAHIHINATNAN
NG MGA NAMATAY
Maraming katotohanan tungkol sa panahon sa pagitan ng pisikal na kamatayan at muling pagkabuhay na hindi naipahayag sa Biblia, subalit tatlong bagay ang maliwanag:
1. Sa panahon ng kamatayan mayroong paghihiwalay ng katawan at espiritu at kaluluwa. Ang pisikal na katawan ay ilalagay sa libingan, subalit ang kaluluwa at espiritu ay magpapatuloy ng walanghanggan.
2. Magkaibang lugar ang patutunguhan ng espiritu at kaluluwa ng matuwid at hindi matuwid.
3. Ang kahihinatnan ng matuwid ay magkaiba bago at pagkatapos ng kamatayn ni Jesus.
Ipinahayag ni Jesus kung ano ang nangyari pagkatapos ng kamatayan sa pamamagitan ng istorya ni Lazaro na nakalupasay sa pintuan ng mayaman :
At nangyari, na namatay ang
pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay
naman ang mayaman, at inilibing.
At sa Hades na
nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa
malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
At siya’y
sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro,
upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri at palamigin ang aking
dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito.
Datapuwa’t
sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting
bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang
bagay: datapuwa’t ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
At bukod sa
lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at
ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi
maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin. (Lucas 16:22-26)
Sa kamatayan, ang pisikal na katawan ay babalik sa lupa:
…sapagka’t ikaw ay alabok at sa
alabok ka uuwi. ( Genesis 3:19 b)
Ang kaluluwa at espiritu ng tao ay papasok sa bagong buhay na walanghanggan. Mayroon pa ring personalidad, pagkakakilanlan ng isang tao sa kapwa tao, at kamalayan ng pangkasalukuyang kondisyon. Ang kahihinatnan ng espiritu ng matuwid ay kakaiba sa espiritu ng masama. Parehong si Lazaro at ang mayamang lalaki ay nagpunta sa lugar ng pumanaw na espiritu na tinatawag sa Hebreong salita “ Sheol” at sa Griegong salita “ Hades.” ( Karaniwan sa Lumang Tipan ay orihinal na nasulat sa Hebreo. Ang Bagong Tipan ay nasulat sa Griego).
Subalit ang kahihinatnan ng dalawang tao ay magkaiba. Ang mayamang tao ay nasa lugar ng pagdurusa na tinawag na Impiyerno. Si Lazaro ay nasa lugar ng kapahingahan. Sa pagitan ng dalawang lugar na ito ay malaking bangin na hindi ka maaring makatawid mula sa dalawang bahagi.
Kung ang bangin ay hindi matatawid, ang ibig sabihin nito ay wala ng pag-asa na mabago ang walanghangan na kahihinatnan ng kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Dahil dito wala ng halaga ang pananalangin para sa patay. Ang desisiyon na tumanggap o tumanggi kay Jesus bilang Tagapagligtas ay dapat gawin sa buhay na ito. Ang desisyon na ito ang magpapasya ng kahihinatnan ng iyong kaluluwa.
Ang lugar ng kapahingahan para sa mga pumanaw na espiritu ng matuwid ay tinawag na
“Sinapupunan ni Abraham.” Ang ibig sabihin nito ay lugar para sa mga sumunod sa pananampalataya tulad ng kay Abraham sa pamamagitan ng paglilingkod sa nag-iisa, tunay at buhay na Dios.
PAGKATAPOS
NG MULING PAGKABUHAY NI JESUS
Ang istorya ni Lazaro at mayamang lalaki ay nagpahayag kung ano ang nangyari sa pumanaw na kaluluwa bago ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus ang kahihinatnan ng kaluluwa ng masama ay mananatiling pareho, subalit ang kahihinatnan ng matuwid na kaluluwa ay nabago.
Nang si Jesus ay namatay Kanyang sinabi “ Ama, sa iyong kamay inihahabiling ko ang aking espiritu.” Ang Kanyang katawan ay nakahandusay sa libingan subalit ang kinahinatnan ng Kanyang espiritu ay Dios ang nagtakda. Inihayag ng Biblia kung ano ang nangyari sa espiritu ni Cristo pagkatapos ng kamatayan:
Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi Siya’y bumaba
rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa?
Ang bumaba ay
Siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng boong sangkalangitan, upang kaniyang
mapuspos ang lahat ng mga bagay.
( Efeso 4:9-10)
Bago ang kanyang kamatayan , sinabi ni Jesus sa mamamatay na magnanakaw na nagsisi:
Ngayon ay kakasamahin kita sa
Paraiso. ( Lucas 23:43)
Ang espiritu ni Jesus ay bumaba sa Sheol, ang lugar ng pumanaw na mga espiritu. Una Siya ay pumunta sa lugar ng espiritu ng matuwid. Ito ay tinawag na “paraiso” o sinapupunan ni Abraham.”
Mula sa paraiso, si Jesus ay pumunta sa lugar ng Sheol nakareserba para sa espiritu ng mga masasama.
Ito ay kinakailangan upang makumpleto niya ang gawa ng pagbabayad para sa kasalanan ng tao. Kailangan Niyang magdusa sa pisikal at espirituwal na kabayaran ng kasalanan. Ang pisikal na kabayaran ay pisikal na kamatayan. Ang espirituwal na kabayaran ay pagkawalay mula sa Dios na tinatawag na espirituwal na kamatayan. Naranasan ito ni Jesus sa Sheol.
Pagkatapos nito ang espiritu ni Jesus ay tumaas mula sa Sheol pabalik sa mundo. Sa oras na iyon, ang Kanyang katawan na nakahandusay na walang buhay sa libingan, ay bumangon mula sa kamatayan. Ang Kanyang kaluluwa, espiritu, at katawan ay nagsamang muli para makabuo ng kumpletong personalidad. Katulad ng ating napag-aralan sa huling kabanata, si Jesus ay nagpakita sa marami habang Siya ay nasa lupa bago Siya bumalik sa langit.
ANG
BAGONG HUWARAN
Ang mga pangyayari sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ay naglagay ng bagong huwaran para sa kahihinatnan ng kaluluwa ng matuwid. Bago ang muling pagkabuhay ni Jesus, ang mga humiwalay na espiritu ng matuwid ay nagtungo sa paraiso. Pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ang espritu ng mga matuwid ay aakyat tungo sa presensiya ng Dios. Ito ay pinatotohanan sa talaan ng kamatayan ni Esteban:
Datapuwa’t siya, palibhasa’y
puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang
kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios
At nagsabi,
Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa
kanan ng Dios.
At kanilang
pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong
Jesus tanggapin mo ang aking espiritu.
At siya’y
nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa
kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya. (Mga Gawa
7:55-56,59-60)
Ilang sandali bago mamatay si Esteban ay nakakita siya ng pangitain ni Jesus sa Langit na nasa kanang kamay ng Dios. Ang kanyang salita, “ Panginoong Jesus tanggapin mo ang aking espiritu,” nagpapakita na alam niya pagkatapos ng kanyang kamatayan ang kanyang kaluluwa at espiritu ay tutungo direkto sa Langit.
Pinatunayan ito ni Apostol Pablo:
Kaya nga
kami’y laging malakas ang loob, at nalalaman namin na, samantalang kami ay
nangasa tahanan sa katawan, ay wala kami sa harapan ng Panginoon.
Na malakas ang
loob namin, ang sabi ko, at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa
tahanan na kasama ng Panginoon. ( II Corinto
5:6,8)
Pinaghambing ni Pablo ang halaga ng kamatayan sa nananatiling buhay para matupad ang kanyang ministeryo sa lupa. Sinabi niya na ang mawala sa katawan ay ang makasama ni Cristo:
Sapagka’t sa ganang akin ang
mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.
Ngunit kung
ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito’y magiging mabungang pagpapagal,
na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.
Sapagka’t
ako’y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo;
sapagka’t ito’y lalong mabuti.
Gayon ma’y ang
manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo. (Filipos
1:21-24)
Para sa karagdagan ng bagong kahihinatnan ng matuwid na patay, si Jesus ay nagtatag ng bagong huwaran na panunundan ng lahat ng tao:
1. Sa kamatayan ang espiritu at kaluluwa ng tao ay tutungo sa kaharian ng pumanaw na espiritu. Ang matuwid ay aakyat sa presensiya ng Dios. Ang hindi matuwid ay tutungo sa lugar ng pagdurusa ( impiyerno).
2. Sa oras ng muling pagkabuhay, ang katawan ay babangon muli mula sa mga patay at makikiisa sa espiritu at kaluluwa.
MULING
PAGKABUHAY NG PATAY : TATLONG YUGTO
Inilarawan ni Apostol Pablo ang muling pagkabuhay ng mga patay sa tatlong yugto .
ANG UNA:
Ang unang muling pagkabuhay ng patay ay yung kay Jesus:
Sapagka’t kung paanong kay Adam
ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
Datapuwa’t ang
bawa’t isa’y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga;
pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa Kaniyang pagparito.
Kung
magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na Niya ang kaharian sa
Dios, sa makatuwid baga’y sa Ama; pagka
lilipulin na Niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at
kapangyarihan.
( I Corinto
15:22-24)
Ang unang muling pagkabuhay ay si Jesus. Ito ang ibig sabihin ng parirala” Si Cristo ang unang bunga.” Mayroon pang dalawang ibang muling pagkabuhay ng patay na mangyayari sa hinaharap. Ito ang muling pagkabuhay ng mga matuwid at hindi matuwid:
Na may pagasa sa Dios, na Siya
rin namang hinihintay nila, na magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga ganap
at gayon din ng mga di ganap. (Mga Gawa
24:15)
Tinawag din ng Biblia ang dalawang muling pagkabuhay na muling pagkabuhay ng buhay at muling pagkabuhay ng kapahamakan:
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na
maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.
Huwag ninyong
ipanggilalas ito: sapagka’t dumarating ang oras, na ang lahat ng nangasa
libingan ay makaririnig ng Kaniyang tinig.
At
magsisilabas; ang mga nagsigawa ng
mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay;
at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol. (Juan 5:25, 28-29)
ANG PANGALAWA:
Ang muling pagkabuhay ng buhay ay mangyayari sa pagbabalik ni Jesus para sa Iglesya. Ang pangyayaring ito ay muling bubuhayin mula sa patay ang lahat ng tunay na mananampalataya kay Jesus. Ito ang tinatawag na muling pagkabuhay ng mga matuwid o muling pagkabuhay ng buhay.
Ang muling pagkabuhay ni Jesus ang unang yugto…
Ang muling pagkabuhay ng mga mananampalataya ang pangalawang yugto…
ANG PANGATLO:
Ang pangatlong yugto ng muling pagkabuhay ng mga patay ay tinatawag na “ ang wakas.” Ang muling pagkabuhay na ito ay mangyayari sa wakas ng paghahari ni Cristo sa lupa ng isanglibong taon ng kapayapaan. Ang muling pagkabuhay ay tinatawag na muling pagkabuhay ng hindi matuwid o ang “muling pagkabuhay tungo sa kapahamakan.”
BILANG BUOD:
Ang mga sumusunod na tsart ay
ang buod ng iyong natutunan tungkol sa tatlong yugto ng muling pagkabuhay ng
mga patay:
Muling
Pagkabuhay ng Mga Patay
Unang Yugto: Muling pagkabuhay Ni Jesu Cristo
I
Pangalawang Yugto: Muling pagkabuhay ng mga Matuwid ( Muling pagkabuhay ng Buhay)
I
Pangatlong Yugto: Muling pagkabuhay ng mga Hindi matuwid ( Muling pagkabuhay tungo sa Kapahamakan)
Iyong napag-aralan ang muling pagkabuhay ni Jesus. Ngayon pag-aaralan mo ang muling pagkabuhay ng mga matuwid at hindi matuwid.
ANG
MULING PAGKABUHAY NG MATUWID
Sinabi ni Pablo ang mga nasa ikalawang yugto ng muling pagkabuhay ay ang “ sila na nakay Cristo.” Ang ibig sabihin nito ay ang mga nagsisi mula sa mga patay na mga gawa at sa pamamagitan ng pananampalataya ay tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas. Sinabi ni Pablo na ang muling pagkabuhay na ito ng mananampalataya ay mangyayari sa oras ng pagdating ni Cristo. Ang pangunahing talata sa Bagong Tipan na naglalarawan ng muling pagkabuhay na ito ng buhay ( ang matuwid) ay matatagpuan sa Tesalonica:
Nguni’y hindi namin ibig na
kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng
mga iba, na walang pagasa.
Sapagka’t kung
tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din
naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya.
Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng
Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng
Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.
Sapagka’t ang
Panginoon din ang bababang mula sa langit na may isang sigaw, may tinig ng ark-angel, at may pakakak ng
Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay
unang mangabubuhay na maguli.
Kung
magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga
alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.
Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga
salitang ito.
( I Tesalonica 4:13-18)
Ang layunin ng pagtuturo ni Pablo ay aliwin ang mga mananampalataya tungkol sa ibang Kristiyanong namatay na (“sila na natutulog”). Ang kanyang mensahe ay nagbigay ng kasiguruhan na ang lahat ng tunay na mananampalataya ay muling bubuhayin.
Sa pagbabalik ni Jesus, dalawang malaking pangyayari ang mangyayari sa lupa:
1. Ang lahat ng tunay na mananampalataya na namatay na ay muling bubuhayin, bibigyan ng bagong katawan, at makikiisa sa kanilang sariling kaluluwa at espiritu.
2. Ang lahat ng mananampalataya na buhay sa lupa sa panahong iyon ay makararanas ng mabilis na pagbabago ng kanilang pisikal na katawan.
Ang muling nabuhay at ang mga buhay sa panahon ng pagdating ni Cristo ay kapwa babangon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios mula sa lupa papunta sa alapaap. Sila at ang Panginoon ay magsasamang muli. Simula sa oras na yaon, sila ay makakasama ng Panginoon ng walanghanggan.
Ang aklat ng Apocalipsis ay may karagdagan na talaan ng muling pagkabuhay ng mga matuwid:
At nakakita ako ng mga luklukan,
at may mga nagsisiluklok sa mga ito,
sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni
Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa
kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa
kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa
loob ng isang libong taon.
Ang mga iba sa
mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli.
Mapalad at
banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli… (Apocalipsis 20:4-6)
Ang muling pagkabuhay na inilarawan sa mga talatang ito ay para sa mga mananampalataya na namatay bilang martir sa panahon ng tribulasyon. Sila ay bumangon bago ang Kaharian ni Cristo ay naitatag sa lupa. Ipinahayag ng talatang ito na ang muling pagkabuhay ng mga matuwid, na tinatawag na unang muling pagkabuhay, ay na kumpleto pagkatapos ng pagbangon ng huling pangkat ng mga mananampalataya.
BAGONG
KATAWAN PARA SA MGA MANANAMPALATAYA
Inihayag ng Biblia ang ilang mga bagay tungkol sa bagong katawan na matatanggap ng mga mananampalataya. Ang bagong katawan ay :
AYON SA KALOOBAN NG DIOS:
Datapuwa’t ang Dios ay nagbibigay ng
katawan dito ayon sa Kaniyang minagaling, at sa bawa’t binhi ay ang sariling
katawan. ( I Corinto 15:38)
ANG MALUWALHATING
KATAWAN:
Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may
kaluwalhatian: Itinatanim na may
kahinaan; binubuhay na maguli na may
kapangyarihan. ( I Corinto 15:43)
ESPIRITUWAL NA KATAWAN:
Itinatanim na may katawang ukol sa lupa;
binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang
ukol sa espiritu naman. ( I Corinto 15:44)
MAKAPANGYARIHANG KATAWAN:
Itinatanim na may kahinaan; binubuhay
na maguli na may kapangyarihan:
( I Corinto 15:43 b )
ANG WALANGKAMATAYANG KATAWAN:
Ang ibig sabihin nito, ang bagong katawan ay hindi tumatanda, nabubulok, o namamatay:
…at ang mga patay ay mangabubuhay
na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.
Sapagka’t
kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong
may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
Datapuwa’t
pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may
kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang
wikang nasusulat. Nilamon ng
pagtatagumpay ang kamatayan. ( I Corinto 15: 52-54)
KATAWANG KATULAD NG
BUMANGON NATING PANGINOON:
Datapuwa’t si Cristo nga’y muling
binuhay sa mga patay na Siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.( I
Corinto 15:20)
Si Jesus ang unang bumangon mula sa patay. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay inihambing sa unang bigkis ng malawakang pag-aani na susunod. Ang pag-aaning ito ay ang pagbangon ng mga mananampalataya sa muling pagkabuhay. Ang binuhay nating katawan ay makakatulad ng sa ating Panginoon:
Mga minahahal, ngayon ay mga anak
tayo ng Dios, at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na
kung Siya’y mahayag, tayo’y magiging katulad Niya: sapagkat Siya’y ating
makikitang gaya ng Kaniyang sarili. ( I
Juan 3:2)
Na Siyang magbabago ng katawan ng
ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng Kaniyang kaluwalhatian,
ayon sa paggawa ng maipagpapasuko Niya sa lahat ng mga bagay sa Kaniya. (Filipos 3:21)
ANG
MULING PAGKABUHAY NG MGA HINDI MATUWID
Ang huling muling pagkabuhay ay inilarawan ni Pablo sa I Corinto 15:24. Tinawag niya ito na “ang wakas” Ito ang muling pagkabuhay ng mga hindi matuwid. Pag natapos na ni Jesus ang Kanyang paghahari sa lupa ng isang libong taon, tatalunin ng Dios ang lahat ng Kanyang kaaway. Ang huli na Kanyang kaaway na tatalunin ay kamatayan. Ito ang kaganapan ng plano ng Dios sa mundo:
Na ipinakikilala Niya sa atin ang
hiwaga ng Kaniyang kalooban, ayon sa Kaniyang minagaling na ipinasiya Niya sa
Kaniya rin.
Sa pagiging
katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay
Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa
ibabaw ng lupa… ( Efeso 1:9-10)
Inihayag ng Apocalipsis kabanata 20 kung paano ang muling pagkabuhay ng hindi matuwid ay nauugnay sa ibang bahagi ng plano ng Dios. Sa kabanatang ito inilarawan ni Apostol Juan ang huling tangka ni Satanas na maagaw ang kapangyarihan mula sa Dios. Mangyayari ito sa wakas ng Isanglibong Taong paghahari ni Cristo:
At kung maganap na ang isang
libong taon, si Satanas ay kakalagan…
At lalabas
upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa… upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
At
nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga
banal, at ang bayang iniibig: at bumaba
ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok.
At ang diablo
na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre… at sila’y
pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (Apocalipsis 20:7-10)
Sa panahon ng Isanglibong Taong paghahari, ang Jerusalem ang sentro ng pangangasiwa ni Cristo sa mga nasyon ng lupa. Si Satanas ay nakabihag sa panahaong ito. Sa pagtatapos ng Isanglibong Taong paghahari, si Satanas ay pakakawalan upang itatag ang huling paghihimagsik ng mga Gentil na nasyon. Ang resulta nito ay pag atake sa Jerusalem. Ang Dios ay makikialam sa pamamagitan ng apoy mula sa langit at ang rebelyon ay matatalo. Si Satanas ay itatapon sa dagat-dagatang apoy upang magdusa ng walang hanggan.
ANG
WAKAS AT WALANGHANGGAN
Inilarawan ni Juan ang huling muling pagkabuhay ng lahat na natiling patay:
At nakita ko ang isang malaking
luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa Kaniyang harapan ang lupa at
ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.
At nakita ko
ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at
nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng
buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga
aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
At ibinigay ng
dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang
mga patay na nasa kanila: at sila’y
hinatulan bawa’t tao ayon sa
kanikaniyang mga gawa.
At ang
kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa
dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang
kamatayan.
At kung ang
sinoman ay hindi nasupungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa
dagatdagatang apoy. ( Apocalipsis
20:11-15)
BUOD
Ang lahat ng tunay na mananampalataya na namatay ay babangon mula sa libingan bago ang Isanglibong Taon na paghahari ni Cristo. Ito ang unang muling pagkabuhay. Ito ay muling pagkabuhay ng matuwid sa walanghanggang buhay. Ang karamihan sa mga muling bubuhayin sa pagtatapos ng Isanglibong Taon na paghahari ay mga hindi matuwid na mga patay. Ito ang muling pagkabuhay ng hindi matuwid sa kapahamakan. Ang Biblia ay may binabanggit na iba pang pangyayari na mangyayari pagkatapos ng muling pagkabuhay na ito. Ang pangyayaring ito ay kilala bilang walanghanggang paghuhukom at ang paksang ito ay pag-aaralan sa susunod na kabanata.
Pagkatapos ng paghuhukom, ang kahihinatnan ng hindi matuwid ay dagatdagatang apoy na tinatawag ng Biblia na “pangalawang kamatayan.” Ang masama ay nakaranas na ng pisikal na kamatayan. Ngayon sila’y makakaranas ng pangalawang kamatayan na walanghanggang pagkawalay sa Dios. Ito ay espirituwal na kamatayan o “ pangalawang kamatayan.” Ang kahihinatnan ng matuwid ay walanghanggan sa presensiya ng Dios.
ANG
MENSAHE NG MULING PAGKABUHAY
Ang doktrina ng muling pagkabuhay ay katotohanang pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya. Ang mensahe ng Ebanghelyo ay hindi lamang buhay at kamatayan ni Jesu- Cristo, subalit kasama rin ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Jesus.
Ang mga apostol ay nagpahayag ng muling pagkabuhay ni Jesus at muling pagkabuhay ng mga patay:
…tinuruan nila
(ni Pedro at ni Juan) ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang
pagkabuhay na maguli sa mga patay. (
Mga Gawa 4:2)
…sapagka’t
ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli…At nang kanilang marinig ang tungkol sa
pagkabuhay na maguli, ay nanglibak ang ilan; datapuwa’t sinabi ng mga iba,
Pakikinggan ka naming muli tungkol dito. ( Mga Gawa 17: 18,32)
Inilarawan ng mga talatang ito ang dalawang magkaibang tugon ng mga tao sa mensahe ng muling pagkabuhay. Ang iba ay hindi naniwala. Ang iba naman ay nakinig sa mensahe. Ang ating responsabilidad bilang mananampalataya ay ibahagi ang mensahe ng muling pagkabuhay bilang bahagi ng Ebanghelyo. Ito ang ginawa ni Pablo:
Ngayo’y ipinatatalastas ko sa
inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo’y aking ipinangaral, na inyo namang
tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan. Sa pamamagitan naman nito’y ligtas kayo…
Sapagka’t ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin
namang tinanggap: na si Cristo ay
namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan.
At Siya’y
inilibing; at Siya’y muling binuhay nang
ikatlong araw ayon sa mga kasulatan.
At Siya’y
napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa.
Pagkatapos ay
napakita sa mahigit na limang daang kapatid napaminsan, na ang karamihan sa mga
ito’y nangabubuhay hangga ngayon, datapuwa’t ang mga iba’y nangatulog na.
Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat
ng mga apostol.
At sa
kahulihulihan… ay napakita naman Siya sa akin.
( I Corinto 15:1-8)
Ang pagpapahayag ng ebanghelyo ay hindi lubos kung wala ang doktrina ng muling pagkabuhay:
At kung si Cristo’y hindi muling
binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang
kabuluhan ang inyong pananampalataya.
Kung sa buhay
lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang
lalong kahabaghabag.
Datapuwa’t si
Cristo nga’y muling binuhay sa mga patay na Siya ay naging pangunahing bunga ng
nangatutulog.
Sapagka’t
yamang sa pamamagitan ng tao’y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan
din naman ng tao’y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
Sapagka’t kung
paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang
lahat ay bubuhayin. ( I Corinto 15: 14,
19-22)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
2. Ano ang tawag sa dalawang panghinaharap na muling pagkabuhay?
_____________________________________ at ________________________________
3. Ang ang dalawang inihayag ng Biblia tungkol sa kahihinatnan ng lahat ng kaluluwa ng tao?
________________________________________
4. Basahin ang pangungusap sa ibaba. Kung ang pangungusap ay TAMA isulat ang T sa puwang sa unahan nito. Kung ang pangungusap ay MALI, isulat ang M sa puwang sa harapan nito.
a. ______ Ang lahat ng hindi namatay ay hindi mabubuhay na muli.
b. _______ Sa oras ng pagkamatay mayroong paghihiwalay sa pagitan ng espirirtu ng mga matuwid at masama.
c. _______ Mahalaga na ipanalangin ang patay para maligtas.
d. _______ Ang kahihinatnan ng matuwid ay iba ngayon kaysa bago namatay at muling pagkabuhay ni Jesu Cristo.
e. ________ Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay mahalaga subalit hindi talagang bahagi ng mensahe ng Ebanghelyo.
5. Ano ang mga talata na naglalarawan ng dalawang tugon ng tao sa mensahe ng muling pagkabuhay?
________________________________________
(Ang tugon sa pagsusulit ay
nakasulat sa pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA
SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ang doktrina ng muling pagkabuhay ng mga patay na iyong napag-aralan at ang doktrina ng walanghanggang paghuhukom na iyong pag-aaralan sa susunod na kabanata ay may kinalaman sa panghinaharap na mangyayari. Ang panghinaharap na mangyayari ay nasabi na sa Salita ng Dios. Kahit nga hindi pa nangyayari ang mga bagay na ito, Ang Dios ay naglaan ng kaalaman sa Kanyang panghinaharap na plano sa pamamagitan ng propesiya.
Marami pang tungkol sa darating na mga pangyayari ang hindi inihayag sa Salita ng Dios. Ang mga naipahayag na ay binigyan ng ibat-bang interpretasyon ng mga nag-aaral ng Biblia. Hindi kinakailangang maunawaan ang lahat ng iba’t-ibang interpretasyon ng mga tao tungkol sa mga hula sa Biblia. Karamihan sa mga interpretasyong ito ay naka sentro sa tiyak na oras ng kaganapan ng mga mangyayari o mga detalye tungkol dito.
Ang mahalaga sa pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya ay ang kabuuang pagkaunawa kung ano ang sinasabi ng Biblia na mangyayari.
Ang mga sumusunod ay balangkas ng mga mahalagang mangyayari.
I. Ang Biblia ay nagtuturo na ang Panginoon ay babalik sa lupa para sa mga mananampalataya.
Ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod:
…Ako’y
paparoon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
At kung Ako’y pumaroon at kayo’y
maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa
Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon kayo naman ay dumoon. (Juan 14:2-3)
A. Ang Pagdagit: I Tesalonica 4:13-18 ay nagbigay ng pinaka detalyadong pahayag tungkol sa pagbabalik ni Cristo para sa mga mananamplataya. Ang pagbabalik na ito ay tinawag na pagdagit:
1. Si Cristo mismo ay magbabalik. ( talata 16)
2. Mayroong muling pagkabuhay mula sa libingan ng mga mananampalataya kapag sila ay namatay. ( talata 16)
3. Mayroong pagdagit, na ang kahulugan ay “ ang pagkuha ng tao mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.” Ang nabubuhay na mananampalataya ay kukunin mula sa lupa upang katagpuin si Crsito. ( talata 17)
4. Mayroong muling pagsasama sa pagitan ng mananampalataya na namatay na at mananampalataya na nabubuhay pa sa oras ng pagbabalik ni Cristo, na kanilang Panginoon. ( talata 17)
B. Ang Kapighatian: Ang Biblia ay nagsasabi ng nakakikilabot na panahon sa lupa na tinatawag na kapighatian.
1. Ang kapighatian ay tatagal ng 42 na buwan o 1,260 na araw ( Daniel 9:24-27).
2. Napakahirap na panahon ito. Nakaranas na ang mundo ng maraming paghihirap, subalit tatlong bagay ang magpapakita na iba ang kapighatian kay sa ibang panahon ng paghihirap.
a. Una , ito ay buong mundo, hindi lang sa isang lugar.( Apocalipsis 3:10)
b. Pangalawa, malalaman ng mga tao na ang wakas ng mundo ay malapit na. (Apocalipsis 6:16)
c. Pangatlo, ang tindi ng kaguluhan ay malawak kaysa sa mga nakaraan na naranasan na. ( Mateo 24:4-14)
3. Ang paglalarawan: May sunud-sunod na kaparusahan ng Dios sa lupa sa panahon ng kapighatian. Ito ay inilarawan sa Apocalipsis kabanata 6,8-9, at 16, at Mateo 24: 4-14
4. Ang dahilan para sa kapighatian: Ang kasamaan ng tao ay dapat parusahan, si Satanas ay talunin, at si Jesus ay kilalanin bilang Panginoon ng lahat. Ito ang kaganapan ng plano ng Dios na sinabi sa Efeso 1:8-9.
C. Ang Oras ng Pagdagit:
Ang ibang tao ay naniniwala na ang pagdagit ay mangyayari bago ang kapihatian at ang mananampalataya ay hindi makararanas ng kahit anong kakila-kilabot na pangyayari sa lupa. Ang ilan naman ay naniniwala na ang pagdagit ay mangyayari sa kalagitnaan ng kapighatian. At ang iba pa ay naniniwala na ang pagdagit ay mangyayari sa pagtatapos ng kapighatian.
Ang pinaka-karaniwang interpretasyon ay ang pagdagit ng mananampalataya ay mangyayari bago magsimula ang kapihatian. Ang iba’t ibang pananaw ng oras ng pagdagit ay resulta ng iba’t ibang interpretasyon ng mga impormasyon ng hula na ibinigay sa Biblia. Ang mahalaga ay malaman na ang tunay na mananampalataya ay maging handa na sumama kay Jesus sa pagdagit kapag ito ay nangyari.
D. Ang “ Millenium:”
Ang “Millenium” ay 1,000 taon pagkatapos ng kapighatian kung saan si Jesus ay maghahari na may katuwiran sa lupa ( Zechariah 14:9; Daniel 7:14). Ang siyudad ng Jerusalem ang magiging sentro ng pamamahala ( Isaiah 2:3). Ang panahon na ito ay magtatapos kapag si Satanas ay naglunsad ng huling paghihimagsik laban sa Dios
( Apocalipsis 20:7-9). Ang Dios ay magpapadala ng apoy mula sa langit at tatapusin ang lahat ng oposisyon. Si Satanas ay itatapon sa dagatdagatang apoy na walanghanggan
( Apocalipsis 20:10).
E. Paghuhukom:
Ang lahat ng nilalang ay hahatulan ng Dios. Ito ay kilala bilang panahon ng walanghanggang paghuhukom. Ito ang huli sa pundasyon ng prinsipyo ng Hebreo 6:1-3 at tatalakayin sa susunod na kabanata . Ang mga namatay na hindi mananampalataya ay muling bubuhyain upang humarap sa paghuhukom. Dahil sila ay hindi nagsisi sa kasalanan at hindi tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas sila ay hinatulan ng walanghanggang kaparusahan sa impiyerno ( Apocalipsis 20:12-15). Ang tunay na mananampalataya na nagsisi sa kasalanan at tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas ay walanghanggang mananatili sa Langit sa presensiya ng Dios ( Apocalipsis 21).
IKA-SAMPUNG KABANATA
WALANG-HANGGANG PAGHUHUKOM
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang :
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng salitang “ paghuhukom.”
· Ipaliwanag kung bakit kinakailangan ang paghuhukom.
· Kilalanin kung sino ang maghahatol sa huling paghuhukom.
· Kilalanin kung sino ang hahatulan sa huling paghuhukom.
· Ipaliwanag ang prinsipyo na umiiral sa huling paghuhukom.
SUSING TALATA:
Sapagka’t ang Panginoon ay ating
hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, ang Panginoon ay ating
Hari. ( Isaias 33:22)
PAMBUNGAD
Ang walang-hanggang paghuhukom ang huli sa anim na pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya.
Sa Lumang Tipan ang salitang “ paghuhukom” ay ginagamit sa dalawang kaparaanan. Ang isa ay tumutukoy sa mga batas, mga patotoo, at mga kautusan ng Dios. Ang isa ay tumutukoy sa paghuhukom ng Dios sa mga tao at mga nasyon. Ang huling kahulugan ng “ paghuhukom” ang siyang ginamit sa Bagong Tipan. Ito ang kahulugang ginamit sa kabanatang ito.
KATUTURAN
Ang ibig sabihin ng “paghuhukom” ay ihiwalay o pagpasyahan ang pagkakaiba. Kasama rito ang dalhin sa paglilitis, suriin ang ebidensiya, tiyakin ang kasalanan o kawalan ng kasalanan, at mag-desisyon sa kabayaran ng kasalanan. Ang walang-hanggang paghuhukom ay ang pinaka- mabigat at huling paghuhukom na sinabi sa Biblia na magpapasya ng walang-hanggang hantungan ng lahat ng mga kaluluwa.
ANG
MGA HUKOM
ANG DIOS ANG
HUKOM:
Sapagka’t ang Panginoon ay ating
hukom… (Isaias 33:22)
…at sa Dios na Hukom ng lahat. ( Hebreo 12:23)
Hahatulan ng Dios ang makasalanang asal ng tao. Ang tunay na naisin ng Dios ay hindi paghatol kundi ang lahat ng tao ay makakilala kay Jesu-Cristo:
Sapagka’t hindi sinugo ng Dios
ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang
sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.
(Juan 3:17)
Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa Kaniyang pangako, na
gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba;
kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi Niya ibig na sinoman ay mapahamak,
kundi ang lahat ay magsipagsisi. ( II Pedro 3:9)
Nais ng Dios na ang lahat ng tao sa lahat ng dako ay magsisi. Kung hindi sila magsisisi sa kanilang kasalanan makararanas sila ng Kanyang paghuhukom:
Ang mga panahon ng kahangalan ay
pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos Niya sa mga tao na
mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako.
Sapagka’t
Siya’y nagtakda ng isang araw na Kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa
katuwiran…( Mga Gawa 17:30-31)
JESU-CRISTO:
Binigyan ng Dios Si Jesus ng kapangyarihang maghatol:
…ipinagkaloob niya sa Anak
ang boong paghatol.
At
binigyan Niya Siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t Siya’y anak ng tao. (
Juan 5:22,27 )
MGA BANAL:
Sa huling paghuhukom ang tunay na mananampalataya ay tutulong na maghatol sa mundo:
O hindi baga ninyo nalalaman na
ang mga banal ay masisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay
hahatulan ninyo hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na
pinakamaliit?
Hindi
baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel?…
( I Corinto 6:2-3)
Ang ibig sabihin ng salitang “banal” sa talatang ito ay ang lahat ng tunay na mananampalataya. Tutulong sila na maghukom sa “mundo” ( ang mga hindi matuwid).
ANG PAMANTAYAN NG
PAGHUHUKOM:
Ang pamantayan kung saan tayong lahat ay hahatulan ay ang Salita ng Dios.:
At kung ang sinomang tao’y
nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya
hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi
upang iligtas ang sanglibutan.
Ang
nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong
isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y
hahatol sa huling araw. ( Juan 12:
47-48)
Hindi sa mga pamantayan, doktrina, o tradisyon ng tao tayo hahatulan. Hindi nakabatay sa organisasyon o batas ng denominasyon. Ang pamantayan kung saan tayo hahatulan ay ang matibay na pamantayan ng Salita ng Dios:
Magpakailan man, Oh Panginoon, Ang iyong salita ay natatag sa langit.
( Mga Awit 119: 89)
ANG
DAHILAN NG PAGHUHUKOM
Ipinahayag ng Biblia na kinakailangan ang paghuhukom dahil sa paglabag sa utos ng Dios, mga hindi makadios, kawalan ng katuwiran, kawalan ng pananampalataya, pagsuway, at masasamang mga gawa. Kahit ang lahat ng ito ay iba’t-ibang salita, ang mga ito ay kumakatawan sa kasalanan:
PAGLABAG SA UTOS
NG DIOS:
Sapagka’t… ang lahat na nangagkasala
sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan. (Roma 2:12)
HINDI MAKADIOS:
Nguni’t ang sangkalangitan ngayon,
at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy,
na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama. ( II
Pedro 3:7)
Upang isagawa ang paghuhukom sa
lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang
masasama na kanilang ginawang may kasamaan,
at sa lahat ng mga bagay na
mabibigat na sinalita laban sa Kaniya ng mga makasalanang masasama. ( Judas 15)
KAWALAN NG
KATUWIRAN:
Ang Panginoon ay marunong magligtas
ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan
hanggang sa araw ng paghuhukom. ( II
Pedro 2:9)
KAWALAN NG
PANANAMPALATAYA:
Ang sumasampalataya sa Kaniya ay
hindi hinahatulan; ang hindi
sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan
ng bugtong na Anak ng Dios. (Juan 3:18)
PAGSUWAY:
Kaya kung paaanong sa pamamagitan ng
isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa… ( Roma 5:18 )
MASASAMANG MGA
GAWA:
At ito ang kahatulan, na naparito
ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa
ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang
mga gawa. (Juan 3:19)
ANG
PRINSIPYO NG BANAL NA PAGHUHUKOM:
Ang prinsipyo ng mundo sa paghuhukom ay naiiba sa bawat nasyon. Ang pamantayan ay maaring maiba mula sa bawat estado sa loob ng nasyon at sa bawat siyudad . Ang prinsipyo sa mundo ng paghuhukom at pagpaparusa ay iba’t-iba, depende sa kanilang pagkaunawa at kultura. Ang parehong kilos ay may interpretasyon na mali sa isang kultura subalit maaring katanggap-tanggap sa iba. Halimbawa, ang pagpatay ng baka sa America ay may ibang pananaw sapagkat ito ay ginagamit na karne, di tulad sa India kung saan ang baka ay itinuturing na sagrado ng marami.
Ang paghatol ng tao ay nag-iiba dahil sa pamantayan kung saan sila naghahatol. Subalit ang prinsipyo ng Dios sa paghuhukom ay hindi nagbabago. Ang Dios ay naghahatol…
BATAY SA SALITA NG
DIOS:
Ang batas at prinsipyo ng paghuhukom ng Dios ay matatag sa Kaniyang Salita:
Magpakailan man, Oh Panginoon,
Ang iyong salita ay natatag sa langit.
( Mga Awit 119: 89)
NAAYON SA
KAALAMAN:
Ang tao at nasyon ay hahatulan ayon sa kaalaman ng Dios na ibinigay sa kanila. Sinabi ni Jesus na ang iba ay hahatulan nang mas matindi kaysa sa siyudad ng Sodom, Gomorra, Nineve, Tiro, at Sidon. Ito ang mga siyudad na masama na nabanggit sa Lumang Tipan na hinatulan ng Dios at pinarusahan.
Ang dahilan kung bakit ipinahayag ni Jesus na mas matindi ang kahatulan sa ibang siyudad sa Bagong Tipan ay dahil ang mga siyudad na ito ay mas maraming kaalaman tungkol sa Dios. Si Jesus mismo ang nag ministeryo sa mga siyudad na ito at gumawa ng makapangyarihang mga gawa ng pagpapagaling at pagpapalaya. Gayun pa man, ang mga tao sa siyudad na ito ay hindi nagsisi. Nagbabala si Jesus:
Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Bethsaida! Sapagka’t kung sa Tiro at sa Sidon sana
ginawa ang mga gawang makapangyarihan na ginawa sa inyo, malaon na dising nangagsisi na may mga damit
na magaspang at abo.
Ngunit’t
sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon sa araw ng
paghuhukom, kay sa inyo.
At
ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? Ibababa
ka hanggang sa Hades: sapagka’t
kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo’y ginawa, ay
nanatili sana siya hanggang sa araw na ito.
Datapuwa’t
sinasabi ko sa inyo na higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma sa araw
ng paghuhukom, kay sa iyo. (Mateo
11:21-24)
Magsisitayo sa paghuhukom ang mga
tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito’y hahatulan: sapagka’t sila’y nagsipagsisi sa pangangaral
ni Jonas; at narito, dito’y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas. (Mateo 12:41)
Pangkalahatang nagbigay ng pahayag ang Dios sa lahat ng tao sa pamamagitan ng sangnilikha:
Sapagka’t ang mga bagay niyang
hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag,
sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa Niya, maging ang walang
hanggan Niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila’y walang madahilan: ( Roma 1:20)
Ang pangkalahatang pagkaunawa sa Dios na ibinigay sa lahat ng tao sa pamamagitan ng sangnilikha ang batayan ng pamantayan kung saan ang tao ay hahatulan. Ang mga nakatanggap ng karagdagang pahayag sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Dios ay hahatulan mula sa mas mataas na pamantayan ng kaalaman.
ISA-ISA:
Isa-isa hahatulan ang bawat tao:
Ang kaluluwa na nagkakasala,
mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas
ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at
ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
( Ezekiel 18:20)
Ang paghahatol sa walang hanggang hantungan ay hindi sa mga pangkat gagawin Ito ay isa-isa.
SANG-AYON SA
KATOTOHANAN:
Isinulat ni Pablo:
At nalalaman natin na ang hatol
ng Dios ay ayon sa katotohanan…
( Roma
2:2)
BATAY SA PERSONAL
NA PAG-UUGALI:
Ang bawat isa sa atin ay tatayo sa paghuhukom ni Cristo at hahatulan ayon sa mga ginawa natin. Ayon sa Biblia ang paghuhukom na ito ay ayon sa mga “ gawa”:
Sapagka’t tayong lahat ay
kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap
ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa
sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama.
( II Corinto 5:10)
…Siya ang magbibigay sa bawat tao
ayon sa kaniyang mga gawa. (Roma 2:6)
… Na Ama…na humahatol ayon sa gawa
ng bawat isa. ( I Pedro 1:17)
…at ang mga patay ay hinatulan ayon
sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. (
Apocalipsis 20:12)
Ang talaan ng Dios ng mga “gawa” ng tao ay nasasakop hindi lamang ang kanyang mga ginawa kundi pati ang mga iniisip at mga motibo. Ang Dios ay nakatingin sa puso, hindi lang sa panglabas na kaanyuan ( I Samuel 16:7)
WALANG
KINIKILINGAN:
Ang walang-hanggan na paghuhukom ay walang kinikilingan. Ang ibig sabihin nito walang espesyal na pabor. Hindi hahatulan ang tao ayon sa kanilang kayamanan, posisyon sa lipunan, kabansaan, o edukasyon.
…Na Ama… Siyang walang
itinatanging tao. ( I Pedro 1:17)
Ang ibig
sabihin ng may kinikilingan ay, makulayan ang paghatol sa isang tao dahil sa
anyo, relasyon , posisyon, kayamanan, at iba pa.
Ang paghuhukom ng Dios ay hindi naaapektuhan ng mga bagay na ito:
…Sapagka’t hindi tumitingin ang
Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagkat ang tao ay tumitingin sa mukha,
ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso. (I Samuel 16:7)
AYON SA BATAS:
…At ang lahat na nangagkasala sa
ilalim ng kauutusan ay sa kautusan din sila hahatulan.( Roma 2:12)
AYON SA KATUWIRAN:
At hahatulan niya sa katuwiran ang
sanglibutan, Siya’y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao. ( Mga
Awit 9:8)
…Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng Kaniyang katotohanan ang mga bayan.( Mga Awit 96:13)
…Sapagkat Siya’y nagtakda ng
isang araw na Kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran. ( Mga Gawa
17:31)
…Tapat na paghuhukom ng Diyos. (
Roma 2:5)
Buhat ngayon ay natataan sa akin ang
putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw
na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng naghahangad sa
kaniyang pagpapakita.
( II Timoteo 4:8)
AYON SA MGA MOTIBO
AT PAG-IISIP:
Kaya nga huwag muna kayong
magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na Siya ang
maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga
haka ng mga puso.
( I Corinto 4:5)
Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga
lihim ng mga tao ayon sa aking ebanghelyo.
( Roma 2:16)
ANG
ORAS NG PAGHUHUKOM
Ipinakita ng Biblia ang nakaraan, pangkasalukuyan at panghinaharap na paghuhukom:
NAKARAANG PAGHUHUKOM:
Ang Biblia ay salaysay ng nakaraang paghuhukom ng Dios. Mula sa panahon ni Adam at Eva natala ang paghuhukom ng Dios sa nasyon at sa bawat isa.
Natala sa Biblia ang dalawang espesyal na paghuhukom na mahalaga sa mga mananampalataya. Ito ang paghuhukom kay Satanas at sa mundo. Ang Dios ay nagpasya na ng hatol at kabayaran sa dalawang ito.
Satanas at ang
Kanyang Mga Anghel:
Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus Cristo, ang Dios ay nagpasya na ng huling hatol kay Satanas:
…Sapagkat ang prinsipe ng
sanglibutang ito [si Satanas] ay hinatulan na.
( Juan 16:11)
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa
mga kapangyarihan sila’y mga inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na
nagtatagumpay Siya sa kanila sa mga bagay na ito (Colosas 2:15)
Si Satanas ay hinatulan na ng Dios. Siya ay limitado sa kaniyang gagawin hanggang sa siya ay itapon sa dagat-dagatang apoy sa pagwawakas ng mundo, subalit siya ay nahatulan na na maysala. Ang mga anghel ni Satanas na umalis sa kanilang orihinal na posisyon sa Langit bilang anghel ng Dios at sumama sa rebelyon, ay nahatulan na rin:
At
ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan
and kanilang sariling tahanan, ay iniingatan Niya sa mga tanikalang walang
hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. (Judas
1:6)
-
Ang Mundo:
Sinabi ni Jesus:
Ngayon and paghahatol sa sanglibutang ito…
(Juan 12:31)
Dahil ito ay nasira sa presensiya ng kasalanan, ang pisikal na mundo ay nahatulan na ng paghuhukom ng Dios. Sinasabi ng Biblia na ang mundo ay sisirain ng apoy:
Datapwa’t darating and araw ng Panginoon na
gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na
kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa
matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. (II Pedro 3:10)
PANGKASALUKUYANG PAGHUHUKOM:
May pangkasalukuyang paghuhukom na nagpapatuloy. Ang lahat ng tao sa kasalukuyan ay nahusgahan na bilang makasalanan o makatuwiran sa harapan ng Dios. Ang kasalukuyang paghuhukom ay naka batay sa kung tinanggap o hindi tinanggap Si Jesu Cristo bilang Tagapagligtas:
Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi
sumasampalataya ay hinatulan na, sapagkat hindi siya sumampalataya sa pangalan
ng bugtong na Anak ng Dios. (Juan 3:18)
Ang pangkasalukukyan na paghuhukom ng Dios sa mga hindi mananampalataya ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng poot ng Dios dahil sa pag-antala nila sa katotohanan:
Sapagkat ang poot ng Dios ay nahahayag mula
sa langit laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata
and katotohanan… (Roma 1:18 )
Ang kasalukuyang paghuhukom ng Dios sa mga mananampalataya ay sa pag-ibig. Kanyang silang sinasawata kapag sila ay gumawa ng mali:
…Anak ko, huwag mong waling bahala and parusa
ng Panginoon, o manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan Niya;
Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang Kaniyang iniibig…
Datapuwa’t kung kayo’y hindi pinarurusahan, na pawang naranasan ng
lahat, kung gayo’y mga anak sa ligaw kayo, at hindi tunay na anak.
(Hebreo 12: 5,6,8)
Kung paano iwinawasto ng natural na ama ang kanyang anak, ang Dios ay hinuhusgahan ang pag-uugali ng Kanyang mga anak. Kung sila ay nagkasala, pinarurusahan sila ng Dios sa pamamagitan ng pag-ibig kung paano ang ginagawa ng isang ama. Ang parusa (pagtutuwid) ng Dios sa Kanyang mga anak ay para sa tiyak na hangarin:
Lahat
ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot; gayon
ma’y pagkatapos ay mamumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay
sa pamamagitan nito. (Hebreo 12:11)
PANGHINAHARAP NA
PAGHUHUKOM:
Ang panghinaharap na paghuhukom ang sinasabi ni Pablo sa Hebreo 6 nang sinabi niya ang
“ walang hanggang paghuhukom.” Ang walang-hanggang paghuhukom ay mangyayari pagkatapos ng kamatayan:
At
kung paanong ititinakda sa mga tao ang mamatay minsan, at pagkatapos nito ay
ang paghuhukom. (Hebreo 9:27)
Katulad ng iyong natutunan sa nakaraang aralin, pagkatapos na ang tao ay mamatay malalaman kaagad kung siya ay tutungo o hindi sa kinaroroonan ng Dios. Ang kahihinatnan ng matuwid at hindi matuwid ay magkaiba pagkatapos ng kamatayan. Subalit ang huling paghuhukom ay nagpapatunay ng kanilang walang-hanggang hantungan ay mangyayari pagkatapos ng wakas ng mundo at ng muling pagkabuhay:
Ipinagbilin ko sa iyo sa paningin ng Dios at ni Cristo Jesus, na Siyang
huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng Kaniyang pagpapakita at
sa Kaniyang Kaharian. (II Timoteo 4:1)
...Narito, dumating ang Panginoon,
na kasama ang Kaniyang mga laksa-laksang banal, upang isagawa ang paghuhukom sa
lahat... (Judas 14,15)
ANG
LOKASYON NG HULING PAGHUHUKOM;
Mayroong tatlong lokasyon ang pangyayarihan ng huling paghuhukom:
ANG HUKUMAN NI
CRISTO:
Ang hahatulan dito ay ang lahat ng tunay na mananampalataya:
...Sapagkat tayong lahat ay tatayo sa
harapan ng hukuman ng Dios.
(Roma 14:10)
Sapagkat
tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo...(I
Corinto 5:10)
ANG TRONO NG
KALUWALHATIAN NIYA:
Ang pangalawang lugar ng paghuhukom ay tinatawag na “ ang trono ng kaluwalhatian ni Cristo.” Ang mga hahatulan dito ay ang mga nanatili sa lupa sa panahon ng kapighatian. Ang mga matuwid ay muling nabuhay at hinatulan bago si Jesus magtatag ng “Millennial” na Kaharian sa lupa.
At nakakita ako ng mga luklukan at may mga
nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol; at nakita ko ang
mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa
salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, sa kaniyang larawan man, at
hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y
nabuhay , at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libogn taon.
Ang
mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong
taon. (Apocalipsis 20:4-5a
ANG MALAKING
LUKLUKANG MAPUTI:
Ang huling lugar ng paghuhukom ay tinawag na “malaking luklukang maputi.” Hinatulan dito ang mga nanatiling patay na muling bubuhayin sa pagtatapos ng Millennium. ( Ito ang pangalawang muling pagkabuhay, na tinawag na muling pagkabuhay ng hindi matuwid.)
Ang hukuman ng Malaking Luklukang Maputi ay nakatala sa Apocalipsis 20: 11-15. Ang hindi matuwid ay hahatulan at dahil sa kanilang kasalanan ay itatapon sa dagat-dagatang apoy kasama ni Satanas at ang kanyang mga anghel.
WALANG-HANGGANG PAGHUHUKOM
Mayroon lamang dalawang uri ng tao na lilitisin sa huling paghuhukom: Manamapalataya at hindi mananampalataya.
MANANAMPALATAYA:
Ang mananampalataya ay hahatulan ayon sa kanilang mga gawa at gagantimpalaan ng nararapat.
Kaya nga ang bawat isa sa atin ay
magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili. (Roma 14:12)
Sapagkat
tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang
tumanggap ang bawat isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon
sa ginawa niya maging mabuti o masama.
(II
Corinto 5:10)
Ang manamapalataya ay hahatulan kung paano siya nagtayo ng kanyang buhay ayon sa pundasyon ng Salita ng Dios:
Datapwat kung ang sinoma’y magtatayo sa
ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto , pilak, mga mahalagang bato, kahoy,
tuyong dayami;
Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag;
sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy ihahayag;
at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon.
Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na
kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya’y tatanggap ng kagantihan.
Kung ang gawa ng sinoman ay masunog ay
malulugi siya; ngunit siya sa kaniyang sarili ay maliligtas... (I Corinto 3:12-15)
Sa natural na mundo, ang kahoy, dayami, at pinaggapasan ay nakikitang tumutubo sa ibabaw ng lupa. Madaling masunog ang mga ito. Ang mga ito ang halimbawa na ginawa ng mga mananampalataya na nakikita ng tao. Ang mga motibo sa paggawa nito ay mali.
Ang ginto at pilak ay hindi nasisira ng apoy. Sa natural na mundo, ang materyal na ito ay nabubuo sa ilalim ng lupa na hindi nakikita ng tao. Ito ang mga halimbawa ng mga gawa na ginawa sa tamang motibo, hindi ginawa para lang makita at papurihan ng tao. Ito ang mga gawa na mahalaga sa Kaharian ng Dios dahil ginawa sa tamang motibo.
Ang gawa ng tunay na mananampalataya ay hahatulan ayon sa pagsunod. Ang talinhaga ng mga talento na nasa Mateo 25 at ang talinhaga na makikita sa Lucas 19 ay sinabi ni Jesus upang ilarawan ang katotohanan na ito.
Sa parehong talinhaga, ang mga alipin ay hinusgahan ayon sa kanilang ginawa sa mga ibinigay sa kanila. Sila ay pinagbilinan na mamuhunan para sa kanilang Panginoon. Ang mga alipin na hindi masunurin ay hinatulang hindi tapat.
Katulad ng talinhagang ito, binigyan tayo ng ating Panginoon ng responsabilidad. Ito ay ang Dakilang Utos:
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismohan sa
pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: (Mateo 28:19-20)
Dapat nating kunin ang ibinigay ng Dios sa atin, ang mensahe ng Ebanghelyo, at ipangalat sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba sa buong mundo. Sa ating pagsunod ng utos na ito, tayo ay namumuhunan kung ano ang ibinigay ng Dios, at pinararami ito.
Ang ibang mananampalataya ay mayroong mas higit na responsabilidad kaysa sa iba sa utos na ito. Ang iba ay tinawag bilang pastor, evangelista, mga guro, at iba pa. Subalit ang bawat born-again na mananampalataya ay mayroong responsabilidad sa pag-abot sa mga tao ng Ebanghelyo.
Ang mananampalataya ay hahatulan ayon sa kanilang katapatan sa katungkulang ibinigay sa kanila:
Bukod dito’y kinakailangan sa mga katiwala
na ang bawat isa ay maging tapat. (I
Corinto 4:2)
Ang mananampalataya ay hindi hahatulan ayon sa kakayahan, edukasyon, o espirituwal na kaloob. Sila ay hahatulan ayon sa kanilang pagsunod at katapatan kung ano ang ibinigay ng Dios sa kanila na gawin. Ang paghuhukom sa tunay na mananampalataya ay hindi pagsumpa. Dahil ang tunay na mananampalataya ay hindi maaring sumpain sa walang hanggang kaparusahan. Sa pamamagitan ng pagtanggap kay Cristo , siya ay nakaiwas mula sa espirituwal na kamatayan tungo sa walang-hanggang buhay:
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
inyo, ang dumirinig ng Aking salita, at sumasampalataya sa Kaniya na nagsugo sa
Akin ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi
lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. (Juan 5:24)
Ang tunay na mananampalataya ay nagsisi mula sa kasalanan at nagpakita ng pananampalataya sa Dios sa pamamagitan ng pagtanggap Kay Jesu Cristo bilang personal na Tagapagligtas. Siya ay nabuhay na bagong nilalang Kay Cristo Jesus. Ito ay sinangayunan ni Pablo:
Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga
na kay Cristo Jesus.
(Roma 8:1)
Ang sinoman na lumapit kay Jesus ang talaan ng kanyang nakaraan na kasalanan ay pinawi na ng Dios. Kapag ang mananampalataya ay nagkasala, kailangan lang niya na magsisi at aminin ang kanyang kasalanan at papawiin ito ng Dios sa talaan:
Kung
ipinahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y
patatawarin sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (I Juan 1:9)
ANG HINDI
MANANAMPALATAYA
Ang hindi matuwid ay hahatulan at parurusahan sa kasalanan. Ang Dios ay may talaan na tinatawag na “aklat ng buhay” kung saan nakalista ang mga nagsisi, at tumanggap kay Jesu- Cristo, at tunay na naging mananampalataya. Ang mga hindi tumanggap sa Kanya ay huhusgahan sa kasalanan at hahatulan sa walang-hanggang kaparusahan. Ang kanilang pangalan ay wala sa aklat ng buhay:
At kung sinoman ay hindi nasumpungang
nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Apocalipsis 20:15)
Mahalagang maunawaan na dapat kang mabuhay na bagong nilalang kay Jesus pagkatapos ng pagkahikayat. Posible na maligtas at dahil sa patuloy na pagkakasala ay mag “ backslide” sa lumang buhay. Sinasangayunan ng Biblia na posible na maisulat ang iyong pangalan sa aklat ng buhay subalit maaarin ding alisin dahil sa kasalanan:
At sinabi ng Panginoon kay Moises, ang
magkasala laban sa akin ay Siya kong aalisin sa aking aklat. (Exodo 32:33)
Kaya ang matututong mamuhay nang banal ay mahalaga.( Ating tatalakayin ito sa huling kabanata ng pagbabanal). Sa pamamagitan ng paglaban sa kasalanan sa iyong buhay, makaaasa ka na hindi aalisin ng Dios ang iyong pangalan sa aklat ng buhay:
Ang matagumpay ay daramtang gayon ng mga
mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa ano mang paraan ang kaniyang pangalan
sa aklat ng buhay... (Apocalipsis 3:5)
ANG
KAHIHINATNAN NG MGA MATUWID
Ang matuwid ay nakatalaga na sa walang-hanggang buhay sa piling ng Dios. Ang presensiya ng Dios ay tinatawag na Langit. Sa Biblia ito ay inilarawan sa iba’t ibang pangalan:
ANG TAHANAN NG
AMA:
Inilarawan ito ni Jesus na sa bahay ng Kanyang Ama, lugar ng tahanan, katahimikan, at pakikisama:
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan;
kung di gayon ay sinabi ko sana sa inyo; sapagkat ako’y paroroon upang
ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. (Juan
14:2)
ANG LANGIT NA
BANSA
Inihalintulad ng Biblia ang Langit sa isang bansa na kung saan tayo ay naglalakbay katulad ng Israel na naglakbay sa Lupang Pangako:
Ngunit ngayon ay nagnanasa sila ng lalong
magaling na lupain, sa makatuwid bagay ang sa langit; kaya hindi sila
ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagkat Kaniyang ipinaghanda sila
ng isang bayan. (Hebreo 11:16)
ISANG SIYUDAD
Ang Langit ay inihalintulad sa isang siyudad:
At nakita ko ang bayang banal, ang bagong
Jerusalem, na nanaog mula sa langit
buhat sa Diyos... (Apocalipsis
21:2)
Ipinahayag ng Biblia ang ilan sa magagandang bagay tungkol sa Langit. Ito ay lugar ng :
KABANALAN:
At
hindi papasok doon sa ano mang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o
siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan; kundi yaon lamang na
mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero. (Apocalipsis 21:27)
KAGALAKAN:
At
papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng
kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati o ng pananambitan man o ng
hirap pa man; ang mga bagay nang una ay naparam na. (Apocalipsis 21:4)
KAGANDAHAN:
At ang malaking bahagi ng kuta niya
ay jaspe; at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.
(Apocalipsis 21:18)
PAGLILINGKOD:
Kaya’t sila’y nasa harapan ng luklukan
ng Dios; at nangaglilingkod sa Kaniya araw at gabi sa Kaniyang templo; at
siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng Kaniyang tabernakulo.
(Apocalipsis 7:15)
NAGHAHARI KASAMA
NI CRISTO:
Ipinangako ni Jesus…
Ang
magtagumpay ay Aking pagkakaloobang umupong kasama Ko sa Aking luklukan, gaya
Ko naman sa nagtagumpay at umupong kasama ng Aking Ama sa Kaniyang luklukan. (Apocalipsis 3:21)
PAGSAMBA:
Nakatala sa Biblia na ang mga nasa Langit…
...nangagpatirapa
at nangagsisamba. (Apocalipsis 5:14)
LIWANAG AT
KALUWALHATIAN:
At ang bayan ay hindi
nangangailangan ng araw o buwan man upang lumiwanag sa Kaniya; sapagkat
naliliwanagan ng kaluwalhatian ng Dios at ang ilaw doon ay ang Cordero.
(Apocalipsis 21:23)
ANG LUGAR NG
BAGONG PANANAW:
Kapag tayo’y nasa Langit na, magbibigay ito ng bagong pananaw sa lahat ng bagay:
Sapagkat narito, Ako’y lumilikha ng
mga bagong langit at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala
o mapapasa isip man.
(Isaias 65:17)
ANG TAHANAN NG
DIOS:
At narinig ko ang isang malakas na
tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay
nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya,
at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila. (Apocalipsis 21:3)
ANG
WALANG-HANGGANG HANTUNGAN NG MGA HINDI MATUWID
Ang Impiyerno ang walang-hanggang hantungan ng masasama. Ang impiyerno ay lugar ng:
MATINDING
PAGDURUSA:
At ang diablo na dumaya sa kanila ay
ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at
ng bulaang propeta; at sila’y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
(Apocalipsis 20:10)
ALAALA AT
PAGSISISI:
At sa Hades na nasa mga pagdurusa,
ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si
Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan...
Datapuwat
sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting
bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang
bagay: datapuwat ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
(Lucas 16: 23,25)
WALANG KASIYAHANG
PAGNANASA:
At siya’y sumigaw at sinabi, Amang
Abraham, maawa ka sa akin at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig
ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagkat naghihirap
ako sa alab na ito.
(Lucas 16:24)
PAGHAMAK:
At marami sa kanila nanangatutulog
sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay at ang
iba’y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak. (Daniel 12:2)
NAPAKASAMANG
KASAMAHAN:
Ngunit sa mga duwag, at sa mga hindi
mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga
mapakiapid at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa
lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagat-dagatang nagniningas
sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. (Apocalipsis 21:8)
KAWALAN NG
PAG-ASA:
Pagka ang masamang tao ay namatay,
ang kaniyang pag-asa ay mapapasa- pagkapahamak; at ang pag-asa ng masama ay
nawawala. (Kawikaan 11:7)
WALANG-HANGGANG
KAPARUSAHAN:
Ang impiyerno ay orihinal na inihanda para kay Satanas at sa kanyang mga anghel. Dahil sa kasalanan, ang tao ay itinalaga rin sa impiyernong walang-hanggan maliban na siya ay tubusin ni Jesu Cristo:
Kung
magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga kaliwa, magsilayo kayo sa Akin, kayong
mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa
kaniyang mga anghel. (Mateo 25:41)
Ang kaparusahan sa mga masasama ay walang-hanggan. Parehong salita ang ginamit para sa walang-hanggang buhay sa Biblia ( Juan 3:15) at ang walang-hanggang Dios ( I Timoteo 1:17) ay ginamit upang ilarawan ang walang-hanggang paghuhukom (Hebreo 6:2). Kung ang isa rito ay pansamantala, kung magkagayon ang iba ay pansamanatala rin.
Kung ang Dios ay walang-katapusan at ang walang-hanggang buhay ay walang katapusan, ganoon din ang kaparusahan sa impiyerno. Hindi nagpapadala ang Dios ng tao sa impiyerno. Pinili ng tao na pumunta roon sa pamamagitan ng pagtanggi kay Jesu Cristo at mabuhay sa kasalanan. Ang Dios ay naglaan ng daan para makatakas mula sa walang-hanggang kaparusahan sa pamamagitan ng plano ng kaligtasan. Hindi Niya kagustuhan na ang tao ay mapahamak.
PAANO
TAYO DAPAT MABUHAY?
Paano ang doktrina ng walang-hanggang paghuhukom ay makaaapekto sa buhay ng mananampalataya?
Sa pagsusulat ng aralin tungkol sa panghinaharap na paghuhukom, sinagot ni Apostol Pedro ang tanong na ito:
Yamang
ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga
pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain...
Kaya
nga, mga minamahal, yamang kayo’y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay
pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang
kapintasan sa paningin Niya. (II Pedro
3:11,14)
Ang pagkaunawa sa walang-hanggan na paghuhukom ay dapat na magdulot ng espirituwal na paglago sa buhay ng mananampalataya.
Ang aralin sa Paglago ng Kristiyano, na tinatawag ni Pablo na “ mangagpatuloy sa kasakdalan,” ay aralin sa susunod na kabanata.
PANSARILING PAG-SUSULIT
1. Sa anong dalawang kaparaanan ginamit ang salitang “paghuhukom” sa Lumang Tipan?
_________________________________ _________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “ humatol”?
________________________________________
3. Bakit kinakailangan ang paghuhukom?
________________________________________
4. Sino ang maghahatol sa panahon ng walang-hangang paghuhukom?
________________________________________
5. Sino ang huhukoman? ________________________________________
6. Ano ang prinsipyo na iiral sa oras ng paghuhukom ?
________________________________________________________________________________
7. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
8. Kung ang pangungusap ay TAMA isulat ang T sa puwang sa unahan nito. Kung ang pangungusap ay MALI isulat ang M sa puwang sa unahan nito.
a. _______Mayroong paghuhukom na nangyayari sa lahat ng panahon.
b. _______Mayroon paghuhukom na nakalaan para sa espesyal na panahon sa panghinaharap.
c. _______Hindi sinasabi ng Biblia kung saan mangyayari ang hinaharap na paghuhukom.
( Ang sagot sa pagsusulita ay nakatala sa pagtatapos ng huling kabanata
ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Iniharap ng kabanatang ito ang aralin tungkol sa paghuhukom kung paano ito itinuro sa Biblia. Upang mapalawak ang kaalaman sa aralin na ito ipagpatuloy ang pag-aaral ng paghuhukom sa pamamagitan ng pag-gamit ng sumusunod na balangkas:
ANG
PAGHUHUKOM AY KATANGIAN NG DIOS:
Mga Awit 89:14; 97:2; 99:1-5; Isaias 28:5-6; 30:18; 61:8; Daniel 4:37
ANG
PAGHUHUKOMAY KATANGIAN NI JESUS
Mga Awit 72:2; Isaias 9:7; 11:1-5; Juan 5:30; 8:15-16, 26
LAYUNIN
NG PAGHUHUKOM NG DIOS
Magbigay ng buhay: Levitico 18:4-5; Nehemias 9:29; Mga Awit 119:149,156
Tubusin ang Kanyang mga tao: Exodo 6:6; 7:4; Isaias 1:27
Magtatag: I Chronica 28:7; Mga Awit 37:28; Kawikaan 2:8; Zefanias 2:3
Magtuwid: Mga Awit 119:75; Jeremias 10:24; Habakkuk 1:12
Tumulong sa Kanyang bayan: Mga Awit 76:8-9; 119:175
MGA
PAGPAPALA NG PAGHUHUKOM NG DIOS
Kaaliwan: Mga Awit 119:52
Gantimpala: Mga Awit 58:11
Pagtuturo at katuwiran: Isaias 26:8-9
KABAYARAN
SA HINDI PAGTUGON SA KANYANG PAGHUHUKOM
Ito ay nakatala sa Ezekiel 5:6-17; 11:11-12; 14:21; Malakias 2:1-4; 3:1-6
ANG
LIKAS NG PAGHUHUKOM NG DIOS
Makatuwiran: Deuteronomio 4:8; Mga Awit 19:9; 119:137; Jeremias 11:20; II Tesalonica 1:4-6
I Pedro 2:23; Apocalipsis 15:4; 16:7 19: 2, 11
Batay sa pag-ibig: Mga Awit 33:5
Katotohanan at makatarungan: Mga Awit 111:7; Kawikaan 2:9; Jeremias 4:2; Juan 8:15-16
Malayo sa masasama: Mga Awit 10:5
Walang-hanggan: Mga Awit 119:160
Dakila: Mga Awit 36:6
Binago: Zefanias 3:15
Hindi malirip: Roma 11:33
Ang mga ito ay mahahayag sa atin: Apocalipsis 15:4
SINO
ANG HAHATULAN NG DIOS?
Lahat ng tao: Mga Awit 7:8; 9:7-8; 96:10; Hebreo 12:23; Judas 15-16
Ang mga umusig sa mga matuwid: Mga Awit 119:84
Mga Matuwid: Mga Awit 7:11
Manglilibak: Kawikaan 19:29
Lahat ng tao: Kawikaan 29:26
Mga kabataan: Eclesiastes 11:9
Mga Bansa: Isaias 2:4
Mga Pinuno: Isaias 3:13-14
Mga masasama: Deuteronomio 7: 10-11; Jeremias 1:16; Hebreo 13:4; Judas 15-16
Ang Mundo: Juan 9:39; 12:31
Ang prinsipe ng mundo (Satanas): Juan 16:11; 12:31
Ang mga nasa labas ng Iglesya : I Corinto 5:13
Ang Kanyang bayan: Hebreo 10:30
Mga Guro: Santiago 3:1
Mga may sama ng loob: Santiago 5:9
Ang Iglesya (ang tahanan ng Dios): I Pedro 4:17
Mga Pagano: Ezekiel 39:21
PAANO MAGHUHUKOM ANG DIOS
Sa pamamagitan ni Jesus Cristo: Juan 5:22,27
Sa pamamagitan ng Espiritu Santo: Juan16:11; Ezekiel 36:27
Ayon sa Salita ng Dios: Juan12: 48
Ayon sa ginawa ng tao: I Pedro 1:17
Sa pamamagitan ng Kanyang mga ministro: Ezekiel 44:24; Hosea 6:5
ANG
ATING SALOOBIN SA PAGHUHUKOM NG DIOS
Dapat nating:
Ituro sa kanila: Ezra 7:10; Mga Awit 37:30
Sundin at isagawa ito: Deuteronomio 11:32
Purihin ang Dios para dito: Mga Awit 48:11; 97:8; 119: 7,62,164
Naisin ang mga ito: Mga Awit 119:20
Ilagay sa harap natin: Mga Awit 119:30
Umasa sa mga ito: Mga Awit 119: 43
Ipahayag ito: Mga Awit 119:13
Huwag lilihis sa kahatulan: Mga Awit 119:102
Matakot sa kahatulan: Mga Awit 119:120
Alamin ang kahatulan ng Dios: Mga Awit 35:23
Hingin sa Dios na hatulan tayo: Mga Awit 35:24
Ipangaral ang Kanyang Kahatulan: Mga Gawa 24:25
MGA
LAYUNIN NG KASALUKUYANG PAGHUHUKOM
Ang mga layunin ng
kaparusahan ng Dios sa mga mananampalataya ay:
Gawin tayong banal: Hebreo 12:10
Magdulot ng katuwiran sa ating buhay: Hebreo 12:11
Magbigay buhay: Hebreo 12:9; Kawikaan 15:31
Ihanda tayo para sa pangunguna ng Espiritu: Kawikaan 1:23
Magbigay dangal: Kawikaan 13:18
Magbigay ng karunungan: Kawikaan 15:5, 32
Turuan ng takot sa Dios: Kawikaan 15:33
Pabanalin tayo: Colosas 1:28; II Timoteo 3:16-17
Turuan tayo na magtiis: I Pedro 2:20
Iwasan ang kahatulan: I Corinto 11:32
Magdulot ng pagsisisi: Apocalipsis 3:19; Roma 2:4
Sawayin tayo: Jeremias 10:24
MGA
DAHILAN SA KAPARUSAHAN
Kasalanan at pagbalik sa dating buhay: Jeremias 2:19; Juan 3:20; 16:8; II Pedro 2:16
Mga Pagkakamali: I Pedro 2:20
Kawalan ng pananampalataya: Roma 11:20
Pagsuway: Lucas 12:47-48
Paggalang sa tao: Job 13:10
PAANO
MAIIWASAN ANG KAPARUSAHAN?
I Corinto 11:31-32 ( sariling pagsusuri); Roma 11:22; Filipos 2:12-16
ANG
TINDI NG KAPARUSAHAN
Ang Dios ay may huwaran ng kaparusahan sa ating mga buhay. Ito ay magsisimula sa panunumbat, ito ang simpleng paraan ng kaparusahan, hanggang sa mas matinding antas ng kaparusahan. ( Hebreo 12:11)
PANUNUMBAT:
Para maituwid ang pagkakamali, sabihin ang pagkakamali, magbigay ng katuruan o pagwawasto. Ang Dios ay nakikipag-usap sa atin at nanunumbat sa mga maling gawain natin. Isaias 11:4; Mga Awit 50:21; 141:5; Kawikaan 1:23; Efeso 5:13; II Timoteo 3:16
PAGSAWAY:
Ang matalas na panunumbat o mahigpit na pangangaral. Kung hindi tayo nakinig sa panunumbat, ang Dios ay makikitungo sa atin ng mas mahigpit. Hebreo 12:5; Apocalipsis 3:19; Mga Awit 6:1; Deuteronomio 28: 20
POOT:
Pagkatapos na tayo ay kagalitan at nagpatuloy pa rin sa mga kasalanan at tinanggihan ang pagtutuwid ng Dios, ang Kanyang poot ay ating mararanasan. Roma 2:8-9
PAGDADALAMHATI:
Ang poot ng Dios ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagdadalamhati. Maaari ito sa pinansiyal, materyal, o pisikal na pagdadalamhati. ( Hindi ibig sabihin nito ang lahat ng pagdadalamhati ay kahatulan mula sa Dios.) Roma 2:9, Mga Awit 119:75; Deuteronomio 28:15-47; Levitico 26:14-39; Amos 4:6-13
PAGTANGGI:
Ito ang huling hakbang ng kahatulan ng Dios kapag ang kaparusahan ay hindi nagkaroon ng resulta ng pagsisisi. Hebreo 6:4-6; 10:26-31; Jeremias 14:11-12; II Pedro 2:20; I Juan 5:16; Kawikaan 1:25-32; 5:1-23; 15:10; 29:1
MGA
RESULTA NG KAPARUSAHAN
Ang layunin ng kaparusahan ay para tayo ay bumalik sa Kanya: Hosea 6:1
IKA- LABINGISANG KABANATA
KASAKDALAN
MGA LAYUNIN:
Pagkatapos pag-aralan ang kabanatang ito ikaw ay may kakayahang:
· Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
· Ibigay ang kahulugan ng “ kasakdalan.”
· Tukuyin ang halimbawa ng kasakdalan para sa mga mananampalataya.
· Banggitin ang pamantayan ng kasakdalan para sa mga mananampalataya.
· Kilalanin ang una at nagpapatuloy na kasakdalan.
· Itala ang mga bagay na may kinaalaman sa proseso ng kasakdalan.
SUSING TALATA:
Kayo nga’y
mangagpakasakdal na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal. (Mateo 5:48)
PAMBUNGAD
Kung paano ang mabuting pundasyon sa pagtatayo ng gusali sa natural na mundo ay importante, ang mabuting espirituwal na pundasyon ay mahalaga rin para sa mananampalataya. Sa pamamagitan ng dalawang talinhaga ng nagtayo ng bahay, natutunan mo na ang iyong espirituwal na pundasyon ay dapat maitatag sa Salita ng Dios.
Inihayag ng Hebreo 6:1-3 na ang pundasyon ng Kristiyanong pananampalataya ay:
- Pagsisisi sa patay na mga gawa
- Pananampalataya sa Dios
- Doktrina ng Bautismo
- Pagpapatong ng mga kamay
- Muling pagkabuhay ng mga patay
- Walang-hanggang paghuhukom
Ito ang mga pangunahing doktrina ng Salita ng Dios kung saan ka magtatatag sa iyong espirituwal na buhay. Pinag-aralan mo ang bawat isa sa mga ito sa nakaraang kabanata.
PATUNGO
SA KASAKDALAN
Nagbigay si Pablo ng karagdagang hakbang na kinakailangan sa pagtatatag ng iyong espirituwal na buhay sa Hebreo 6: 1-3:
Kaya’t
tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo at
tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan... (Hebreo
6:1)
Pagsisisi sa patay na mga gawa, pananampalataya sa Dios, doktrina ng Bautismo, pagpapatong ng mga kamay, muling pagkabuhay ng mga patay, at walang-hanggang paghuhukom. Ang lahat ng ito ay prinsipyo ng doktrina ni Cristo.
Dalawang kalalabisan ang madalas sa mananampalataya. Ang isa ay mayroon silang kaalaman sa Salita ng Dios subalit hindi nila isinasagawa ang mga kaalamang ito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang isa naman ay binibigyan ng halaga ang kanilang karanasan at hindi iniintindi ang doktrina. Ang doktrina at karanasan ay kapwa mahalaga. Ang resulta ng tamang pagkaunawa ng doktrina ay karanasan. Subalit ang karanasan na hindi nakabatay sa doktrina ng Biblia ay hindi mapagkakatiwalaan.
Hindi mo dapat maunawaan lamang ang pangunahing doktrina sa Hebreo 6:1-3 subalit dapat mong maranasan ang mga ito. Sa oras na maitatag mo ang iyong espirituwal na buhay sa mga doktrinang ito sa pamamagitan ng karanasan, dapat mong matutuhan kung paano “mag- papatuloy sa kasakdalan .” Ito ang layunin ng kabanatang ito.
KATUTURAN
Ang ibig sabihin ng salitang “kasakdalan” ay kumpleto, tapos, at husto sa gulang. Ginagamit ng Biblia ang salitang “sakdal” kaysa sa “husto sa gulang” para ilarawan ang espirituwal na ganap na mananampalataya. Ang “ganap” na Kristiyano ay ang isa na nakaabot na sa espirituwal na husto sa gulang. Ang ibig sabihin nito, ang kanyang katawan, kaluluwa, at espiritu ay nasa ilalim ng pamamahala ng Espiritu Santo.
Ang salitang “ kasakdalan” ay hawig sa salitang “ pagbabanal” o “pagtatalaga” na ginagamit din sa Biblia. Ang ibig sabihin ng “Pagbabanal” ay kabanalan at “ pagtatalaga” ay paghihiwalay para sa katuwiran.
DALAWANG
PANGANIB
Mayroong dalawang panganib kung ang espirituwal na pundasyon ay nabigyan ng diin subalit walang pagpapahalaga sa kabanalan:
1. Ang isang panganib ay maglatag ng espirituwal na pundasyon at hindi magpatuloy sa espirituwal na paglago.
2. Ang isa pang panganib ay magsubok na magtatag ng “ napakalaking istraktura” ng kabanalan sa maling espirituwal na pundasyon.
BUUIN
ANG PUNDASYON
Ang pundasyon ay hindi pa buong gusali. Ang napakalaking istraktura ay dapat maitatag sa pundasyon. Ang napakalaking istraktura ay bahagi ng gusali na nakikita sa ibabaw ng pundasyon. Hindi ang mabuting espirituwal na pundasyon ang huling layunin ng mananampalataya:
Baka
kung mailagay na niya ang patibayan, at hindi matapos, ang lahat ng mga
makakita ay mangagpasimulang siya’y sibakin.
Na
sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin. (Lucas
14:29-30)
Maraming tao ang nagsisimula sa Dios. Kanilang narinig ang Ebanghelyo, nagsisi mula sa patay na mga gawa, at mayroong pananampalataya sa Dios, subalit hindi sila umunlad. Hindi nila
nabuo ang kanilang espirituwal na pundasyon at nagpatuloy sa kasakdalan.
Ang hindi buo na pundasyon sa natural na mundo ay hindi magagamit. Hindi ka makapagtatatag ng gusali sa hindi buong pundasyon o ito ay babagsak sa tindi ng dinadala. Kailangan mong buuin ang pundasyon at saka ka magtatag ng gusali.
Ang mananampalataya na hindi nakabuo ng kanilang espirituwal na pundasyon ay magkakaroon ng problema kapag sila ay nakaranas ng matinding pagsubok. Hindi matatag ang kanilang buhay espirituwal. Kung minsan ay mataas, minsan naman ay mababa. Ang kanilang espirituwal na kalagayan ay hindi makaliligtas sa bagyo ng buhay. Hindi sila makapag papatuloy sa kasakdalan (kasakdalang espirituwal ) dahil ang kanilang pundasyon ay hindi nabuo.
PAGTATATAG
NG NAPAKALAKING ISTRAKTURA
Sa natural na mundo, ang pundasyon ay hindi kagamit-gamit. Ang guasaling naitatag sa pundasyon ang nagsisilbing tahanan, opisina, o paaralan. Ang dahilan kung bakit ang ibang tao ay hindi lumalagong espirituwal ay sapagkat kanila lamang inilatag ang espirituwal na pundasyon at hindi natapos ang gusali sa pamamagitan ng kasakdalan.
May sinabi si Pablo sa mga mananampalataya na hindi espirituwal na lumago:
Sapagkat
nang kayo’y nangarapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling
kayo’y nangangailangan na kayo’y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral
ng Dios: at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi pagkaing
matigas.
Sapagkat
bawat tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagkat
siya’y isang sanggol.
Ngunit
ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa
pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang
makilala ang mabuti at ang masama. (Hebreo
5: 12-14)
Sinabi ni Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto na panahon na upang magturo sila ng Ebanghelyo sa ibang tao. Sa halip, sila ang dapat na turuan ng unang (pundasyon) prinsipyo ng Dios. Sila ay kaniyang inihalintulad sa mga sanggol na gatas lang ang maiinom. Ang ibig sabihin ng “gatas” ay unang prinsipyo ng Dios.
Ang gatas ay masustansya at nagdudulot ng paglaki, subalit may pagkakataon na ang sanggol ay kailangan nang kumain ng pagkaing buo.
Kanino
siya magtuturong kaalaman? At kanino niya ipatatalastas ang balita? Silang
nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso? (Isaias 28:9)
ANG
PANAWAGAN SA KASAKDALAN
Tinawag Ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod sa kasakdalan:
Kayo nga’y mangagpakasakdal na gaya
ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal. (Mateo 5: 48)
Ang kasakdalan na ito ay naglalarawan ng presensya ng Dios.
Ako’y
sa kanila, at ikaw ay sa Akin upang
sila’y malubos sa pagkakaisa... (Juan 17:23)
Ang resulta ay kasakdalang espirituwal:
Mga kapatid, huwag kayong
mangagpakabata sa pagiisip...datapuwat sa pagiisip kayo’y mangagpakatao. (I
Corinto 14:20)
Ang kasakdalan ay hangarin ng unang Iglesya. Isinulat ni Pablo:
Sapagkat...at
ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid bagay ang inyong pagkasakdal.
...Mangagpakasakdal
kayo... (II Corinto 13:9,11)
Ang resulta ng ikaw ay ganap na kaugnay ng ibang mananampalataya sa katawan ni Cristo ay iisang kasakdalan:
Ngayo’y
ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapaitd,
sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo na kayong lahat ay
mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag magkaroon sa inyo ng mga
pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang pag-iisip at isa
lamang paghatol.
(I
Corinto 1:10)
Ang pagkakabaha-bahagi sa Katawan ni Cristo ay resulta ng hindi paglagong espirituwal.
ANG
HALIMBAWA NG KASAKDALAN
Si Jesus ang halimbawa ng kasakdalan ng mananampalataya:
Sapagkat
sa ganitong bagay kayo’y tinawag:
sapagkat si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng
halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang Niya. (I Pedro 2:21)
Sapagkat marapat sa Kaniya na
pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan Niya ang lahat ng mga
bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal Siyang
may mga gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit. (Hebreo 2:10)
At nang Siya’y mapaging sakdal, ay
Siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa
kaniya. (Hebreo 5:9)
Plano ng Dios na ang mananampalataya ay makatulad (makapareho) ni Jesus na ating halimbawa sa kasakdalan:
Sapagkat
yaong mga nang una pa’y Kaniyang nakilala, ay itinalaga naman Niya na maging
katulad ng larawan ng Kaniyang Anak, upang Siya ang magingpanganay sa maraming
magkakapatid. (Roma 8:29)
ANG
PAMANTAYAN NG KASAKDALAN
Ang pamanatayan ng kasakdalan kung saan ang mananampalataya ay sinusukat, ay ang Salita ng Dios. Si Jesus ang halimbawa ng kasakdalan at katulad ng Salita, dahil Siya ang nakikitang kapahayagan ng Salita ng Dios. Ang Dios ay naglagay ng pamantayan sa Kanyang Salita na iiral sa ating buhay. Ang unang pamantayan na Kaniyang ibinigay sa tao ay tinawag na “ batas” at natala sa unang aklat ng Lumang Tipan.
Sa maraming kasaysayan ng Lumang Tipan ay natala ang hindi kakayahan ng tao na masunod ang batas ng Dios. Alam ng Dios na hindi kayang sundin ng tao ang batas sa pamamagitan lamang ng kanyang kakayahan. Subalit ang Dios ay may tiyak na layunin sa pagbibigay Niya ng batas. Ang isa sa mga layunin ng batas ay para ipakita sa tao ang makasalanang katayuan nila. Ang iba pang layunin ay upang ipakita sa kanila na hindi sila maaring maging makatuwiran sa pamamagitan ng kanilang kakayahan:
Sapagkat
sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa
paningin Niya; sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng
kasalanan. (Roma 3:20)
Hindi tayo iniwan ng Dios na walang pag-asa. Sa pamamagitan ng batas nangako Siya ng Mesias:
Aking
palilitawin sa kaniya ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na
gaya mo; at Aking ilalagay ang Aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang
sasalitain sa kanila ang lahat ng Aking iuutos sa kaniya.
At
mangyayari, na sinomang hindi makikinig sa Aking mga salita na kaniyang
sasalitain sa Aking pangalan , ay Aking sisiyasatin yaon sa kaniya. (Deuteronomio 18:18-19)
Sa Mga Gawa 3: 22-26 ang parehong salitang ito ay sinitas ni Apostol Pedro at tinukoy sa Panginoong Jesu Cristo.
Sa Lumang Tipan, iba’t-ibang handog ang iniutos ng Dios para sa kasalanan. Pagkatapos na inihandog ni Jesus ang kanyang buhay para sa kasalanan ng tao, ang sakripisyo sa Lumang Tipan ay hindi na kinailangan:
Sapagkat
ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating...kailan pa man
ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na
laging inihahandog sa taon-taon.
(Hebreo 10:1,14)
Ang layunin ng batas ay ibinuod sa mga salitang ito:
Datapuwat
kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang
pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga
nagsisisampalataya.
Ngunit
bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan,
na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahayag pagkatapos.
Ano
pa’t ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay
Cristo, upang tayo’y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. (Galacia 3:22-24)
Hindi kaya na mapanatili ng tao ang pamantayan ng katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang sariling kakayahan. Ipinakita ng kautusan na kailangan ng Tagapagligtas upang akayin ang tao kay Jesu Cristo. Sa pamamagitan ni Cristo, hindi sariling kakayahan, kaya ikaw ay naging sakdal. Sa pamamagitan ng Dios kaya ka nakatulad sa Kanyang halimbawa ng kasakdalan at sa pamantayan ng Salita ng Dios.
(Sapagkat
ang kautusan ay wala anomang pinasasakdal), at may pagpapasok ng isang
pag-asang lalong magaling, nasa pamamagitan nito at nagsisilapit tayo sa Dios. (Hebreo 7:19)
MGA
ANTAS NG KASAKDALAN
Mayroong dalawang antas ng kasakdalan:
UNANG KASAKDALAN:
Sa unang Corinto 1:2 tinawag ni Pablo ang mga mananampalataya na “banal” ibig sabihin ay
“ pinabanal.” Gayon pa man sa parehong sulat kanyang iwinasto ang mga “ banal” dahil sa kasalanan. Sila ay mananampalataya at pinabanal kay Cristo, subalit ang iba sa kanila ay hindi namumuhay ng tama sa kanilang pang-araw na pamumuhay.
Ang mga mananampalatayang ito ay nakatanggap ng paunang kasakdalan. Sila ay pinatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtubos mula sa mga patay na mga gawa. Ang mga kasalanan ay pinatawad minsan at para sa lahat ( Hebreo 10:14). Ang unang kasakdalan ay natanggap sa oras na kanilang tinanggap si Jesus bilang Tagapagligtas. Subalit ang mga Kristiyanong ito ay hindi pa naabot ang kasakdalan. Hindi sila nagpatuloy na alisin ang “lumang pagkatao” ng kasalanan:
Na
nalalaman natin, na ang ating datihang
pagkatao ay kalakip Niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay
magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan. (Roma 6:6)
Sinabi ni Pablo na hindi tama na magpatuloy sa kasalanan pagkatapos ng pagbabalik loob sa Dios. Ang sabi niya ay:
Kaya’t
kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang; ang mga dating bagay
ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.
(II Corinto 5:17)
Bilang mananampalataya dapat mamuhay ka ng bagong buhay. Hindi tama na magpatuloy sa kasalanan. Sinabi ni Pablo:
Ano
nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya
ay makapanagana?
Huwag
nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay
pa riyan?
...Ay
gayon din naman tayo’y maglalakad sa panibagong buhay.
(Roma
6:1,2,4)
Dapat tayong magpatuloy sa kasakdalan.
NAGPAPATULOY NA
KASAKDALAN:
Ang unang kasakdalan mula sa kasalanan sa oras ng kaligtasan ay pasimula ng nagpapatuloy na buhay na banal. Pagkatapos ng kaligtasan, dapat kang mamuhay ng bagong buhay kay Cristo:
Ako’y
napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay kundi si
Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman
ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay
umibig at ibinigay ang Kaniyang sarili dahil sa akin. (Galacia 2:20)
Inilarawan ni Pablo ang nagpapatuloy na kasakdalan sa kanyang sariling buhay:
Hindi
sa ako’y nagtamo na, o ako’y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling
maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
(Filipos 3:12)
Hindi naabot ni Pablo ang buong kasakdalan, subalit ito ang kanyang layunin. Kanyang inilarawan ang pakikipaglaban para sa kasakdalan sa ibang talata:
Sapagkat
ang ginagawa ko’y hindi ko nalalaman: sapagkat ang hindi ko ibig, ang ginagawa
ko; datapuwat ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
Ngunit
kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti
ang kautusan.
Kaya
ngayo’y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
Sapagkat
nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang
anomang bagay na mabuti: sapagkat ang
pagnanasa ay nasa akin, datapuwat
ang paggawa ng mabuti ay wala.
Sapagkat ang mabuti na aking
ibig ay hindi ko ginagawa: ngunit ang masama na hindi ko ibig , ay siya kong
ginagawa.
Datapuwat kung ang hindi ko
ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang
kasalanang tumitira sa akin.
Kaya nga nasumpungan ko ang isang
kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin.
Sapagkat ako’y nagagalak sa
kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob:
Datapuwat nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga
sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong
bihag sa ilalim ng kautusang kasalanan na nasa aking mga sangkap.
(Roma 7:15-23)
Nais ni Pablo na mabuhay sa pamantayan ng Dios, subalit kanyang napagtanto na kung siya mismo ( sa kanyang sarili) hindi niya kayang maabot ang layuning ito. Palaging may paglalaban sa pagitan ng kanyang laman at espiritu. Nais ng kanyang espiritu na ingatan ang utos ng Dios
( talata 22). Ang kanyang laman ay nais na gumawa ng kasalanan. Napagalaman niya na ang paraan lamang upang matamo ang kaganapan ay sa pamamagitan ni Cristo:
At
kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan;
datapuwat ang espiritu ay buhay dahil
sa katuwiran.
Ngunit kung ang Espiritu niyaong
bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo
Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may
kamatayan, sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo.
... Datapuwat kung sa pamamagitan ng Espiritu ay ipinapatay ninyo ang mga
gawa ng laman, ay mabubuhay kayo. (Roma
8: 10,11,13)
Sa pamamagitan lang ng Espiritu ng Dios mo mapagtatagumpayan ang masamang naisin ng laman at umayon sa pamantayan ng Dios. Kung ang resulta ng pita ng laman ay ang mga bagay na hindi mo gagawin, ang Dios ay magbibigay ng daan para ibalik ka sa kasakdalan.
Kung
ihahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na tayo’y
patatawarin sa ating mga kasalanan, na tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (I Juan 1:9)
Hindi mo dapat subukin na mamuhay ng bagong buhay sa iyong sariling lakas. Dapat mong ipamuhay ito sa pamamagitan ng “ pananampalataya sa Anak ng Dios.” Tuwing ikaw ay nadarapa, maibaballik ka sa kaganapan sa harapan ng Dios sa pamamagitan ng pag-amin ng iyong kasalanan at paghingi ng kapatawaran.
Kung ikaw ay born again, ikaw ay katulad lamang ng isang sanggol sa natural na mundo. Marami kang dapat na matutunan sa mga bagay na espirituwal. Habang ikaw ay natututo ikaw ay nagkakamali. Kapag ikaw ay nagkamali, dapat mong aminin ang iyong kasalanan at patatawarin ka ng Dios.
Bilang mananampalataya nilalabanan mo ang kaaway, si Satanas. Ito ay espirtuwal na pakikipaglaban na nangyayari sa iyong isip at sa mga sirkumstansiya ng buhay sa iyong paligid. May mga pagkakataon na ikaw ay natalo ng iyong kaaway. Subalit hindi ibig sabihin nito na siya ay nanalo na sa labanan. Maaring pansamantalang ikaw ay natalo subalit sa pag amin mo ng iyong kasalanan maaari kang bumangong muli sa katuwiran upang magpatuloy sa kasakdalan.
Katulad ng iyong natutunan sa nakaraang kabanata, hinatulan na ni Jesus si Satanas. Si Satanas ay talunan na sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus sa Kalbaryo. Ang kapangyarihan ng Dios na nasa iyo ay higit kaysa kapangyarihan ng kaaway.:
...Sapagkat
lalong dakila Siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan.
(I Juan
4:4)
Ikaw ay nagpapatuloy sa kasakdalan sa kalakasan ng kapangyarihan na ito, hindi sa kakayahan ng tao. Ang pagpapatuloy sa kasakdalan ay hindi kurso ng pag-unlad sa sarili. Ito ay pag-aaral na mamuhay bilang bagong nilalang sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
ANG
PROSESO NG KAGANAPAN
Ang mga sumusunod na mga bagay ay kinakailangan para ang proseso ng kasakdalan ay mangyari sa iyong buhay:
ANG MABUTING
PUNDASYON:
Habang iyong natututunan
ang kursong ito, ang mabuting espirituwal na pundasyon ay kailangan upang
magpatuloy ang kasakdalan ( Hebreo 6:1-3).
PAGTUGON SA SALITA
NG DIOS:
Ang isa sa mga layunin
ng Salita ng Dios ay para maglaan ng pagtutuwid na ang resulta ay kasakdalan.
Ang lahat ng mga kasulatan na
kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa
pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran
Upang ang tao ng Dios ay maging
sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. (II Timoteo 3:16-17)
Hindi lang ang pag-aaral ng Salita ng Dios ang magpapasakdal sa iyo. Dapat kang gumawa ng personal sa pagtugon sa Salita:
Kaya’t ihiwalay ninyo ang
lahat na karunihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may
kaamuan ang salitang itinanim na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
Datapuwat maging tagatupad kayo ng salita, at huwag
tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
Sapagkat kung ang sinoman ay
tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na
tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin.
Sapagkat minamasdan niya ang
kaniyang sarili, at siya’y umaalis at pagdaka’y kaniyang nalilimutan kung ano
siya.
Ngunit ang nagsisiyasat ng sakdal na
kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig
na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, pagpalain ang taong ito sa kaniyang
ginagawa. (Santiago 1:21-25)
Hindi mo lang dapat alamin ang utos ng Dios , subalit dapat kang “magpatuloy” ( ipamuhay) ayon dito. Dapat kang gumawa ng personal na pagtugon sa Salita sa paglalagay sa isang tabi ng lahat ng “karumihan at kapilyuhan.” Ang pagsasagawa ng Salita ay magbibigay ng kasiguruhan ng kaligtasan:
Datapuwat ang sinomang tumutupad ng Kaniyang salita,
tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig mg Dios. Dahil dito’y nalalaman
nating tayo’y nasa Kanya. (I Juan 2:5)
PANANALANGIN:
Ang pananalangin ay magdudulot ng kasakdalan .
...Na siyang laging nagsisikap dahil
sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo’y magsitatag na mga sakdal at
lubos na tiwasay sa lahat ng kalooban ng Dios. (Colosas 4:12)
PAGTATALAGA:
Kaya nga mga kapatid, ipinamamnhik
ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong
mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na Siya ninyong
katampatang pagsamba.
At huwag kayong magsiayon sa
sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong
pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na
kalooban ng Dios.
(Roma 12:1-2)
Malalaman mo ang ganap na kalooban ng Dios sa iyong buhay kung itatalaga mo ito sa Dios. Ang ibig sabihin ng pagtatalaga ay ihiwalay. Kapag itinalaga mo ang iyong buhay sa Dios tatanggihan mo na umayon sa pamantayan ng mundo. Pipiliin mo na umayon sa pamantayan ng Salita ng Dios.
MGA KALOOB NG
ESPIRTUNG BANAL:
Ang isa sa mga layunin ng kaloob ng Espirtu Santo ay para tulungan ka na magpatuloy sa proseso ng kasakdalan sa iyong buhay. Katulad ng iyong natutunan sa nakaraang kabanata, ang Dios ay may ministeryo na kaloob sa iglesya para…
...Sa ikasasakdal ng mga banal, sa
gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo;
Hanggang sa abutin nating lahat ang
pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Diosa, hanggang sa
lubos ng paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni
Cristo.
(Efeso 4:12-13)
PAGPAPASAKOP SA
TUNAY NA MINISTERYO:
Ginagamit ng Dios ang mga espirituwal na lider para sa proseso ng kasakdalan. Dapat kang
magpasakop sa mga nangunguna na inilagay ng Dios na awtoridad sa iglesya. Ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa “tunay” na ministeryo ay pagpapasakop sa mga espirituwal na lider na ang ministeryo ay nagpapakita na ayon sa Salita ng Dios. Ang tungkulin ng espirituwal na lider sa proseso ng kasakdalan ay inihayag sa mga sulat ni Pablo:
Gabi’t araw ay idinadalangin naming
boong ningas na aming makita ang inyong mukha, at aming malubos ang inyong
pananampalataya.
(I Tesalonica 3:10)
Na siya naming inihahayag, na
pinaaalalahanan ang bawa’t tao, sa boong karunungan, upang maiharap naming
sakdal kay Cristo ang bawa’t tao. (Colosas 1:28)
...Na siyang laging nagsisikap dahil
sa inyo sa kaniyang pananalangin, upang kayo’y magsitatag na mga sakdal at
lubos na tiwasay sa lahat ng kalooban ng Dios. (Colosas 4:12)
...At ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid bagay ang inyong
pagkasakdal. (II Corinto 13:9)
PAGDURUSA:
Walang sinoman na nais na magdusa, subalit kapag ito ay dumating sa buhay ng mananampalataya maaari itong magkaroon ng positibong layunin: Ang pagdurusa ay magdudulot ng kasakdalan
Na ayon sa kaloob na tinanggap ng
bawa’t isa, ay ipaglilingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala
ng masaganang biyaya ng Dios.
(I Pedro 5:10)
Ang pagtitiyaga sa panahon ng pagdurusa ay magdudulot ng kasakdalan.
At inyong pabayaan na ang pagtitiis
ay magkakaroon ng sakdal na gawa, upang kayo’y maging sakdal at ganap, na
walang anomang kakulangan. (Santiago 1:4)
PAGPIPIGIL SA
SARILI:
Bahagi ng proseso ng kasakdalan ay ang pagkatuto ng pagpipigil sa sarili. Tayo ay sinabihan na…
...Magsipaglinis tayo sa lahat ng
karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa
Dios. (II Corinto 7:1)
Ang isa sa pinakamahirap na piitin ay ang dila. Subalit ang pagpipigil sa dila ay susi para sa pagpipigil sa sarili ng iyong buong buhay:
Kung
ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may
kaya rin namang makapigil ng boong katawan. (Santiago 3:2)
PAGTUGON SA
ESPIRITUWAL NA PAGTUTUWID
Ang pagtanggap ng pagtutuwid mula sa ganap na mananampalataya ay bahagi rin ng proseso ng kasakdalan:
Mga
kapatid, kung ang sino man ay masumpungan sa ano mang pagsuway, kayong mga sa
espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinaan; na iyong
pagwawariin ang iyong ssarili, baka ikaw naman ay matukso. (Galacia 6:1)
Ikaw ay papanumbalikin sa kaganapan kung ikaw ay maayos na tutugon sa pagtutuwid.
BUOD
Hindi ibig sabihin ng espirituwal na kasakdalan ay maging malakas ang pabor ng Dios. Hindi ibig sabihin na ang gawa ng kaligtasan ay hindi tapos. Hindi ito nagbibigay ng daan tungo sa langit, dahil ito ay nagawa sa pagkamatay ni Jesu Cristo. Dahil kay Jesus kaya ka inaring-ganap sa harapan ng Dios. Sa pamamagitan Niya kaya ka naligtas at nagkaroon ng pangako ng Langit.
Ang kasakdalan ay hindi nangyayari sa pagpapanatili ng inilagay na pamanatayan. Posible na ang tao ay manatili sa pamantayan na nakikita sa panglabas na espirituwal na kaanyuan, subalit hindi siya esprituwal at maaring hindi ligtas .
Ang espirituwal na kasakdalan ay hindi nakadepende sa iyong nararamdamang emosion. Hindi ito nangyayari kaagad sa paglipas ng panahon ng pagiging Kristiyano o sa paglilingkod. Ang espirituwal na kasakdalan ( sakdal) ay ang pagsasagawa ng mga espirituwal na kaalaman. Ang mga dagdag na kaalaman ay nagaganap sa pag-aaral ng Salita ng Dios.
Ang pag-aaral na ito ay resulta ng pagkaunawa sa proseso ng kasakdalan at ang utos ng ating Panginoong Jesu Cristo. Ang personal na pagsasagawa ng iyong natutunan ay mag-aakay sa espirituwal na kasakdalan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios.
Kasakdalan
( Espirituwal na kasakdalan)
Pag-aaral ng Salita ng Dios
I
Mag-aakay sa
I
Pag-angat ng Espirituwal na Kaalaman
I
Kapag ito ay ipinamumuhay sa kapangyarihan ng Dios
I
Mag-aakay ito sa
I
Espirtuwal na kasakdalan (Kasakdalan)
SA
PAGTATAPOS…
Umabot na tayo sa pagtatapos ng ating pag-aaral sa pundasyon ng Pananampalatayang Kristiyano. Subalit sa katotohanan hindi mo pa nakumpleto ang kursong ito. Katulad ng sinabi ni Pablo, dapat tayong…mangagpatuloy sa kasakdalan ( Hebreo 6:1). Ang bawat kabanata ng kursong ito ay may talaan ng mga layunin. Ito ang mga layunin na dapat maabot sa pag-aaral ng kabanata. Ang iyong bagong layunin, para sa susunod na kabanata ng iyong buhay, ay kaganapan…
At … ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid
baga’y ang inyong pagkasakdal. ( II
Corinto 13:9)
PANSARILING PAGSUSULIT
1. Ibigay ang kahulugan ng “ kasakdalan.”
________________________________________
2. Sino ang halimbawa ng kasakdalan sa mananampalataya?
________________________________________
3. Ibigay ang kahulugan ng unang kasakdalan.
________________________________________
4. Ano ang ibig sabihin ng nagpapatuloy kasakdalan?
________________________________________
5. Ilista ang siyam na bagay na may kaugnayan sa proseso ng kasakdalan.
________________________________ __________________________________
________________________________ __________________________________
________________________________ __________________________________
________________________________ __________________________________
_______________________________
6. Isulat ang Susing Talata mula sa memorya.
________________________________________
7. Kung ang pangungusap ay TAMA isulat ang T sa puwang sa harapan nito. Kung ang pangungusap ay MALI, isulat ang M sa puwang sa harapan nito.
a. _______ Ang espirituwal na kasakdalan ay depende sa haba ng pagiging Kristiyano.
b. _______ Ang nagpapatuloy na pagbabanal ay hindi nangangahulugan na ang kaligtasan ay hindi kumpleto.
c. _______ Maraming gawain ng Kristiyano ang makatutulong sa iyo sa esprituwal na kasakdalan.
d. _______ Ang kasakdalan ay mangyayari sa pagpaparami ng espirituwal na kaalaman at personal na pagsasagawa ng kaalaman na ito.
8. Ano ang pamantayan ng kasakdalan ng mananampalataya?
________________________________________
(Ang sagot sa mga pagsusulit ay nakasulat sa
pagtatapos ng huling kabanata ng manwal na ito.)
PARA SA DAGDAG NA PAG-AARAL
Ipagpatuloy mo ang pag-aaral sa kasakdalan sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na reperensya:
MGA
REPERENSIYA NG BAGONG TIPAN
ANG
UTOS NA MAABOT ANG KASAKDALAN:
Mateo 5:48
Juan 17:23
I Corinto 1:10
II Corinto 7:1; 13:9, 11
Colosas 4:12
Hebreo 6:1; 13:21
Santiago 1:4
MGA
BAGAY NA HUMAHADLANG SA KASAKDALAN:
Lucas 8:14
Galacia 3:3
Filipos 3:15
Hebreo 7: 11,19; 9:9; 10:1
MGA
DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT MAGING SAKDAL:
Juan 17:23;
Roma 12:2
Colosas 4:12
II Timoteo 3:16-17
Santiago 1:4; 2:22; 3:2
I Juan 2:5
PAANO
TAYO MAKAAABOT SA KASAKDALAN:
Mateo 19:21
Lucas 6:40
II Corinto 7:1; 12:9
Galacia 3:3
Efeso 4:12-13
Filipos 3:12, 15
Colosas 1:28; 3:14
II Timoteo 3:16-17
Hebreo 2:10; 7:11
Santiago 1:4,17,25: 2:22; 3:2
I Pedro 5:10
I Juan 2:5; 4:12; 4:17-18
MGA
REPERENSIYA SA LUMANG TIPAN
Si Abraham ay dapat magpakasakdal sa harapan ng Dios: Genesis 17:1
Si Isaias ay sakdal sa harapan ng Dios: Isaias 38:3
Ang daan ng Dios para sa atin ay sakdal: II Samuel 22:31
Basahin ang aklat ng I at II Hari. Makikita mo ang parirala na “ ang kanyang puso ay hindi sakdal” ay kadalasang naglalarawan ng masamang hari na nanguna sa Israel. Habang binabasa mo ang istorya , maoobserbahan mo kung bakit ang kanilang puso ay hindi sakdal at ang resulta ay kakulangan ng kasakdalan.
KASAKDALAN
SA MGA AWIT
Pag- aralan kung ano ang sinabi ni David tungkol sa kasakdalan:
Ang kaniyang lakad ay sakdal: Mga Awit 18:30,32
Ang kautusan ng Dios ay sakdal: Mga Awit 19:7
Ang wakas ng taong sakdal ay kapayapaan: Mga Awit 37:37
Tayo ay dapat lumakad ng sakdal sa harap ng Dios: Mga Awit 101:2,6
APENDIKS
Ang “Mga Pundasyon Ng Pananampalataya” ay mahalagang pag-aaral para sa mga bagong mananamapalataya. Ito ay nagtuturo ng pangunahing doktrina ni Jesu Cristo na nagbibigay ng tamang pundasyon para sa espirituwal na kaganapan ( Hebreo 6: 1-3).
Ang mga bagong mananampalataya ay katulad ng bagong panganak na sanggol sa natural na mundo. Hindi mo dadalhin ang isang bagong panganak na sanggol sa pintuan at sasabihin ,
“ Titingnan namin ikaw pagkatapos ng ilang linggo.” Subalit ito ang madalas na nangyayari sa iglesya. Ito ang dahilan kung bakit maraming bagong mananampalataya ay espirituwal na namamatay. Ang iyong responsabilidad para sa mga kaluluwa ng lalaki at babae ay hindi natatapos sa altar kung saan sila nanalangin ng pagsisisi. Ikaw ang may responsabilidad na maakay ang bagong mananampalataya mula sa altar tungo sa iglesya.
Ang bagong mananampalataya ay pumasok sa naiibang kapaligiran. Siya ay ipinanganak sa Kaharian ng Dios ( Juan 3:3-7). Iba ang lengguwahe na kanyang naririnig. Mayroong mga termino na katulad ng pananampalataya, bautismo, walang-hanggan na paghuhukom, at iba pa, na dapat maipaliwanag. Hindi lang dapat niyang matutunan ang lengguwahe ng Kaharian, kailangan din niyang matutunan ang pangunahing prinsipyo ng bagong buhay sa Kaharian.
Ang bawat bagong mananampalataya ay nangangailangan ng personal na pag-aalaga ng ganap na Kristiyano. Kailangan niya ng pag-aalaga sa espirituwal na mundo katulad ng sanggol sa natural na mundo. Ang sanggol ay nangangailangan ng matinding pag-aalaga matapos ang kapanganakan kaysa sa ibang panahon. Gamitin ang mga sumusunod na patnubay upang makapagbigay ng tamang espirituwal na pag-aalaga para sa bagong silang na mananampalataya:
UNANG HAKBANG:
Sa loob ng 24 na oras matapos na ang isang tao’y tumugon sa mensahe ng Ebanghelyo, nagsisi at tumanggap kay Jesu Cristo, dapat siyang makatanggap ng personal na pakipag-usap mula sa Kristiyanong ganap.
Ang bagong mananampalataya ay maaring mabuhay sa masamang kapaligirin na pinalilibutan ng mga sumpa, imoral na pag-uusap, at masamang gawa. Ang personal na pakikipag-usap mula sa ganap na Kristiyano ay magbibigay ng lakas at malaman niya na may nag aala-ala at nananalangin para sa kanya. Ang layunin ng unang pag –uusap ay :
- Para ipaalam sa bagong mananampalataya na mayroong Kristiyanong kaibigan na nag- aalaga sa kanya.
- Sagutin ang anumang katanungan niya.
- Para ipanalangin siya sa mga personal na pangangailangan.
- Para maipatala siya sa programa ng “Mga Pundayson ng pananampalataya” na inilarawan sa pangalawang hakbang.
PANGALAWANG HAKBANG:
Tulad ng binigyang diin sa pag-aaral, magpatuloy sa pagtuturo pagkatapos ng kombersiyon ang padron na inilagay ni Jesus at sinundan ng unang iglesya. Ang kursong ito “ Ma Pundasyon ng Pananampalataya”, ay maaring magamit sa pagtuturo ng pangunahing doktrina ni Jesus sa mga bagong mananampalataya. Dalawang pamamaraan ang maaaring gawin para dito.
Una: Magbuo ng klase sa “ Mga Pundasyon ng Pananampalataya” para sa bagong mananampalataya. Dapat itong ituro ng ganap na mananampalataya at dapat na patuloy ulitin sa iglesya.
Ang bawat bagong mananampalataya ay dapat magpatala sa kursong ito. Kung hindi siya nakadalo ng isang klase, dapat kausapin siya ng guro at magbigay ng pagkakataon na pag-aralan muli ang hindi napag-aral na sesyon.
Ang kabutihan ng ganitong pamamaraan, ang bagong mananampalataya ay natuturuan na kasama ng grupo ng ibang bagong mananampalataya. Sila ay nakakikilala ng mga tao na katulad ng esprituwal na antas nila, na may kahawig ng kanilang pangangailangan at mga tanong.
o…
Pangalawa: Maaring paturuan ang bawat isang bagong mananampalataya sa isang ganap na mananampalataya. Ang Kristiyanong ito ay makikipagtipan ng regular sa bagong kombertido para pag-aralan ang “Mga Pundayson ng Pananampalataya.” Sa indibidual na pamamaraan.
Ang kabutihan ng ganitong pamamaraan ay ang bagong mananampalataya ay maaring umunlad ayon sa kanyang sariling bilis . Maaring mabilis o mabagal niya pag-aral kung ano ang kanyang kakayahan. May pagkakataon na makapagtanong ng personal na masasagot, at magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng bagong mananampalataya at ng kanyang guro. Maaari siyang magtanong sa kanyang guro, mga pangangailangan at suliranin na nangangailangan ng espirituwal na payo.
Kapag ang ginamit na pagtuturo ay indibiduwal, ang lalaki ay magtuturo sa kapwa lalaki at babae sa babae. Ang bawat tao na nagtuturo ng “Pundasyon” kung anuman ang pamamaraan ang ginamit, siya ay dapat ng nakapag-aral ng “Mga Pundasyon ng Pananampalataya” at italaga niya ang kanyang sarili na mag-alaga sa bagong mananamplataya ng ito.
PANGATLONG HAKBANG:
Tulungan ang bagong mananampalataya na magkaroon ng regular na panalangin at pag-aaral ng Biblia. Huwag mong ipalagay na alam niya kung paano manalangin at mag-aral ng Biblia. Bigyan siya ng pangunahing katuruan sa bagay na ito. Ang Harvestime International Institute ay nagbibigay ng kursong “ Iba’t-ibang Pamamaraan ng Pag-aaral ng Biblia”. Ang giya sa panalangin ay ibinigay sa kursong “Espirituwal na Estratehiya: Manwal para sa Espirituwal na Pakikipaglaban.”
PANGAPAT NA HAKBANG:
Ang bagong mananampalataya ay dapat maturuan patungkol sa bautismo sa tubig at bautismo ng Espiritu Santo sa oras na siya ay espirituwal nang handa. Para sa iba , ito ay maaaring parehong araw, linggo, o buwan ng pagkahikayat. Para sa iba maaring mas mahabang panahon upang maihanda sila sa karanasan na ito. Kung ikaw ay nagtuturo ng bagong mananampalataya sa isang grupo, huwag mong pipigilin ang isang tao hanggang ang grupo ay handa na. Hayaan mong lumago sila sa kanilang kakayahan.
PANGLIMANG HAKBANG:
Tulungan ang bagong mananampalataya na makakita siya ng lugar sa Katawan ni Cristo, ang Iglesya. Tulungan siya na madiskubre ang kanyang espirituwal na kaloob. Ang Harvestime International Institute na kurso, “ Ministeryo ng Espiritu Santo,” ay makatutulong sa iyo para dito.
Hamunin siya sa personal na responsabilidad ng lahat ng mananampalataya, na dalhin sa iba ang mensahe ng Ebanghelyo. Maaari mong gamitin ang Harvestime International Institute na kurso na “ Mga Estratehiya para sa Espirituwal na Pag-aani” at Pagpapaunlad ng Pananaw ng Biblia para maparating ang hamon na ito.
TANDAAN:
Ang iyong layunin ay maisama ang bagong mananampalataya sa Iglesya
bilang , may ginagawa, namumunga na kasapi na may kakayahan na maabot ang
kasakdalan ( espirituwal na kasakdalan).
SAGOT SA PANSARILING
–PAGSUSURI
UNANG KABANATA :
1. Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios.
Ng aral na tungkol sa mga paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom nawalang hanggan.
At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios. ( Hebreo 6:1-3)
2. – Pagsisisi sa mga patay na gawa
- Pananampalataya sa Dios
- Doktrina ng Bautismo
- Pagpapatong ng mga kamay
- Muling pagkabuhay ng mga patay
- Walang-hanggang paghuhukom
3. Ang tamang espirituwal na pundasyon batay sa doktrina ni Jesu Cristo.
4. Tingnan ang Lucas 6:47
5.
- Ang bawat lumapit sa akin…
- Pinakikinggan ang aking mga salita…
- At ginagawa.
6. Jesu Cristo.
PANGALAWANG KABANATA:
1. Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. (Roma 3:23)
2. Ang pagsisisi sa mga patay na gawa ay pangloob na pagbabago ng isipan na may resultang panglabas na pagtalikod mula sa mga kasalanan upang lumapit sa Dios at katuwiran.
3. – Kasalanan - Hindi makadios
- Makasalanan - Labis na kawalang katarungan
- Kasamaan - Di- pagsunod
- Paglabag sa batas - Pagkakasala
- Di- makatuwiran
4. Lahat ay makasalanan ( Roma 5:12)
5. Lucifer ( Satanas) pinagmulan ng kasalan nang siya ay nagrebelde sa Dios sa Langit. Siya ay napalabas mula sa Langit tungo sa lupa at nagdala sa unang lalaki at babae sa kasalanan. Dahil dito, ang kasalanan at kabayaran ng kasalanan ay nalipat sa lahat ng tao.
6. Judas ( Mateo 27:3-4) at Esau ( Hebreo 12:17)
PANGATLONG KABANATA:
1.
- Iniutos ng Dios
- Kinakailangan ito para maiwasan ang espirituwal na kamatayan.
- Kinakailangan ito para sa buhay na walang-hanggan
- Kinakailangan ito para sa kapatawaran.
- Kinakailangan ito para makapasok sa Kaharian ng Dios.
- Nais ito ng Dios para sa lahat
- Ito ang dahilan kung bakit naparito si Jesus sa mundo.
2.
- Ang kabutihan ng Dios.
- Pangangaral
- Ang Tawag ni Cristo
- Ang Dios Ama
- Panunumbat
- Maka- Dios na kalungkutan.
3. Ang ibig sabihin ng Pagkahikayat ay pagtalikod sa maling daan tungo sa tamang daan.
4. Ang alibughang anak ay katulad ng makasalanang tao na tumalikod sa Dios Ama at Langit na Kanyang tahanan. Ng kanyang ma-isip ang kanyang makasalanang katayuan gumawa siya ng pagpapasya na bumalik sa kanyang Ama upang magsisi sa kanyang kasalanan. Ito ang pagsisisi. Iniwan ng batang lalaki ang kanyang dating buhay at nagtungo sa kanyang ama upang magsimula ng bagong buhay. Ito ang kombersiyon.
5. Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.
6. Pananampalataya, bautismo, mga gawa (bunga), kombersiyon.
7. Oo
8. I-tsek ang subheading ng kabanatang ito. Kahit ano rito ang Biblikal na halimbawa ng Kristiyanong nangangailangan ng pagsisisi.
9. Ang pag-aaring ganap ay ang tamang relasyon o katayuan sa Dios na nangyari sa pamamagitan ng pagsisisi mula sa mga patay na gawa at pagtanggap sa plano ng kaligtasan sa pamamagitan ni Jeus Cristo.
10. Para maligtas mula sa makasalanang buhay at kabayaran ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsisi at pagtanggap kay Jesu Cristo bilang tagapagligtas.
PANG-APAT NA KABANATA:
1. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay sumampalataya at mayroong kasiguruhan sa isang bagay. Ang pananampalataya ay may kasiguruhan sa mga bagay na ipinangako sa panghinaharap na may katotohanan at ang mga hindi nakikita na mga bagay ay tutoo
( Hebreo 11:1).
2. Natural na pananampalataya: Natural na pagtitiwala sa mga bagay na napatunayan na matatag.
Nagliligtas na pananampalataya: Pananampalataya sa Dios kasama ang tunay na pagsisisi.
Pagbabanal na pananampalataya: Tumutulong sa iyo na mamuhay nang sakdal pagkatapos ng kombersiyon.
Nagtatanggol na pananampalataya: Espirituwal na pananggalang para depensa kay Satanas.
3. Ito ay kinakailangan para sa kaligtasan. Hindi malulugod ang Dios kung wala ito.
4. Sa pamamagitan ng pakikinig ng Salita ng Dios. ( Roma 10:17).
5. At kung walang pananampalataya ay hindi maaring maging kalugodlugod sa Kaniya: sapagkat ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.( Hebreo 11:6)
6.
- Narinig niya ang Salita.
- Sumampalataya siya sa Salita
- Tumalikod siya sa walang pag-asang katayuan.
- Kanyang tinanggap na ang pangako ng Dios ay tutoo.
7. Ang pananampalataya ay ugali ng paniniwala sa isang bagay na hindi mo nakikita subalit may kasiguruhan ka na ito ay nasasaiyo na. Ang pag-asa ay ugali ng paghihintay tungkol sa mga bagay na panghinaharap.
8. “ Mind over matter” nagtuturo na ang tao ay mapagtatagumpayan ang lahat ng problema sa paggamit ng isip, katuwiran, o willpower. Ang mga katuruan na ito ay naka-sentro at umaasa sa sarili sa halip na sa Dios. Ang pananampalataya ay naka sentro sa Dios, hindi sa tao. Ito ay kaloob ng Dios, hindi nanggagaling sa tao sa pamamagitan ng sariling kakayahan.
9. Ang pananampalataya ay kung ano ang iyong pinaniniwalaan. Mga gawa ay nakasentro sa iyong mga nagawang kabutihan.
10. “Ang pananampalataya sa Dios” ay tumutukoy sa iyong damdamin patungkol sa Dios.
Dapat ito ay damdamin ng pananampalataya , hindi rebelyon, takot ,at iba pa.
IKA-LIMANG KABANATA:
1. Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi; datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng Kaniyang pangyapak; Siya ang sa inyo’y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy. (Mateo 3:11)
2. Ang ibig sabihin ng salitang “bautismo” na ginamit sa Biblia ay ilubog ,ilublob sa isang bagay.
3. Ito ay panglabas na pag-amin ng pangloob na pagbabago na nangyari.
4. – Pagtuturo
- Pagsisisi
- Paniniwala
- Mabuting konsiyensya sa Dios
5. – Ang Bautismo ng Dios sa pagdurusa
- Ang Bautismo ni Juan
- Kristiyanong Bautismo
- Bautismo ng Espiritu Santo
6. Pagkatapos na sila ay tumanggap ng turo at inamin ang pananampalataya.
7. Mga Gawa 19: 1-5
8. Hindi.
9. Ang edad ay depende sa kanilang kakayahan na makaunawa sa kahulugan ng bautismo at matupad ang mga kinakailangan nito.
10. a. Mali b. Tama c. Tama
IKA-ANIM NA KABANATA:
1. Ihambing ang iyong talaan sa mga layunin na inisa-isa sa Ika-Anim Na Kabanata.
2.
- Magsisi at pabautismo -Sumampalataya na ito ay para sa iyo
- Nasahin ito -Unawain na ito ay kaloob
- Hilingin ang mga panalangin para sa iba - Magpasakop sa Dios
3. Datapuwa’y tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Epsiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. (Mga Gawa 1:8)
4. Magsalita ng lengguwahe na hindi alam ng nagsasalita.
5. Upang gawin ang Kristiyano na makapangyarihan na saksi para sa Ebanghelyo . Mga Gawa 1:8
6. Ang bunga ng Espiritu Santo ay tumutukoy sa likas ng Espiritu Santo na nakikita sa buhay ng mananampalataya.
7. Galacia 5:22-23
- Pag-ibig
- Katuwaan
- Kapayapaan
- Pagpapahinuhod
- Kagandahang-loob
- Kabutihan
- Pagtatapat
- Kaamuan
- Pagpipigil
8. - Para sa ikasasakdal ng mga mananampalataya.
- Para itaguyod ang gawa ng ministeryo.
- Para ipakita si Cristo at ang Iglesya.
9. Dahil ang Panginoon ay nagbigay ng kaloob ng ministeryo upang magawa ang tiyak na layunin sa iglesya. Ang mga layunin na ito ay hindi pa naaabot. Hindi niya kukunin ang alinman sa mga kaloob na ito hanggat hindi pa naaabot ang mga layunin sa pagbibigay nito.
10. - Ang bawat Kristiyano ay tinanggap ang Espiritu Santo nang siya ay mahikayat.
- Sinasabi ng Biblia na hindi lahat ay nagsasalita ng ibang wika.
- Takot
- Ito ay emosyonal na karanasan.
11. Hindi.
IKA-PITONG KABANATA:
1.
- Israel sa Ephraim at Manasseh
- Ang mga tao sa Israel sa mga Levito
- Si Moises ng itinalaga si Josue
2.
- Super natural na palatandaan
- Bautismo ng Espiritu Santo
- Magbigay ng Espirituwal na mga kaloob
- Ikomisyon ang mga Manggagawang Kristiyano
- Paghahandog ng mga sanggol
3. Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng boong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan. ( Mga Gawa 14:3)
4. Marcos 16:17-18.
5. Ang pagpapatong ng mga kamay ay isang gawain na ang isang tao ay ipinapatong ang kanyang kamay sa katawan ng ibang tao na mayroong tiyak na espirituwal na layunin. Kasama nito ang pananalangin at propesiya.
6.
- Mananampalataya
- Apostol at mga alagad
- Mga miyembro ng Presbitero ( nakatatanda)
7. a. Mali b. Tama c. Mali d. Mali e. Tama f. Mali
IKA-WALONG KABANATA:
1. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay namaguli, at ang kabuhayan; ang sumasampalataya sa Akin , bagama’t siya’y mamamatay, gayon ma’y mabubuhay siya: At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. ( Juan 11:25-26)
2. Ang muling pagkabuhay ay pagtindig o pagbangon . Ang ibig sabihin nito ay bumangon o tumindig mula sa mga patay.
3. Pangnakaraan: Ang muling pagkabuhay ni Jesus mula sa mga patay.
Pangkasalukuyan: Ang Espirituwal na muling pagkabuhay ng mananampalataya kay Jesu Cristo.
Panghinaharap: Ang panghinaharap na muling pagkabuhay ng lahat ng nasa libingan.
4.
- Mga Gawa 2:30-31
- Mateo 28:1,5-7
- I Corinto 15:5-8
- Juan 20:19
5. Dahil kung si Cristo ay hindi bumangon mula sa mga patay, sa makatuwid ang ating pangangaral at pananampalataya ay walang kabuluhan. ( I Corinto 15:13-14). Ang paniniwala sa muling pagkabuhay ay kinakailangan para maging tunay na mananampalataya. ( Roma 10:9; I Corinto 15: 1-4). Ang muling pagkabuhay ay nagpapatotoo na si Jesus ay Anak ng Dios (Roma 1:4) at natatanging sa lahat ng nilalang ( Efeso 1;20-23). Ito ay nagpapatotoo na ang mananampalataya ay inaring-ganap ( Roma 4:25) at ang kamatayan ay nagapi na ( Hebreo 2:14) . Dahil sa Kanyang muling pagkabuhay, tayo ay makakaranas ng muling pagkabuhay at magkakaroon ng bagong katawan ( I Corinto 15:51-52; Filipos 3:21).
6. Ang ibig sabihin nito ang mga dating espirituwal na patay sa kasalanan ay ginawang espirituwal na buhay sa pamamagitan ni Jesu Cristo. Efeso 2: 1,5
7.
- Ang resulta ng pagkamatay sa kasalanan ay bagong buhay kay Cristo.
- Bagong Panginoon
- Bagong layunin ng buhay
8. Ang bautismo ng Kristiyano sa tubig at bagong buhay ng mananampalataya.
IKA-SIYAM
NA KABANATA:
1. Sapagka’y ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Kung magkagayon, tayong nangabubuhay at nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man. ( I Tesalonica 4:16-17)
2. Ang muling pagkabuhay ng mga matuwid at ang muling pagkabuhay ng di- matuwid.
3. Ang lahat ay makararanas ng muling pagkabuhay ng mga patay. Ang lahat ay makakaranas ng walang-hanggang paghuhukom.
4. a. Tama b. Tama c. Mali d. Tama e. Mali
5. Mga gawa 17:13, 32
IKA-SAMPUNG
KABANATA:
1. Para tumukoy sa alituntunin, patotoo, at mga kautusan ng Dios. Patungkol sa paghuhukom ng Dios sa mga gawain ng tao at mga bansa.
2. Ang ibig sabihin ng salitang “maghukom” ay ihiwalay o paghambingin. Kasama rito ang paglilitis, pagsusuri ng mga ebidensiya, tiyakin kung may pagkakasala o inosente, at pagpapasya ng kabayaran sa kasalanan.
3. Ang paghuhukom ay kinakailangan dahil sa kasalanan.
4. Ang Dios , Si Jesus, at ang mga banal.
5. Lahat ng kaluluwa
6. - Ang Salita ng Dios.
- Naaayon sa kaalaman.
- Isa-isa.
- Naaayon sa katotohanan.
- Batay sa personal na pag-uugali.
- Walang pagtatangi.
- Naayon sa batas.
- Naayon sa katuwiran.
- Naaayon sa mga motibo at mga iniisip.
7. Sapagka’t ang Panginoon ay ating Hukom, ang Panginoon ay ating Tagapagbigay ng kautusan, ang Panginoon ay ating Hari. ( Isaias 33:22)
8. a. Tama b. Tama c. Mali
IKA-LABING-ISANG
KABANATA:
1. Ang ibig sabihin ng salitang sakdal ay kumpleto, tapos, at ganap. Ang sakdal na Kristiyano ay ang nakaabot sa espirituwal na kaganapan. Ang ibig sabihin nito ang kanyang katawan, kaluluwa at espiritu ay nasa ilalim ng pangunguna ng Espiritu Santo.
2. Espiritu Santo
3. Ang unang kasakdalan ay napatawad ang iyong lahat ng nakaraang mga kasalanan nang ikaw ay nagsisi at tumanggap kay Jesu Cristo bilang Tagapagligtas.
4. Ang nagpapatuloy na kasakdalan ay ang patuloy na proseso ng pagsasakdal sa isang mananampalataya pagkatapos ng unang kasakdalan mula sa oras ng kaligtasan.
5.
- Ang mabuting pundasyon - Pagpapasakop sa tunay na ministeryo
- Pagtugon sa Salita ng Dios - Pagdurusa
- Panalangin - Pagpipigil sa sarili
- Pagtatalaga - Pagtugon sa pagtutuwid
- Mga Kaloob ng Espiritu Santo
6. Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal
. ( Mateo 5:48)
7. a. Mali b. Tama c. Mali d. Tama
8. Ang Salita ng Dios.